Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Dahil sa inaasahang pagdaan ng Bagyong Opong sa Metro Manila mamaya,
00:04lumikas na ang ilang pamilyang nakatira sa mga bahaing lugar sa Quezon City.
00:08Nakaantabay na rin ang mga rescue team.
00:10May unang balita live si James.
00:18Susan, good morning.
00:19Isa itong Rojas District sa mga barangay dito sa Quezon City
00:21na patupad na ng pre-emptive evacuation simula kagabi.
00:25Karamihan doon sa mga residente na lumikas sa mga naninirahan sa tabing ilog
00:28na karaniwan na nakakaranas ng lampas taong baha.
00:36Kagabi pa lang lumikas na ang senior citizen na si Mona
00:39patungo sa multi-purpose gymnasium ng barangay Rojas District, Quezon City
00:42bilang paghahanda sa banta ng Bagyong Opong.
00:45Nakatira siya sa Gumamela Street, nakaraniwan daw lampas taong baha
00:48kapag tuloy-tuloy ang buhos ng ulan.
00:51Mahirap kasi pag may tubig na doon sa amin.
00:53At saka yung bahay namin, hindi mapasok ng bangka.
00:56Kaya mahirap kami mairescue pag mataas na yung tubig.
01:02Kasama naman ni Marinelang tatlo niyang ana.
01:04Sa tabing ilog sila naninirahan.
01:06Kaya hindi na nagdalawang isip ang pamilya na maagang lumikas.
01:09Natatakot po kasi ako lampas taon na po kasi yung tubig sa amin.
01:14Kahit nasa pangalawang palapag kami,
01:17aabot pa rin po kami.
01:18Hindi kami makakababa pagawas na umabot sa pangalawang palapag.
01:23Tatlo pa po yung anak ko. Hindi ko po kayang ilika sila lahat.
01:28Nagtayo ng modular tents ang barangay.
01:31Sa tala nila, umabot na sa 83 pamilya.
01:34Katumbas ang 277 individual ang lumikas.
01:37Puspusan din ang pag-iikot ng mga taga-barangay sa apat na flood-prone areas.
01:42Nilagyan ng lubid ang ilang poste para magamit sa rescue operations.
01:45Nakastandby na rin ang mga bangka gaya ng rubber boats.
01:48Ano yung mga tali? Yan po yung nagiging giya namin kung saan mapadali kami sa mga gusto pang magpa-rescue.
01:55At unang-una, siyempre, nandiyan yung kalaban namin na karin, na tubig.
01:59Yan yung nilalaban namin para makalapit lalo kami sa mga gusto pang magpa-rescue.
02:05Ang ibang residente gaya ni Torrio, inilagay na sa mas mataas na lugar ang mga gamit at appliances.
02:10Ano mang oras, handaan na rin daw silang lumikas.
02:12Sa barangay Bagong Silangan, may inilikas na rin labing-anim na pamilya kagabi.
02:29Inuna ang mga senior citizen, buntis at may kapansanan.
02:32Nagpatupad na rin ang pre-emptive evacuation sa barangay Apolonyo, Samson, lalo na sa mga residente na nakatira sa tabing ilo.
02:39Kaninang hating gabi, umabot na sa 63 pamilyang nasa evacuation center.
02:49Samadala, Susan, balik dito sa Rojas District.
02:51Bukod po dito sa mga lumikas sa gymnasium, ay meron na rin mga residente na lumikas doon sa kanilang simbahan.
02:57Pitong pamilya po yun na tinaasahan ng mga taga-barangay na madadagdagan pa yan ngayong araw.
03:02Sa lagay ng panahon naman, kaninang madaling araw ay nakakaranas tayo ng pag-ambun dito sa Quezon City, pero ngayon naman ay wala pa tayong pag-ulan na nararanasan.
03:09Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
03:11Ako po si James Agustin para sa JMA Integrated News.
03:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:17Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment