Skip to playerSkip to main content
Napaamin si Dating DPWH District Engineer Henry Alcantara na may partisipasyon siya sa hatian ng pera sa flood control projects. Isang dating kongresista rin ang idinawit ni Dating Assistant District Engineer Brice Hernandez na tumanggap umano ng kickback. May report si Sandra Aguinaldo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Pantan ni dating DPWH Assistant Engineer Bryce Hernandez sa Kamara, si dating District Engineer Henry Alcantara Rao ang naka-blue shirt na nasa harap ng bulto-bultong perang kinubra sa flood control projects.
00:45Itinanggi noon ni Alcantara ang aligasyon.
00:48Muling naungkat ang larawan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw.
00:53Noong una, itinanggi ni Alcantara na siya ang lalaki sa larawan.
00:57Paano mo mapapaliwanag?
00:59Pero nang magpakita si Sen. Erwin Tulfo ng litrato kung saan kita na ang mukha ng naka-blue shirt,
01:07E, senador ako po eh.
01:08Yun. So kanina sinasabi mo, wala kang kinalaman dyan, hindi ka may-ari niyan, huwag kang isama ni Bryce.
01:15So ibig sabihin, itong patunay na may kinalaman ka sa mga partihan na yan.
01:21Pag-amin ni Hernandez, hati-hati silang DPWH engineer sa kita mula sa flood control projects.
01:28Yung project na yan, meron po kaming sharing na pagkumita po, si Boss Henry po merong 40%, ako po may 20%,
01:37si Engineer JP meron po 20%, at si Engineer Paul Duya meron din po 20%.
01:42Sinabi pa ni Hernandez, naisip nilang gumawa ng ghost projects dahil tumaas ang tara sa proponent
01:49o mambabatas na nagpasok ng proyekto sa budget.
01:53Pero hindi raw alam ni Hernandez kung sino ang mga proponent.
01:57Si Alcantara raw ang nakakaalam nito.
02:00Nang tanungin si Alcantara, sinabi niyang nagsusubitin na lang siya ng wish list sa regional office ng DPWH.
02:06Sino po yung proponent na sinasabi ni Bryce?
02:09Hindi ko po alam sa kanya, Your Honor.
02:12Every time po na may tatanong sa kanya, puro po ang turo eh sa akin.
02:15Pero hindi ito umobra sa mga senador kaya kinontemp siya.
02:19Dalawang hearing na itong nagsisinungaling.
02:22Sa mga taong sa baba, lahat may kasalanan, ikaw wala.
02:25District engineer ka, hindi mo alam na may ghost project.
02:29Sa pagtingin sa isang litrato, isang dating kongresista ang idinawit ni Hernandez.
02:34Hindi, sabihin mo na lang, para kanino itong mas malapit ito?
02:39Ano po, ang nakalagay po dyan is Mitch po.
02:42Kung hindi po ako, kung hindi po na maling pagkakatanda ako,
02:44ang sabi po dyan ni boss, para po kay Mitch Kahayon po yata yun.
02:49Si Mitch Kahayon Uy ay dating kongresista at dating opisyal sa DSWD
02:54nung Administrasyong Duterte.
02:57Mariin kinonde na ni Kahayon Uy ang anay ay walang basihang paninira
03:02at ang pagdawit sa kanya ni Hernandez.
03:05Wala raw siyang ugnayan kay Hernandez na ilang beses din daw umaming hindi sila magkakilala.
03:11Naging kinatawan daw siya ng kalookan at hindi ng bulakan.
03:16Naungkat din sa pagdinig,
03:17ang mga mamahaling sasakyan na tinanggap umano ni Alcantara
03:21mula sa kanya mga tauhan.
03:22Birthday gift na rin po nilang tatlo.
03:25Biniro ko pa nga sila.
03:27Anong gagawin ko dyan?
03:29Sana pinayaran nyo na lang.
03:30Kinontrayan ni Hernandez na nagsabing
03:33mismong si Alcantara ang humingi ng mga regalo.
03:36Yung sasakyan po ng LC300 at GMC,
03:39hindi po namin niregali yun.
03:41Hiningi niya po yun sa amin.
03:42Ang niregalo at ang hiningi niya pong regalo
03:44ng birthday niya ay isang Patek po na relo.
03:47Nasa 5 million mahigit po.
03:51Nakabili kayo?
03:52Opo.
03:53Opo.
03:55Saan?
03:56Alam ko parang dito po banda sa Makati namin binili yun.
04:00Bukod kay Alcantara,
04:02cited in contempt din si Curly Diskaya
04:04nang tanungin kasi kung bakit
04:06absent sa pagdinig ang misis niyang si Sarah.
04:09May ano po siya yung may
04:11hard condition din po siya.
04:15Pero sa isinumiting excuse letter ni Sarah sa komite,
04:18nakasaad na may nakaschedule raw siyang meeting
04:21sa mga empleyado nila.
04:23You lied.
04:25You lied.
04:26Paano pa kami maniniwala sa mga pinagsasabi mo?
04:29Humihingi po ako ng pasesya po sa inyo.
04:31Wala po akong intention talaga magsinungaling.
04:33Inissue ha naman ng show cause order ang misis niya.
04:37Cited in contempt din si JP Mendoza
04:39dahil sa pagsisinungaling umano.
04:42E dinetain sila sa Senado.
04:44Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended