00:00May mga kanseladong biyahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX dahil sa Bagyong Opong.
00:06Live mula sa Paranaque, may unang balita si Jomer Apresto.
00:10Jomer!
00:14Again, good morning. Maraming kababayan natin dito sa PITX.
00:17Ang nag-aabang ng biyahe at umaasa makakauwi sa kanila mga lalawigan ngayong araw sa kabila ng banta ng bagyo.
00:23Madilim pa lang, nagtungo na ang balikbayan na si Michelle sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
00:32Galing daw siya ng Malaysia at kinakailangan niyang umuwi sa Nagas City sa Camarines Sur.
00:37May emergency kasi sa kanila. Nakilala niya pa sa terminal ang dalawang katabi niya na kapwa niya balikbayan na galing naman ng Japan at Amerika.
00:45Mag-aeroplano raw sana silang lahat pero canceled ang biyahe kaya nagbakasakali silang makasasakay ng bus.
00:50Ang 64 years old naman na si Nanay Josefina, bumisita lang daw sa kapatid sa Santa Maria Bulacan at uuwi na sana sa Ragay sa Bicol Region kasama ang kanyang anak.
01:07Naiwan daw sila ng last trip kagabi at magbabakasakali sila na makauwi na ngayon.
01:12Hindi ko alam kung may biyahe o wala kasi malakas yata ang bagay sa Bicol. Eh di maghihintayin na lang magkabiyahe.
01:21Hindi pa nag-aanunsyo ang PITX kung ano-anong biyahe ang kansilado ngayong araw.
01:26Kahapon, umabot sa 28 ang canceled trip sa PITX.
01:30Pinakamarami ang sa Occidental Mindoro na may 10 kansiladong biyahe patungong San Jose.
01:34Walong biyahe naman ang naapektuhan patungong Bicol Region kabilang ang biyaheng mas bate, Tabaco City sa Albay at Virax sa Catanduanes.
01:42Sa Visayas naman, 7 biyahe ang hindi natuloy kabilang ang patungong Liloan, Iloilo City, Samarlete, Maasinlawang at Lawangguian.
01:50Habang sa Mindanao, 3 biyahe patungong Davao at Tagum ang kansilado.
01:55Igan, base sa impormasyon na inilabas ng PITX, 24 na biyahe ang kansilado ngayong araw dahil sa Bagyo.
02:07Kabilang na dyan, ang biyahe papuntang Bagyo, Tabaco City, Masbate, San Jose Mindoro, Tacloban, Iloilo City, Davao at Tagum.
02:16At yan ang unang balita mula dito sa PITX.
02:18Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:21Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments