Skip to playerSkip to main content
  • 5 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 11, 2025


- Ilang ilog, umapaw kahit hindi umuulan; ilang kalsada, binaha


- Dating DPWH Sec. Bonoan, Dating Usec. Bernardo, at Candaba Mayor Maglanque, at kani-kanilang anak, ipinalalagay ng DPWH sa immigration lookout bulletin


- Panayam kay Sen. Ping Lacson


- Sen. Escudero at Lubiano ng Centerways Construction and Development Inc., pagpapaliwanagin ng Comelec kaugnay sa P30M campaign contribution noong Eleksyon 2022


- Residential area sa Brgy. Balingasa, nasunog


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

đŸ“º
TV
Transcript
00:00.
00:06.
00:08.
00:12.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:30.
00:32.
00:34.
00:35.
00:38.
00:40.
00:41.
00:51.
00:53.
00:55.
00:59.
01:00Kaugnay pa rin ito sa investigasyon sa mga anomalya umanong flood control projects sa bansa.
01:04Ipinilalagay rin sa Immigration Lookout Bulletin si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:10Kandaba Pampanga Mayor René Maglanque, gayon din ang kanikanilang anak.
01:16Ito ay matapos si Bunyag na Sen. Ping Lakson na magkakasosyo sa isang negosyo
01:21ang mga anak ni Namaglanque, Bernardo at Bonoan,
01:24na nakakuha umanong malaking flood control projects sa gobyerno.
01:28Ayon din kay Lakson, ang isa pang kumpanya ng mga Maglanque
01:31ay nakakuha ng mahigit 2 bilyong pisang flood control projects sa Bulacan mula 2018 hanggang 2024.
01:40Dati na iginiit ni Bonoan na hindi siya sangkot sa maanumalyang flood control projects.
01:45Sinusubukan pa namin punan ng pahayag si Maglanque at Bernardo.
01:48Ibinunyag ni Sen. Ping Lakson ang koneksyon umanong ng mga pamilya
02:00ni na dating DPWH Sekretary Manuel Bonoan,
02:04dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
02:07at Kandaba Pampanga Mayor René Maglanque.
02:10Gayon din ang koneksyon umanong nila sa maanumalyang flood control projects sa bansa.
02:14At kaugnay po niyan mga kapanayam po natin sa Sen. Ping Lakson.
02:17Magandang umaga po Sen. Maris, umali po ito.
02:19At live po tayo sa unang balita.
02:21Maris, magandang umaga.
02:23Una po sa lahat, sabi niyo po magkakasosyo po yung mga anak na MBB
02:27o Maglanque, Bernardo at Bonoan sa MBB Global Properties.
02:32Nasaan po yung flood control projects ng kumpanyang ito?
02:35Hindi, walang flood control project ang MBB.
02:38Okay.
02:38Ang construction firm, yung global crit na pag-aari ng mga Maglanque.
02:43Hindi kasama doon yung mga anak ni dating Sekretary Bonoan at saka ni dating Yusek Bernardo.
02:51Ano po ang proyekto nila?
02:52Magkakasos yung anak nila sa MBB Properties.
02:55Okay.
02:55Pero yung construction firm, yung global crit na pag-aari ni Maglanque, ng Maglanque family.
03:06So hindi po ba yung...
03:07Ni Mayor René Maglanque.
03:08Sen. linawin ko lang po, yung global crit builders na tinutukoy niyo pong kumpanya,
03:14hindi po ba ito yung may flood control projects mula 2018 hanggang 2024?
03:18Correct.
03:18Pero hindi kasosyo doon yung mga anak ni na Bonoan at saka Bernardo.
03:23Ah, pwede po bang linawin natin?
03:25So yung global crit po na tinutukoy po niyong kumpanya, ito po yung may flood control projects mula 2018 hanggang 2024?
03:33Correct.
03:34Saan po yung mga proyekto nila?
03:37Sa Bulacan.
03:38Ah, sa Bulacan din po lahat.
03:39Oo.
03:40Gano'ng karami po itong mga nakuha po nilang proyekto roon?
03:43Ah, sa buong Pilipinas meron siya. Sa kanya mismo nanggaling yan kay Mayor René Maglanque na siya ay malaking kontratista na maraming kontrata, billion-billion sa buong Pilipinas.
03:55Pero meron sila, ang natukoy namin yung sa Bulacan, mga 2 point, mahigit dalawang bilyon.
04:01Alright, mahigit dalawang bilyon.
04:04Pero yung sinasabi niyo po, wala pong stake or share dito yung mga Bonoan at mga Bernardo?
04:11Walang record na mayro siya lang stake doon.
04:15Pero pinag-aralan niyo po ba at duda po ba kayo kung meron ding stake sa iba pang mga proyekto?
04:22Yung dalawa, Bonoan at Bernardo?
04:25Walang record kami nakitang gano'n.
04:27Ang sinabi niyong connected that, kasi nga, di ba si Secretary Bonoan, masyado siyang, yung paulit-ulit,
04:34sabi niya, isolated case lang yung napuntahan ni Presidente Marcos.
04:38Yung, kasi hindi niya pinanggit na magkalapit pala sila ni Mayor Maglankin na napalaking kontrata,
04:49ang malaking kontratista.
04:51So ang sinasabi po niya, kahit na-isolated case, yung ibang mga proyekto nila, talagang completed naman?
04:58May mga substandard lumabas.
05:00So in other words, it's either ghost o substandard yung kanilang mga proyekto, wala talaga yung completed na maayos.
05:08So parang nakita maris substandard, wala naman kami nakitang ghost.
05:11Wala pa, anyway.
05:132019 pa po, nakaupong Mayor si Rene Maglankin.
05:16Pwede po ba siya maging contractor ng gobyerno kahit siya po ay elected official?
05:20Obviously, hindi po, di ba?
05:22Hindi pwede, kailangan nag-divest siya.
05:24Pero while nag-deserve siyang Mayor, nananatili siyang kontratista.
05:31At nagawa po niya ito dahil?
05:35Sabi ko ba, connect the dots.
05:37Kasi kung magkalapit, lumalabas, magkasosyo nga yung manap nila.
05:41So sabi ko ba, connect the dots.
05:43Okay. Batay po sa inyong mga nakala,
05:46posible bang ginamit niya dating Secretary Bonoan at dating Undersecretary Bernardo,
05:50yung mga posisyon nila sa DPWH para ma-award sa Global Crete yung Flood Control Project.
05:54So ito po yung sinasabi niyo, connect the dots pa rin.
05:57Correct.
05:59Bilang bagong Senate Blue Ribbon Committee Chairman,
06:01iimbitahan niyo po ba sa hearing ang mag-aamang Maglankin, Bernardo at Bonoan?
06:07Hindi pa, kasi marami pang mga naiwan pa na dapat ipagpatuloy.
06:11Andiyan pa yung mga diskayan, andiyan pa yung sinabrys Hernandez.
06:14Tapos yung bagong lumbas, yung sa WJ na kusaan, nakapagbigay, malinaw doon sa nilabas na sa house,
06:25na nakapag-deliver doon sa isang empleyado o empleyada ng Blue Ribbon.
06:32Actually, pinalipat na nga namin yun.
06:34At nagpapagawa, nagsasagawa kami ngayon ng record check at saka background investigation
06:39sa lahat ng mga staff ng Blue Ribbon.
06:42Kasi nag-iimbisiga kami, pero kung meron pala gano'ng employee o staff na na-involve sa mga numalyang proyekto,
06:53at yung pangalabas na parang merong delivery ng obligation, tooth and tooth.
06:58Alright. Senador, matanong ko lang, kasi nice daw ipatawag ng LTO yung BGC boys sa pagdinig buka, September 12.
07:07Kawagnay po ito sa pagsususpendin ng kanilang driver's license for 90 days.
07:13Dahil nga po sa mga maling impormasyon na nilagay po nila dito,
07:17pwede po bang makalabas at makadalo dito sa pagdinig na ito?
07:21Halimbawa, si Bryce na nasa Pasay Jail ngayon.
07:24Ay, hihingi sila ng permiso sa Senate kasi ang may legal custody kay Bryce Hernandez, Senado.
07:34So hindi pwedeng basta dalhin yung kung saan-saan ng malibang kong korte,
07:41kung saan-saan, nung BGMP na kung saan merong physical custody sa ngayon.
07:47Para po sa inyo, kwalifikado po ba maging state witness sinasara at Pasifiko Daskaya?
07:52Dapatin na rin po itong sinasabi ko nga po si dating Bulacan Assistant District Engineer Bryce Hernandez.
07:58Hindi para sa akin kasi DOJ yun eh.
08:00Meron tayong batas na sumasaklaw diyan, yung batas sa Witness Protection Program.
08:05At ang magdidesign niyan, siyempre, yung DOJ, Department of Justice,
08:11kasi under ng Secretary of Justice yung Witness Protection Program.
08:15May mga patakaran diyan, Marie.
08:18Yung not most guilty, tapos yung materiality ng kanyang testimonya,
08:24na pwede makolaborate ng ibang ebidensya, may mga gano'n.
08:31Tapos yun nga, sinasabi ni Secretary Boeing Remulia,
08:34restitution, dapat ibalik sa bayan, yung kamalkapang na salapi na kinita nila sa mga anumanuman yung proyekto.
08:46Naniniwala po kayo na talagang mangyayari po yan in this term?
08:51Ah, alin? Yung...
08:53Yung restitution.
08:55Opo, restitution.
08:56Ang pagkanaipan na yung mga kaso, korte yung mag-uutos nun.
09:02Pero kung mag-a-apply ka sa State Witness,
09:04yun ang isang kondisyon na sinasabi ni Secretary Boeing Remulia.
09:08Pero pagka hindi, nilabanan ng kaso, korte yung magsasabi yung mga for future.
09:13Alright. Maraming maraming salamat po sa impumasyong binigay niyo po sa amin at sa inyong panahon,
09:17Senator Ping Lakson. Magandang umaga po sa inyo.
09:20Magandang umaga. Salamat.
09:21Sa talimarao, si Sen. Cheez Escudero kapag inisuan siya ng show cost order ng Commission on Elections.
09:28Kaugnay po yan sa 30 milyong pisong donasyon sa kanya noong election 2022 ni Lawrence Lobiano
09:34na may-ari ng Centerways Construction and Development Incorporated.
09:38Pareho itong inamin ni Escudero at Lobiano.
09:40Ayon sa Comelec, una nilang pagpapaliwanagin si Lobiano, kaugnay rito, bago si Escudero.
09:46Bibigyan daw nila ng limang araw si Lobiano para sumagot.
09:49Bago ito, sumulat na sa Department of Public Works and Highways ang Comelec
09:53para alamin kung contractor ng gobyerno ang kumpanya ni Lobiano.
09:58Ipinagbabawal kasi sa Omnibus Election Code ang pagbibigay ng campaign contribution
10:01na sino mang may kontrata sa gobyerno.
10:04Sinisika pa namin kuna ng pahayag si Lobiano.
10:13Nabulabog na sunog ang mga taga-barangay Balingasa sa Quezon City kanina ang madaling araw.
10:19Live mula sa Quezon City, may inang balita si James Agustin.
10:23James, natukoy na ba ang pinagmula ng sunog?
10:30Marisan yung inaalam pa ng Bureau of Fire Protection hanggang sa mga oras na ito
10:33at as of 5.15am ay dineklarang fire under control
10:37yung sunog na sumiklap sa isang residential area dito sa barangay Balingasa.
10:41Mag-aalas 4 na madaling araw kanina nang binulabog ng sunog
10:45ang mga residente ng Guayabano Street dito sa barangay Balingasa.
10:49Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na bahay.
10:52Itinasang Bureau of Fire Protection ang ikalawang alarma.
10:54Nasa labing-anim na fire truck nila Romis Ponde,
10:57dagdag sa labing-apat na fire volunteer group.
10:59Ayon sa mga residente, nagising na lang sila na malaki na ang apoy
11:02kaya mabilis silang lumikas.
11:05Ang ilang residente, iilang gamit at damit lang ang naisalba.
11:07Ang iba naman, walang nailiktas ni isang gamit.
11:13Noong una, noong paglabas namin, sa taas, dumidig sana yung apoy eh.
11:19Tapos malakas na rin yung usok.
11:21So, yun talaga, yun yung mangyayari. Kalat-kalat na talaga yun.
11:24Ginawa namin, lumabas na kami. Niliktas na lang namin, sarili namin.
11:29Wala, wala kaming gamit na nailiktas talaga.
11:31Totally zero kami talaga.
11:33Eh, lumabas na kami kasi light materials. May tatakot kami baka umabot sa amin talaga yung apoy.
11:44Marisa, mga oras sa ito ay nagpapatuloy yung mapping operations na sinasagawa ng mga tauha ng BFP
11:49at nangangalap pa tayo ng karagdagang detalye
11:52para maalaman kung ilang bahay ba yung natupok, ilang pamilya yung naapektohan.
11:56Pero meron tayong isang residente na naitala na kinailangan isugod sa ospital
12:00matapos magtamo ng second degree burn.
12:03Yan ang una balita mula rito sa Quezon City.
12:05Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
12:08Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
12:13Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
12:16Mga kapuso, tumutok lang po sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended