Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inukoy ni dating DPWH Assistant District Engineer Hernandez
00:04ang ilang pang dati at kasalakuyang kongresista sa Bulacan
00:07na sangkot din umano sa mga maanumalyang flood control projects.
00:12I-dinitalya rin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
00:14kung paano pinalolobo ang presyo ng mga proyekto
00:17para magkaroon ng perang magsisilbing kickback ng mga politiko.
00:21May unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:26Karamihan ng mga proyekto ng gobyerno
00:28dumaraan sa bidding para mabusisi at matukoy kung kanino ito mapupunta.
00:33Pero sa bidding pa lang daw, may nagaganap ng dayaan
00:36ayon sa kontratistang si Pacifico Curley Discaia II
00:40nang muli siyang humarap kasama ang asawang si Sarah
00:43sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:46Kung mapapansin ng mga mababatas,
00:48makikita na halos dikit-dikit lamang ang presyo ng mga bid amount
00:51ng mga sumasali sa rig bidding at peking bidding na ito.
00:56Alam na ng mga contractors kung sino ang nakatagdang manalo.
01:01Maaring nabili na nila ang proyekto mula sa congressman
01:03at iniintay na lang na lumabas ang resulta ng bidding na isinasagawa.
01:08Ang nananalo sa bidding-bidingan na ito
01:10ay ang mga may kapit sa mga matataas na opisyal.
01:14Sakaling may biglarong magbaba ng bid para manalo bilang lowest calculated bid,
01:19ginagawan raw ng paraan ng Bids and Awards Committee o BAC para matalo ito.
01:24Gaya ng pagdadeklarang, hindi ito nakasunod sa requirement.
01:27Isa sa mga proseso ay ang pagpupunit sa dokumento
01:31o pagsulat sa mga pahina ng bidding documents
01:34upang madeklara itong non-compliant
01:36at tuloy yan ng hindi makonsidera sa proyekto.
01:39Binibigyan naman daw ng kontratista ng tinatawag na obligasyon o parte
01:44ang mga sangkot na kawanin ng gobyerno at iba pang nakibahagi rito.
01:49Base sa aking mga naging obserbasyon,
01:51nakadepende sa nakaupong presidente ang porsyento.
01:56Noong panahon po ni...
01:57Okay lang po, Your Honor.
02:00Noong panahon po ni former President Pinoy ay umaabot po ng 10%.
02:05At sa panahon po naman po ni President Duterte po ay umaabot naman po ng 12% to 15%.
02:12Sabalit nga yung panahon po na mahal na presidente ay umaabot na sa 25% to 30%
02:17ang total ng porsyento ng proyekto
02:19ang hinihingi ng mga congressman gamit ang kanikali ng mga tao o tinatawag na badman.
02:25At ito ang pinakamatas na hinihingi sa lahat ng mga contractor.
02:29Kung hindi raw sila makikisama sa sistemang ito,
02:32hindi sila mabibigyan ang proyekto o kaya'y magkakaproblema at mabablocklist.
02:37Porsyentuhan din daw ang dahilan kaya overpriced ang mga proyekto.
02:41Ayon kay dating DPWH engineer Bryce Hernandez,
02:45lahat daw ng proyekto sa nasasakupan niya sa 1st District ng Bulacan ay substandard.
02:51Paraan daw ito para magatasan ang pondo.
02:54Wala pong tumama kung ano po yung nakaspecify sa plano.
02:57Hindi po na-meet lahat yun.
02:58At lahat yan may porsyentuhan?
03:00Lahat po, Your Honor.
03:01Meron ba kayong proyekto na walang porsyentuhan?
03:05Na maayos, na matino?
03:06Meron ba?
03:07Wala po, Your Honor.
03:08Hindi ko po masabi yung sa ibang lugar, Your Honor.
03:11Ang sinasabi ko po yung sa nasasakupan po namin,
03:14wala po talaga, Your Honor.
03:16Hindi afterthought ito ah.
03:18Alam mo ito habang nangyayari at that time.
03:22Opo, may instruction po lahat ito.
03:25We're investigating flood control.
03:26Ngayon na amin lahat ng proyekto, pati classroom, pati hospital, pati tulay, pati kalsada, lahat substandard.
03:34That's what you're saying, Bryce, no?
03:35Yes po, Your Honor.
03:38Maisama ko lang po, yung mga streetlights po namin, overpriced po lahat yun.
03:45Gumagamit daw sila ng materyales na mababa ang kalidad.
03:49Binabawasan din daw nila minsan ang haba ng proyekto.
