00:00Una po sa ating mga balita, balik eskwela na ang higit sa 20 milyong mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
00:09Personal namang tinututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagubukas ng school year 2025-2026.
00:17Sa katunayan, isang paaralan ang kanyang binisita kung saan naglatag din siya ng mga direktiba para sa maayos na pagkatuto ng mga kabataan.
00:26Si Claes Alpardilla sa Sentro ng Balita Live.
00:30Angelique, binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Epifanio de los Santos Elementary School at tinuruan pang magbasa ang mga bata roon.
00:42Pinatitiyak ng presidente na may sapat na supply ng tubig, kuryente at iba pang pangangailangan ang mga estudyante ngayong balik eskwela hang.
00:51Ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang Epifanio de los Santos Elementary School, ang isa sa pinakamalaking paaralan sa Maynila.
01:03Pinasok ang mga classroom, kinamusta ang mga guro at tinanong ang kalagayan ng mga estudyante.
01:09Tinuruan din niya ang isang seksyo ng mga grade 1 students na magbasa.
01:13Aliw na aliw ang Pangulo sa mga bata habang ipinaliliwanag ang ibig sabihin ng mga salitang binabanggit ng Pangulo.
01:21Dito sa napuntahan natin ay maganda naman at nakausap natin, nakaka-zoom ko lang ng mga iba't ibang eskwelahan all around the country.
01:36So mukha namang so far, maayos yung kuryente or making sure na may kuryente lahat, na hindi may tubig lahat.
01:43Yun ang mga basic services na makita natin para naman maging maayos ang pag-aaral ng mga ating kabataan.
01:54Para matiyak na maayos, ligtas at matututo ang mga bata,
01:58sani puwersa ang mga ahensya ng gobyerno.
02:01Nagpadagdag ng libo-libong guro ang presidente para makapokus sa pagtuturo ng mga teacher.
02:06Mabawasan yung load na kanilang trabaho, bawasan yung administrative duties,
02:15ay magkukuha tayo ng 20,000 bagong guru.
02:1916,000 na na-hire ng DepEd na bagong guru.
02:27Tapos kumuha naman tayo para nga may katumbas na hiring doon sa administrative duties,
02:3510,000 naman na administrative.
02:41Pinasisiguro na handa at aktibo ang mga clinic at medical facilities sa health department.
02:46Pinababantayan sa DSWD ang cyberbullying at mental health ng mga kabataan para makapag-aaral ng mabuti.
02:53Inatasan ng Philippine National Police na tiyakin ang seguridad ng mga estudyante,
02:58tulad na lamang ng paglalagay ng CCTV.
03:00Pinalalawak sa DICity ang paghatid ng libreng internet connection sa mga paaralan,
03:06particular na yung mga nasa malalayo at liblib na lugar.
03:08Sa ngayon, ang mga school lang ang may internet lamang ay mga 60%, napakababa.
03:17Ang problema talaga, kuryente.
03:19Kaya aayusin natin ang dahan-dahan makikita natin magiging 100% yan.
03:24Inutusan ang Trade and Industry Department na sikaping maging abot kaya ang persyo ng mga school supply
03:32at ang Transportation Department naman ay dapat pairalin yung student fare discount.
03:38Sa Hulyo, inasahang mas marami pa ang mabibenefisyuhan ng nationwide implementation school-based feeding program
03:45na magsisimula sa mga estudyante na may edad na limang taong gulang.
03:49Habang sa susunod na tatlong taon naman, inaasahang ang pagtatayo ng higit isang daang libo na classroom.
03:56Yan ang muna ang pinakahuling balita. Balik dyan sa studio.
04:00Okay, so Clay, kamusta naman ang seguridad, ang presence ng mga kapulisan sa paligid ng mga eskwelahan?
04:11Angelique, tugon na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
04:15na tiyakin ang seguridad ng mga bata sa mga eskwelahan.
04:19Sa pinuntahan nating school kanina, ay mayroon naman mga guard at sa labasin ng school,
04:24makikita iyong police presence.
04:27Yan ay mahalaga para nga kung sakaling may mga insidente at emergency,
04:33ay agad na makakaresponde ang mga otoridad.
04:36Angelique.
04:36Okay, maraming salamat.
04:38Clayzel Pardia.