Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 22, 2025


- Antas ng tubig sa Marikina river, binabantayan | Sasakyan ng ilang residente, naka-park sa tulay sa Marikina river para hindi abutin ng baha | Marikina LGU: Mahigit 20,000 tao, inilikas at nananatili sa 36 na evacuation centers

- Batang tinangay ng rumaragasang baha sa Quezon City, nailigtas

- Pagpalaot sa dagat, ipinagbabawal dahil sa matataas na alon; kabuhayan ng nga mangingisda, apektado | Mga bangkero, apektado rin ang kabuhayan dahil sa malakas na agos ng ilog

- Sitwasyon sa Marulas, Valenzuela

- Sandamakmak na basura, lumutang sa baha sa ilang kalsada sa Quezon City

- PBBM: Naghahatid na ng tulong ang gobyerno sa mga nasalanta ng masamang panahon | U.S. Defense Sec. Hegseth sa Pilipinas: "We're proud to support... your efforts to modernize your armed forces and collective defense"

- Ilang residente sa Brgy. Calubihan, lumusong sa baha; ilang pamilya, nag-pre-emptive evacuation | 28 pamilya sa Molo, Iloilo, apektado ng baha | Iloilo City DRMMO: 516 na pamilya, nananatili sa 13 evacuation centers | Mabigat na daloy ng trapiko, naranasan matapos bumaha sa kalsada; isang paaralan, pinasok ng tubig

- Baha dahil sa pag-ulan sa ilang lugar sa Bulacan, nagdulot ng perwisyo sa mga residente at motorista

- Maraming motorista sa NLEX, Stranded dahil sa baha kagabi; maraming daan doon, passable na ngayon

- Bilang ng evacuees sa Marikina, mahigit 23,000 na; ilang evacuation center, puno na | Magdamagang rescue operation, isinagawa sa Marikina; pag-rescue sa ilang residenteng binaha ang bahay, pahirapan | Malawakang declogging operations, isinagawa sa ilang kalsada; sandamakmak na basura, naglutangan sa isang creek sinagip

- Sandamakmak na basura, naiwan ng pagbaha sa G. Araneta avenue

- España boulevard at Roxas boulevard, binaha

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).