03:52Kalaunan, nilinaw ni Hernandez na under-design daw ang mga proyekto at hindi substandard.
03:59Ayon kay Hernandez, pinapalobo rin nila ang porsyento ng proyekto para magkaroon ng perang panglagay sa mga proponent.
04:07Ito raw yung over-design.
04:09For example po, kung 100 pieces na bakal lang dapat ang gagamitin, ang ilalagay po sa program is 200 pieces po na bakal.
04:19Yung sheet pile po, hindi po totoo ang nagiging canvas dyan.
04:25Meaning?
04:27For example po, ang presyo lang talaga niya is 30 pesos per kilo.
04:34May mga ibang bagay po na pinapakarga sa amin dyan.
04:37For example, lalagyan po natin yan yung hauling fee.
04:43So yung 30 pesos po, magiging 40 pesos per kilo.
04:47Napakalaking adjustment po yun sa presyo ng materiales.
04:53Actually, hindi po siya substandard. Bali, under-design po.
04:56Kasi ang ginagawa po natin, in-over-design po natin yung plano.
05:03Then, ang susundin lang po natin is yung safe na design lang.
05:06So as per design po, under-design po siya.
05:10Actually, mali po yung term ko na substandard kanina.
05:14Kung sa flood control projects, 30% na lang ang natitira dahil sa kickbacks.
05:19Iba naman daw sa pagtatayo ng mga gusali.
05:22Sa mga buildings po, ang natitira po dyan mga 50% po.
05:26So kalahati lang po talaga ng budget ang ginagamit for construction.
05:30Walang 10% na may bigay sa proponent. Magiging substandard pa rin ba?
05:33Marami pa pong kinoconsider na expenses, Your Honor.
05:38Hindi lang po yung sa proponent.
05:39Kaya nga, sa DPWH.
05:41Yes po. So magiging substandard pa rin po.
05:43Wala raw alam dito si dating DPWH, Secretary Manny Bunuan.
05:48I don't know what to say, Your Honor.
05:49Alright, this is the first time that I have heard about all these synonyigans.
05:54Pinangalanan din ni Hernandez na may iba pang kongresista na sangkot.
05:58Nagbangkit ka kasi ng dalawang kasama namin dito.
06:01Ibig mo sabihin, walang mga congressmen na involved?
06:04Meron po, Your Honor.
06:05Si Kong Tina Pancho po.
06:07Si Kong Boy Cruz po.
06:11Saka si Kong Dani Domingo po.
06:13So sila, 15 to 20.
06:15Paano yun?
06:17Opo. Parang ganun po.
06:18Nasa 15 percent po.
06:19To 20 percent.
06:21Si Kongresman Dani Domingo ay kasalakuyang kinatawa ng Bulacan 1st District.
06:25Habang Bulacan 2nd District Representative naman,
06:29si Kongreswoman Tina Pancho.
06:31Dati naman kinatawa ng Bulacan 5th District si Ambrosio Boy Cruz,
06:36na kasalakuyang mayor ng Ginto, Bulacan.
06:39Sinusubukan pa namin silang makuna ng pahayag.
06:42Humarap din sa pagdinig si Lauren Cruz ang umanoy bagman
06:46ng sinibak na si Bulacan 1st District Engineer, Henry Alcantara.
06:50Mariin niyang itinanggi na bagman siya o taga-kolekta ng pera ni Alcantara.
06:55Pero aminado siyang dinala ang limpak-limpak na salapi sa bahay niya
07:00na binansagang tambayan.
07:02Yung tambayan, bahay mo yun, property mo yun, ano?
07:05Yes, Mr. Chair.
07:06Okay, thank you.
07:09Okay.
07:09Yung tambayan, yung dalahan ng perahan, di ba?
07:11Isang beses ko lang po sila nakitang nagdala sa sinasabi pong bahay ko po.
07:16Magkano yung isang beses lang, kuno, sabi mo?
07:19Pinagsaka ng pera yung tambayan?
07:21Your Honor, sa...
07:23Hindi ko po alam kung anong total, kasi hindi naman po ako kasali sa opisina nila.
07:28But yun, Bryce, magkano yung mga pera dinadala sa tambayan tuwing magbabagsak ng pera?
07:34Sa pagkaalala ko po, billion po.
07:36Billion?
07:36Your Honor, opo.
07:38Kada bagsak?
07:40Opo, basta marami po siyang pera, hindi po bababasa, isang daang milyon, Your Honor.
07:44Ito ang unang balita, Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
07:49Gusto mo bang mauna sa mga balita?
07:52Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended