00:00Ayan, nananatiling na kared alert status ang Provincial Disaster Reduction and Management Office ng Oriental Mindoro
00:08para magsagawa ng hakbang para matulungan ang mga pektadong residente.
00:14Yan ang ulat ni Joshua Sugay ng Philippine Information Agency, Mimaropa.
00:22Patuloy ang pagtutok ng pamalaan sa Oriental Mindoro matapos ang pananalasa ng bagyong opong.
00:28Agad na nagsagawa ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga hakbang para matulungan ang mga pektadong residente.
00:37Batay sa datos ng PDRRMO, umabot sa 1,741 na pamilya o 5,537 na individual ang sumailalim sa preemptive evacuation sa iba't ibang bayan ng lalawigan.
00:51Kabilang dito ang pinamalayan na may higit 2,500 pamilya, Victoria na may halos 1,000 pamilya at Bulalacaw na may mahigit 600 pamilya.
01:01Samantala, nananatiling stranded ang mahigit 520 pasahero at 387 rolling cargo sa Kalapan at Roasport dahil sa kanselasyon ng biyahe noong kasagsagan ng bagyo.
01:13Agad naman naghatid ng tulong ang pamalaan kung saan 600 hot meals ang naipamahagi sa mga pasahero,
01:19bukod pa sa mga food packs na inihanda ng Provincial Social Welfare and Development Office at National Food Authority.
01:25Bukod sa relief assistance, tuloy-tuloy din ang clearing operations sa mga kalsadang hindi madaanan na malalaking sasakyan, particular sa pola.
01:34Patuloy din minomonitor ang mga ilog sa lalawigan, kabilang ang Panggalaan at Bukayo River na umapaw sa normal na level.
01:42Samantala, nakapagtala ng 15 kaso ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bayan na Mansalay at Bulalacaw.
01:49Naitala rin ang dalawang nawawalang residente sa barangay Wasig.
01:52Sa sektor na agrikultura, tinatayang aabot sa mahigit 426,000 pesos ang pinsala.
01:59Samantala, nasa higit 1.9 million pesos naman ang pinsala sa linya ng kuryente sa probinsya.
02:05Matapos alisin ang tropical cyclone windsig na sa Oriental Mindoro nitong September 27,
02:09ala 5 ng umaga, balik operasyon na ang lahat ng biyahe ng mga barko sa lalawigan,
02:16bagay na nakapagpabawas sa dagsa ng mga stranded na pasahero at kargamento.
02:20Patuloy ang pagbibigay ng tulong at servisyo ng pamalaan para matiyak ang kaligtasan at agarang pagbangon ng mga Mindorenyo
02:26matapos ang pananalasa ng Bagyong Opong.
02:30Mula dito sa Oriental Mindoro, Joshua Sugay ng PIA Mimaropa para sa Integrated State Media.