00:00Samantala isinasagawa na ng pamahalaan ang recovery effort sa Eastern Visayas sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Opong.
00:08Ang detalya sa report ni Sol Alarcon ng PIA Eastern Visayas.
00:15Patuloy ang isinasagawang road clearing operations ng DPWH sa makalsadang apiktado ng pananalasa ni Bagyong Opong sa iba't ibang bahagi ng Eastern Visayas.
00:25Sa consolidated report ng DPWH, ang Biliran Provincial Circumferential Road ang may malaking bahagi na hindi madaanan ng anumang klase ng sasakyan.
00:35Nabigyan naman ng agarang tulong ang mahigit 7,500 families na nagsilikas sa mga evacuation centers.
00:43Ayong kay DSWD Regional Director Grace Subong, katuwang nila ang 18 LGUs sa pamahagi ng food at non-food items sa mga biktima ng bagyo
00:53Para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero, suspendido pa rin ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga lalawigan na may nakataas na storm warning signals.
01:04Tumulong din ang Philippine Coast Guard sa pagsagip ng mga natrap sa tubig baha sa Ormoc City.
01:11Kasama rin sa kanilang nasagip ang mga alagang hayop.
01:13Sa Eastern Summer, patuloy naman nagpapaggamot ang anim na mga pasahero ng motorbanka na lumubog habang tumatawid patungong Humunun Island sa kasagsagan ng bagyong opong.
01:25Mahigit sa 50 classrooms ang naiulat ng DepEd Eastern Summer na nasira ng bagyo.
01:3170 classrooms naman ang bahagyang nasira, subalit kailangan ayusin.
01:37Ayon naman sa NGCP, naibalik na rin ang kuryente sa malaking bahagi ng region.
01:42Nag-uulat mula sa Tacloban City para sa Integrated State Media, Sul Alarcon ng Philippine Information Agency.