Skip to playerSkip to main content
Nakatakdang ihabla ang district engineer sa Batangas na na-entrap sa tangka umanong magpadulas kay Batangas First District Representative Leandro Leviste. Ang suhol ay para raw hindi na maimbestigahan ang mga flood control project sa distrito. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakatakdang yabla ang District Engineer sa Batangas na naintrap sa Tangkaumanong Magpadulas kay Batangas First District Representative Leandro Leviste.
00:09Ang suhol ay para raw hindi na maimbisigahan ang mga flood control projects sa distrito.
00:14May report si Ian Cruz.
00:19Taong 2023, nang matapos ang diking ito sa Barangay Santol sa Balayan, Batangas,
00:25pero nang manalasa ang bagyong Christine nito October 2024, nawasak ang maraming bahagi nito.
00:33Isa ang dike sa mga proyekto ng DPWH na inimbisigahan ang tanggapan ni Batangas First District Representative Leandro Leviste.
00:42Bumunot ng sheet pile mula nga doon sa nakabaon sa nasirang dike itong tanggapan ng kinatawa ng kongreso dito sa Batangas.
00:53Kailangan kasing malaman kung gaano ba talaga kahaba yung ibinaong sheet pile para malaman kung sapat na ba yung habang yun
01:01para maprotektahan ang pampang ng ilog na ito kapag may malakas na bagyo o pagulan.
01:07Dapat 15 meters ang sheet pile.
01:11Kung sabihin po natin, sabihin mo na kalahati ng ginastos sa proyektong ito na 338 M o mahigit ay sa sheet pile.
01:20At sabihin po natin, one-third lang pala ang haba ng sheet piles na actually na inilagay.
01:28Yung 150 million pesos worth of sheet piles ay 50 million pesos worth lang pala ang inilagay.
01:38Pero ang imbisigasyon sa proyekto at iba pang DPWH project sa distrito, gusto man ang ipahinto.
01:44Tinangka umunong suhulan si Leviste ni Batangas 1st District Engineer Apelardo Calalo.
01:51Pero nagsumbong si Leviste kaya inentrap si Calalo at inaresto sa Taal Batangas nitong biyernes.
01:58Narecover kay Calalo ang perang umaabot sa mahigit 3.1 million pesos.
02:04Si Kong Leandro may tinawagan po siyang tao na nag-inform sa akin ng mga detalye.
02:10Kaya pumunta po kami doon, naabutan namin si DE na may hawak na ecobag at may lamang pera.
02:17We want the contractors to shell out the cost for the hundreds of millions of missing materials.
02:25And maybe that's a motive for someone to try and stop that effort.
02:30Bukas, maghahain si Leviste ng reklamo laban kay Engineer Calalo na nakadetain ngayon sa Taal Police Station.
02:38Makamakuha lang po namin panig niyo?
02:40Engineer, tanong lang namin yung 3 million para saan po ba yun?
02:46Papatawan ng DPWH ng preventive suspension si Calalo.
02:51Abutin na sa kanya at na kinulong. Kung yun ang ginawa niya, hindi ho tama yan.
02:56And we don't tolerate that kind of action.
02:57Sabi ni Sen. Ping Lakson, kakaibang tangkang panunuhol ng kay Leviste.
03:03Dahil ang mga kontratis sa Rao, ang karaniwang nanunuhol, hindi opisyal ng DPWH.
03:09This reinforces my fury sa aking privilege pitch na parang yung mga DPWH officials, at least at the district level, relegated na sila sa parang legmen or bagmen na mga powerful contractors.
03:27Nanawagan naman si Bacolod Rep. Albi Benitez sa DOJ na ilagay sa whistleblower program ang mga empleyado ng DPWH na gustong tumistigo laban sa maanumalyang flood control projects.
03:41Sa Senado, pirmado na ni Sen. President Cheez Escudero ang subpina para sa 10 malalaking government contractor na pinadadalo sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa maanumalyang flood control projects.
03:55Pero kung si House Committee and Human Rights Chair Rep. Benny Abante ang tatanungin, dapat independent commission ang mag-imbestiga.
04:05Para may bias yan, gawin natin independent commission yan. Yung talagang mga kilala ng mga tao na talagang matapang, malinis, talagang no holes bar dyan at walang sacred couch.
04:19Sa paggunita naman ng National Heroes Day, nangako ang Pangulo na pananagutin ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian.
04:28Hanggang sa puntong ito, tanging mga proyekto at mga kontraktor ang pinangalanan ng Pangulo pero wala pang mga politiko.
04:37Bilang Pilipino, may pananagutan tayo sa ating bansa na maging mas mapanuri sa mga mali na isiwalat ang panluloko at panindigan ang alam nating tama kahit hindi ito madali.
04:52Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:07Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended