Skip to playerSkip to main content
Itinuturing nang protected witness sa isyu ng flood control projects ang tatlong DPWH engineers at mag-asawang Discaya. Muli namang humarap sa Independent Commission for Infrastructure si Dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez na nagsauli ng isa pa niyang luxury car! May report si Joseph Morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang Lamborghini Urus,
00:29na pagbumayari ni dating Bulacan First District Assistant District Engineer Bryce Hernandez.
00:34Isinuko ito ni Hernandez sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:39Ito ang ikalawang luxury vehicle na itinurn over ni Hernandez kasunod ng GMC nitong biyernes.
00:45Ayon sa abogado ni dating DPWH First District Assistant Engineer Bryce Hernandez,
00:51yung pagsusoli niya ng kanyang mga luxury vehicle, dalawa na ito ngayon.
00:54Noong Friday, GMC 12 million at ngayon Lamborghini na 30 to 35 million ay wala raw hinihinging kapalit sa gobyerno.
01:03It's the right thing to do.
01:04Well, hindi na mo ito in exchange for anything?
01:06No.
01:07Sir, all, you said all, lot. Ilan yung isusoli niya?
01:10Ah, meron yung, yung binanggit niya, yung mga binanggit niya.
01:13Yung GMC, yung, at may mga motor pa siyang isusoli.
01:16Ngayon yung Ferrari, nandito na ngayon.
01:19Alam na namin kung saan ang location, kaya lang hindi ma-start.
01:23Kaya kailangan may dadalhin na kwan dun eh.
01:25Kasi kwan pala yun eh. Parang hybrid siya.
01:28Hindi ma-start kaya hindi nila madala rito.
01:30Pero makukuha na namin yan.
01:32Pero sabi ng abogado ni Hernandez, pag-uusapan pa,
01:35kung isasauli ang mga mamahaling motorsiklo,
01:38na ano nang sinabi ng ICI na ipasusubasta ang mga sinukong luxury vehicles.
01:43Bukos sa pag-turnover ng sasakyan, humarap muli si Hernandez sa ICI.
01:48Dumating din si nadating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
01:53Assistant Engineer JP Mendoza,
01:55at si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral,
01:59na umuninaglako kay Senate President Tito Soto
02:01ng mga insertion sa National Expenditure Program.
02:04Tumanggi sila magbigay ng panayam sa media,
02:07habang wala pang inilalabas na pahayagang komisyon
02:09tungkol sa naging testimonya ng apat.
02:11Si Nalcantara, Hernandez at Mendoza,
02:14ipinasok na ng Justice Department sa Witness Protection Program
02:17bilang mga protected witness.
02:19Protected witness na rin ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
02:24Ang isang protected witness ay binibigyan ng seguridad,
02:27tirahan at legal na proteksyon laban sa banta sa kanyang buhay.
02:31Hindi pa sila ligtas sa kaso pero maaaring maging state witness
02:34kung aaprubahan ng korte.
02:36Yung state witness status kasi,
02:39we're very careful about that
02:40because you're freeing them completely from criminal liability.
02:44Then it has to be worth it,
02:45ika nga, sa ating bayan.
02:48This is what we've been praying for.
02:50Because of all the revelations that he has made,
02:53it's important that he and his family is being protected.
02:58Alam mo, the fact na nagbigay na siya ng mga nalalaman niya,
03:02dumadami ang kalaban niya.
03:03Okay, so people want him silenced.
03:07Kanina din na nana Hernandez sa DOJ ang CPU ng kanyang desktop computer
03:12na naglalaman umano ng mga ebidensya sa mga manumalyang flood control projects.
03:17They're showing their good faith.
03:20Pinapakita nila na gusto nila talaga magsabi ng totoo
03:24at ito'y kanilang sinasabayan ng mga dokumento.
03:29Hindi lang tukwento,
03:30pero merong mga notes,
03:33ledgers at lahat ng kasama
03:35na maaaring magturo sa mga taong may pananagutan.
03:42Mga pangalang hindi nababanggit
03:43na ngayon ay nababanggit
03:46at maaaring iugnay sa iba pa mga taong hindi pa nababanggit.
03:52Nasulatan na ng Justice Secretary si Senate President Tito Soto
03:55at paplansyahin na lamang ang mga termino ng proteksyon sa mga protected witness.
04:00Samantala ay pinatawag din ng ICI si Senator Chisa Scudero.
04:04Si Ness Scudero at ako Bicol Partialist Representative Saldeko
04:07ang itinuturo ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno
04:10na nasa likod
04:11ng manumalang insertion sa 2025 budget.
04:14There were no insertions?
04:16Amendment sa pinapanukala ng mga miyembro ng Senado,
04:19amendment sa pinapanukala ng mga miyembro ng Kongreso,
04:23si Congressman Puno ni hindi sa bahagi nga
04:25ng Kongreso pa noong panahon yun
04:27kaya hindi ko alam kung saan siya nagkagaling.
04:29Itinanggi din ni Escudero na may small committee sa Bicom.
04:32Sure will the ICI ask you,
04:34is there a small committee that inserts flood control projects?
04:38Ang wala at hindi ako bahagi noon
04:40at hindi flood control projects
04:42dahil ang alam kong committee
04:43ay nagre-reconcile ng pagkakaiba ng dalawa.
04:46Si Kohn nagpunta sa Amerika para sa medical treatment
04:49at pinauwi na ng kamara
04:51nauna ng itinanggi ang mga aligasyon.
04:53Ang DPWH hiniling na sa Anti-Money Laundering Council
04:57na ma-freeze ang halos 5 bilyong pisong halaga
04:59ng mga air asset ni Kohn.
05:01Kabilang dyan ang Gulfstream 350,
05:04Bell Helicopter 407,
05:06Bell Helicopter 206B3,
05:08at Agusta Westland AW 1398.
05:12Sa isinimiteng listahan ng Civil Aviation Authority
05:14of the Philippines o CAAP sa DPWH,
05:17nakarehistro ang mga ito
05:18sa Misibis Aviation and Development Corporation,
05:22Hightone Construction Development Corporation,
05:24at QM Builder.
05:26Ang Hightone at ang QM Builder
05:27ay kasama sa top 15 contractors
05:29na ayon sa Pangulo
05:30ay nakakuha ng 100 billion pesos na proyekto
05:33mula sa gobyerno.
05:35Pinasasagot naman ang DPWH
05:37ang 10 regional at district engineers
05:39na inisuhan ng show cost order
05:41dahil sa mga aligasyong marangyang pamumuhay,
05:44pagpapatupad ng mga substandard na proyekto
05:46o paninira ng mga dokumento.
05:48Joseph Morong,
05:50nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended