00:00Magandang gabi bayan, makakapanayam natin sa telepono si Ms. Chanel Dominguez, weather specialist mula sa pag-asa para magbigay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa Bagyong Opong.
00:12Magandang gabi po, si Sharm Cispina po ito mula sa PTV.
00:16Magandang gabi din po sa inyo at magandang gabi din po sa mga taga-subaybay po natin dito sa PTV.
00:21So update po muna tayo dito sa binabantayan natin Bagyong Si Opong mula sa nilabas nating Tropical Cyclone Bulletin kaninang 8pm.
00:28So ito po si Opong ay nasa West Philippine Sina at nananatili pa rin sa kanyang severe tropical storm category.
00:35Ito'y huling na mataan sa line 215 km west ng Calapan City Oriental Mindoro.
00:41May lakas ng hangin na 110 km per hour at pagbugso na umaabot na 135 km per hour.
00:48Ito'y kumikilis west-northwestward sa bilis na 30 km per hour.
00:52Dahil po dito kay Opong habang papalayo po siya ng ating kalupaan, nababawasan na rin po yung ating areas under yung Tropical Cyclone Wind Signal.
01:00Signal number 2 po dito sa western portion ng Batangas, Occidental Mindoro at Calamian Islands.
01:06Signal number 1 naman sa Pangisinaan, southern portion ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila,
01:14Rizal, Cavite, Laguna, Rest of Patangas, Quezon, western portion ng Camarines Norte, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, northern portion ng Palawan, kasama na ang Cuyo Islands.
01:26Para naman sa Bisaya, single number 1 pa rin dito sa Aklan, northern portion ng Antique, Caluya Islands at western portion ng Capis.
01:34Sa nakikita po natin, palabas na rin naman po ng ating Philippine Area of Responsibility itong si Opong, possible po bukas ng umaga or afternoon.
01:42At nakikita din natin yung pag-intensify niya into a typhoon category muli pag ito po ay palabas na po ng ating barhabang papalayo.
01:50So yun po, ingat pa rin po ating mga kababayan dahil inaasahan pa rin po natin.
01:54Lalo na po yung mga under and tropical cyclone winds signal, makakaranas pa rin naman po sila na malalakas na bugso ng hangin at may mga pag-ulan pa rin po.
02:02At yan po muna, latest dito sa Pag-asa with the Forecasting Center, Channel Dominguez po, magandang gabi.
02:08May isang tanong lang po ako, no?
02:11Ah, pagkatapos ng Opong, may namomonitor pa po ba kayong panibagong weather disturbance na posibleng pumasok?
02:19Sa ngayon po, wala po tayo nakikita pero meron po tayong mga minomonitor ng cloud clusters po.
02:24At patuloy po natin itong imomonitor kung magiging isang ganap na low pressure area sa mga susunod na araw.
02:30Alright, maraming salamat weather specialist Chanel Dominguez, weather specialist mula sa Pag-asa DOST.
02:35і.