Skip to playerSkip to main content
  • 4 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 23, 2025


- Bahagi ng MacArthur Highway sa Brgy. Dalandanan, binaha; ilang papasok sa trabaho, napilitang lumusong | Malubak na bahagi ng MacArthur Highway, pahirap sa mga motorista |Ilang bahagi ng Maynila, nakaranas ng pabugso-bugsong ulan


- Baguio CDRRMO: 13 rockslides, 4 na pagbaha, 13 bumagsak na puno, naitala sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Nando | Supply ng kuryente, naibalik na sa ilang bahagi ng Baguio City | Naguilian Road at Marcos Highway sa Baguio City, nadaraanan na; Kennon Road, sarado pa rin | 1 patay, 5 sugatan sa landslide sa Tuba, Benguet


- Ilang residente sa Santa Ana, Cagayan, nagsisimula nang maglinis matapos ang paghagupit ng Super Typhoon Nando


- Mga basura, nagtumbahang bakod, at sirang establisimiyento, tumambad kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Nando | Ilang bahagi ng Ilocos Norte, wala pa ring supply ng kuryente | Storm surge warning, nakataas sa Ilocos Norte; mga residenteng malapit sa coastal areas, pinalilikas | 738 pamilya, inilikas dahil sa Super Typhoon Nando


- Dokumento na naglalaman ng mga kaso vs. FPRRD, inilabas ng ICC


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29.
00:30.
00:58.
00:59.
01:00.
01:02.
01:04.
01:06.
01:08.
01:09.
01:10.
01:12.
01:13.
01:14.
01:18.
01:19.
01:20.
01:21.
01:26hindi mo talaga kaya dumaan dito.
01:27Nagawa nila yung kalsada pero parang hindi naman nila nagawa yung mga drainage.
01:37Marie, sabiso sa mga kapuso natin na mapapadaan sa bagay ito ng mga R3 Highway.
01:41Talaga naman po mabagal yung usad ng mga sasakyan dahil nga po doon sa baha pa rin.
01:46At nakikita natin diskarte, sa gitnang bahagi nitong kalsada dumaraan yung mga motorista.
01:51May mga nakita din tayo, tulad nyan yung isa bumaba sa jeep at napipilitan na lumusong sa bahay.
01:55Yung iba may bota sila, yung iba naman e wala.
01:58May mga nagamando din ng daloy ng trafiko dito sa lugar dahil traffic na po talaga maaga pa lamang kanina
02:04dahil dito sa pagbaha na naranasan sa MacArthur Highway.
02:07Yan muna yung unang balita mula rito sa Valenzuela City.
02:10Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:13Update tayo sa sitwasyon sa Baguio City na isa sa mga hinagupit na super typhoon nando.
02:18May una balita live si John Consulta.
02:21John?
02:25Igan, pag ulan na lang at wala nang malakas na hangin ang naranasan ngayon dito sa Baguio City,
02:32matapos nga ang pananalasa ng super typhoon nando sa lungsod.
02:36Ayon sa CDRMO ng Baguio City, umakyat sa labing tatlo ang bilang ng insidente ng rock slides at soil erosion sa buong Baguio City.
02:48Wala namang naitalang nasaktan, napinsala o naharangang kalsada.
02:52Apat ang naitalang insidente ng pagbaha.
02:54Habang labing tatlo naman ang bilang ng natumbang puno na ibalik na ang kuryente sa malaking bahagi ng Baguio City,
03:02bagamat may walong naitawag na telecom at electricity interruptions.
03:07Nananatiling sarado ang Kennon Road, habang possible naman ang Margos Highway at Nagillion Road.
03:13Nagpadala naman iga ng heavy equipment at mga emergency personnel ang Baguio City sa nangyaring landslide sa tuba Benguet
03:19kung saan isa ang naitalang patay at lima ang sugatan.
03:25So sa ngayon iga, medyo kumakalman na rin ang sitwasyon dito sa bahagi ng Baguio City
03:30at patuloy pa rin naman ang pag-ikot ng mga emergency units ng CDRMO
03:34para tumugon sa mga tawag na patuloy pa rin nilang nakukuha
03:39hinggil nga dito sa mga natumbang puno at mga soil erosion sa lungsod.
03:43So yan muna ng latest dito sa Baguio City, balik sa iyo iga.
03:46Maraming salamat at ingat, John Consulta.
03:50Nagsisimula na maglinis ang ilang residentes sa Santaanang Cagayan
03:53matapos ang pagkagupit ng Super Typhoon Nando.
03:57Live mula sa Cagayan, may unang balita si Nico Wahe.
04:01Nico!
04:04Igan, magandang umaga.
04:07Hindi tulad kahapon kung saan mabagsik, malakas ang naging pananalasan itong Super Typhoon Nando.
04:13Ang magdamag namin ngayon ay mas kalmado dito sa Santaanang Cagayan
04:17at ngayong umaga, medyo lumabas ng bahagya itong araw.
04:22Kaya naman ang mga residente na nakikita nyo sa aking likuran
04:25ay nagsimula na magsipaglinis ng kanilang kapaligiran.
04:30Kahapon, may mga nararamdaman pa rin tayong mga pabugsubugsong lakas ng hangin.
04:35Actually, hanggang sa umagang ito, pero itong wala ng ulan, ito na yung naging hudyat
04:41ng mga residente para maglinis na dito sa kanilang kanya-kanyang tapat.
04:47Ito at yung mga ibang kalalakian dito ay tinatanggal na yung mga nagkalat na puno dito sa kalsada.
04:54At ayon naman sa PDRRMO, sa kanilang latest situational report kagabi, alas 11 ito,
05:00ay kumaunti na yung mga nasa evacuation center.
05:03Nasa mahigit siyam na libo na lang itong mga nasa evacuation center.
05:07Individual ito para dito sa buong Cagayan.
05:12Yung mga pamilya para sa mga nasa evacuation center, nasa 3,551 na lang.
05:18At yung individual naman yan, nasa 4,362.
05:23Tungkol naman sa linya ng komunikasyon, may ilang network na walang signal dito sa buong Cagayan.
05:32At yung power supply naman, nasa 20, sa 20 siyam na bayan dito sa buong Cagayan,
05:42ang wala ngayong power supply.
05:44Pero kahapon, sa kasagsagan mismo nitong Super Typhoon Nando,
05:48ongoing yung naging rescue operation doon sa mga residente na nandun sa tabi ng ilog
05:53at doon sa gilid ng coastal area.
05:56Dahil may ilan na hindi talaga lumikas kahit na napakalakas na nitong Super Typhoon Nando.
06:02Kaya MDRRMO ng Santa Ana, halos hindi natulog para sakaling may tawag na kailangan ilikas,
06:08lalo na yung mga nanatili sa kanika nila mga bahay,
06:10sa kasagsagan ng bagyo ay agad nilang mapuntahan at madala doon sa evacuation center.
06:16Sa ngayon, ito medyo maliwanag pero maya maya ay mag-iikot kami.
06:20Pero kaninang umaga, may isa pag-iikot naman namin at nagpalipad kami ng drone kaninang umaga
06:25na nahihirapan lang kaming isen dahil nga wala kaming signal sa ngayon.
06:30Ang maganda, hindi gaano nasira yung mga kabahayan dito.
06:33Yun yung pagpapakita na yung mga taga-kagayan, maaga pa lang ay naghahanda na
06:39para sakaling man kung gaano mang kalakas itong bagyo na dumarating
06:43dahil nga lagi naman silang dinaraanan ay hindi madadamage ng malala itong kanika nilang mga ari-arian.
06:50Yan muna ang latest mula rito sa Santa Ana, Kagayan.
06:53Ito ang unang balita.
06:54Ako si Nico Wahe para sa GMA Integrated News.
07:03Hanggang ngayon, wala pa rin kuryente sa ilang lugar sa Ilocos Norte matapos ang hangagupit ng Super Typhoon Nando.
07:10Tumambad din ang matinding pinsalang iniwan ng bagyo.
07:13Live mula sa Ilocos Norte,
07:15sa unang balita si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
07:20Sandy!
07:24Iigan, kagabi ay nakaranas tayo ng malakas na ulan at hangin.
07:28Imbunsod nga nitong Super Typhoon Nando dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
07:34Sa mga oras na ito, pagputok pa lang ng liwanag ay bahagyan na rin kumakalma ang lagay ng panahon.
07:42Sa aming paglilibot dito sa Lawag City, may ilang sanga ng puno, mga dahon, basura at iba pa na nagkalat sa ilang kalsada.
07:50May nadaanan din kami kaninang nasira at nagsitumbahang mga bakod at basag na salamin sa ilang establishmento na dulot ng malakas na hangin kagabi.
07:59Ilang bahagi rin ng probinsya ang nawalan ng supply ng kuryente kahapon hanggang ngayon.
08:04Dahil dito ay inanunsyo ng Ilocos Norte Electric Cooperative na pansamantala muna nilang ititigil ang mga ginagawa ng power restoration sa buong probinsya
08:13upang matiyak din ang kaligtasan ng mga line workers.
08:16Nakataas pa rin ang storm surge warning sa Ilocos Norte kaya naman tuloy-tuloy rin ang abiso ng mga otoridad sa mga residenteng malapit sa mga tabing dagat
08:25na lumikas na sa mga evacuation center malapit sa kanilang barangay.
08:29As of 8pm naman kagabi, nasa 738 na pamilya o hindi bababa sa 2,000 individual ang inilikas na sa iba't ibang lugar sa probinsya.
08:39Ayon din sa PDRRMO, kinailangan na rin magpatupad ng forced evacuation kahapon sa mga residenteng nasa critical areas.
08:48May mga naibahagi na rin family food packs at hygiene kits sa mga apektadong residente.
08:53Ngayong araw ay wala pa rin pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga probinsya ng Ilocos Norte at Ilocos Sur at sa ilang bahagi ng La Union.
09:03Habang nagpapatupad naman ng localized suspension of work and the classes ang probinsya ng Pangasinan.
09:09Igan, as of 6pm kahapon ay may mangilang LGUs na rin na nagsumite ng kanilang agricultural damages.
09:17Pinakamalaking napinsala ay itong bayan ng Bintar sa Ilocos Norte na kung saan umabot sa mahigit 2 milyong piso
09:25ang napinsalang mga taniman at palayan sa lugar.
09:31Ayon din sa lokal na pamahalaan, nabanggit nga nila na ang mga datos na ito ay inisyal pa lamang,
09:36lalo't kagabi naranasan yung pinakamalakas na hagupit nitong Super Typhoon Nando.
09:42Yan muna ang mga unang balita mula rito sa Ilocos Norte. Balik sa iyo, Igan.
09:47Maraming salamat at ingat. Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
09:52Samantala, inilabas ng International Criminal Court ang dokumento na naglalaman na mga kaso isinampalaban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
10:00Pangunahin dyan ang tatlong counts ng crimes against humanity.
10:04Ang unang count ay para sa pagkamatay ng labing siyam na tao noong Davao City Mayor Pase Duterte mula 2013 hanggang 2016.
10:12Ang ikalawang count naman ay para sa pagkamatay ng labing apat na umunoy high value targets sa war on drugs mula 2016 hanggang 2017,
10:21unang taon ng kanyang pagkapangulo.
10:22At ang ikatlong count ay para sa 43 murder at dalawang attempted murder na mga nasa PRRD list noong ding war on drugs mula 2016 hanggang 2018.
10:34Ayon sa ICC prosecution, itinalaga ni Duterte ang ilang kasabwat niya umano sa pagpatay sa Davao City sa matataas na posisyon sa gobyerno noong siya'y naging presidente.
10:44Ginamit umano nila ang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at Bureau of Corrections
10:55para mag-operate ala Davao Death Squad o DDS laban sa mga umunoy drug suspect.
11:01Wala pang pahayag kaugnay niyan ang defense team ng dating Pangulo.
11:04Pero bago maaresto at dalihin sa The Hague, Netherlands, inamin ang dating Pangulo sa pagdinig ng House Quad Committee noong November 13, 2024 na sangkot siya sa ilang insidente ng pagpatay.
11:34Hellå¹…
11:35Cheiko
Be the first to comment
Add your comment

Recommended