00:00Tira tayong mayigit 60,000 ang nagdiwang ng Pasko sa Luneta at Quirino Grandstand sa Maynila kahapon.
00:06Sa dami ng tao, marami rin basura na naiwan sa mga damuhan at bangketa.
00:12May unang balita si Jomer Apresto.
00:17Mag-aalas 11 na kagabi, buhay na buhay at masigla pa rin ang Quirino Grandstand sa Maynila.
00:23Lahat kasi sinusulitan kanilang oras kasamang pamilya sa araw ng Pasko
00:28ang mag-live-in partner na si Nanomer at Michelle,
00:31naglatag pa ng banig at humiga kasamang anak at ilang pamangkin.
00:35Galing daw sila ng parola at dito talaga sila nagseselebrate ng Pasko,
00:38gayon din sa bagong taon.
00:40Marami po kami kaipa pa umuwi na naubos na po yung baon namin.
00:47Sa Luneta naman, tumambay at nagpiknik ang pamilya ni Junek na isang e-track driver.
00:53Maglilimang taon na silang dito nagdiriwang ng Pasko.
00:55Kung ikukumpara raw ang dami ng mga nagpunta dito kahapon at noong mga nakaraang taon.
01:01Ngayon medyo parang nagbawas e.
01:05Ang nakaraang marami e.
01:06Batay sa datos ng Ermita Police Station,
01:09umabot sa maygit 60,000 ang naitalang na masyal sa Luneta at Quirino Grandstand
01:13nitong mismong araw ng Pasko.
01:16Dahil sa dami ng mga bumisita,
01:18hindi naiwasan ang mga basuran na nakakalat sa mga damuhan at mga bangketa
01:21sa Luneta at Quirino Grandstand.
01:24Ang ilan, may dala namang sariling basurahan,
01:28tulad ng isang pamilya na galing bagong silang kalookan.
01:31Sabi naman ang MPD,
01:32agad lininisin ang lokal na pamahalaan ng mga basura
01:35sa oras na mag-uwian na mga tao.
01:37Sa Luneta, hindi na nagpapasok na mga tao
01:40pasado alas 11 kagabi.
01:42Napuno naman ang Ross Boulevard na mga motoristang nag-uwian.
01:45Karamihan sa kanila, nasulit daw ang Pasko.
01:48Hindi daw kailangan ng malaking budget para maging masaya
01:51basta't buong pamilya at sama-samang nag-e-enjoy.
01:55Merry Christmas and Happy New Year!
02:00Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:07Igan, mauna ka sa mga balita,
02:09mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:12para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:15Igan, mauna ka sa mga balita,
Comments