For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

🗞
News
Transcript
00:00The latest news is Martes.
00:20Igan, maddamag ang ulan na naranasan dito sa Marikina City.
00:24Dito sa kinatatayuan namin, kita na umapaw na ang tubig mula sa ilog.
00:30Kaya naman, maraming residente dito sa syudad, lalo na yung mga nakatira malapit lang dito sa ilog,
00:35ang napuyat kakaantabay sa sitwasyon ng baha sa kanilang lugar.
00:44Nagmistulang dagat ang ilog ng Marikina City na umapaw na dahil sa walang tigil na ulan sa magdamag.
00:50Umabot sa 18.7 meters ang antas ng tubig sa Marikina River as of 1 a.m. kanina.
00:56Inakyat sa ikatlong alarma ang ilog.
00:59Ibig sabihin, forced evacuation na para sa mga residente na nakatira malapit sa ilog o sa low-lying areas.
01:06Pasado alas 11 ng gabi, ganito po ang sitwasyon dito po sa Marikina River.
01:10Meron po ang signage ng I love Marikina dito po sa aking likuran pero hindi na po natin nakikita yung salitang Marikina.
01:18Tanging yung simbolo na lang po ng puso.
01:20Umapaw na po kasi talaga itong ilog.
01:23May mga nakausap po tayong ilang residente.
01:25Sabi nila talaga nakaantabay sila dahil mukhang aabutin na naman yung kanila mga bahay.
01:30Nakatira po sila dito malapit lang sa ilog.
01:32Tapu yata na naman daw ang gagawin nila ngayong walang tigil ang ulan.
01:36Kasi baka lumalim lalo eh.
01:39Kaya pagka hanggang doon sa may pangalawagdanan na yan,
01:42i-backwit na ako kasi yung kailangan ako hindi makaalis kasi yung mga gamit namin nandiyan sa loob pa.
01:50Saka mamaya bigla namin iwan yan, bigla may pumasok na hindi namin kilala eh.
01:54Nawala yung mga gamit namin eh.
01:56Sa panahon ngayon, kailangan namin magpuyat ulit para magbantay ng pag-angat ng tubig
02:01kasi hindi mo naman makokontrol sa lakas ng ulan at saka hindi namin alam kung saan ang gagaling yung tubig.
02:08Sobrang bilis ng Agos.
02:10Ilang rescuers ng BFP ang lumusong para puntahan at sabihan ng ilan pang residente na lumikas na.
02:16May ilan naman na bumibisita sa may river park para i-check ang antas ng tubig.
02:21Pumunta ko rito kasi no, I'm a local na tal na marigina.
02:24I-observe kung anong ano na para ma-i-share ko rin sa aking mga kababayan.
02:30Ang marigina talaga, Cuts Basin yan eh.
02:32Hile-hile rang mga sasakyan naman ang nakapark sa may tulay ng Marigina River.
02:37Ayon sa ilang residente sa low-lying areas, ganito raw ang ginagawa nila
02:40para hindi abuti ng baha ang kanilang mga sasakyan.
02:44Sa tala ng Marigina LGU as of 12.45am,
02:47nasa mahigit 20,000 individual ang bilang ng mga inilikas na residente
02:51na ngayon ay nananatili sa 36 na evacuation centers sa lungsod.
02:56Binigyan sila ng mga pangunahing pangangailangan,
02:58gaya ng pagkain, kumot at banig.
03:01Nakastandby rin ang tulong medikal para sa sinumang mga ngailangan.
03:10Igan sa mga oras na ito, sa huling tala ng Marigina LGU,
03:14ay nasa 17.7 meters na ang antas ng tubig dito sa Marigina River.
03:19Bumaba na yan, simula kanina.
03:21At makikita ninyo, bagamat bumaba yan,
03:24ay baha pa rin dito sa kalsadang ito ng river park na nasa gilid lang nitong river.
03:31Pero nakikita ninyo, compared doon sa binalita natin kanina,
03:34ay nakikita na natin yung salitang Marigina.
03:37At yan muna ang latest mula po dito sa Marigina City.
03:41EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
03:44EJ, may mga residente pa ba ang kailangan ng rescue?
03:47O agar ang tulong dyan?
03:53Igan na may mga residente na nirescue kanina.
03:57Yung iba may sanggol, may senior citizen, may mga nakalagay o nakaupo sa wheelchair.
04:03Pero as of now, medyo wala naman na tahimik yung rescue operations ngayon ng authorities.
04:10Nasa anong alarma na ang Marigina River, EJ?
04:17Igan, dahil bumaba na sa 18 meters, bumaba na rin sa ikatlong alarma dito sa Marigina City.
04:23As of now, 17.7 meters.
04:26Kakacheck lang natin yan, yan yung huling tala ng Marigina LGU.
04:30Igan?
04:31Maraming salamat. Ingat, EJ Gomez.
04:37Karagdang ang update tayo sa sitwasyon sa Marigina.
04:40Maapanahin po natin si Marigina Mayor Maan Chodoro.
04:43Mayor, maganda umaga po.
04:45Yes, good morning, Iga.
04:48Mayor, sa ngayon ilang barangay na apektado pa rin ng pagbaha?
04:52Mostly, mga barangay namin dito sa District 1.
04:56And may mga ilang barangay sa District 2.
05:00Namely, yung malalaki talagang barangay na apektado.
05:03Santo Niño, Malanday, Nangka, Concepcion Uno, Jesus de la Peña,
05:09some parts of Santa Elena, San Roque.
05:14Sa ngayon, may mga low-lying areas sa kanya-kanyang mga barangay na mayroong mga floodwaters pa rin.
05:22Meron bang lugar dyan na hindi pa marating dahil sa baha?
05:25Yung mga lugar na malapit sa ilog, like sa Libismalaya, meron kaming area sa Malanday, Nara, Talisay, sa Tumana.
05:42Yung talagang tabing-tabe, like the Linear Park, Calamansi, Kisla, Doña Petra, Sanangka, sa may Balubad area.
05:52Yun ang medyo mataas pa ang baha.
05:55May mga na-stranded bang residente, Mayor?
05:58Sa ngayon, wala naman tayong reported na stranded.
06:02Kung sakali man, sila ay nare-rescue rin naman upon their request.
06:07Since yesterday, tumatanggap tayo ng mga rescue request kung sila ay nangailangan ng tulong o kaya ng ambulance para kunin sila, lalo na yung mga bedre din natin.
06:21Pero sa ngayon, wala naman tayong nakukuha pang information on that.
06:27Umabot po sa ilang bilang yung residente apektado at nasa evacuation centers pa rin po, Mayor?
06:32As of siguro 5 a.m., ang number of individuals na nasa evacuation centers is around 23,286.
06:434,740 families in total.
06:47May mga nakabalik na po sa bahay nila, Mayor?
06:51Baka wala pa sa ngayon.
06:53Oo, wala pa.
06:54So ano pong tulong ang kailangan pa nila dyan sa evacuation center?
06:57Um, since yesterday, nananawagan kami doon sa mga donors na may mabubuting puso ng mga hot meals, mga basic necessities, especially for the pregnant women and sa mga bata.
07:16Yun ang pangailangan namin ngayon.
07:18So we really welcome all the nations in all, kahit saang evacuation centers sila, pwedeng dumiretso na.
07:28Dumiretso na.
07:28Okay.
07:29Mukhang sabi ng pag-asa, hanggang Sabat doon pa itong sama ng panahon.
07:32Tuloy-tuloy ang pagulan.
07:34So sa ngayon ba yung supply at tulong nyo dyan, Mayor?
07:37Kakayanin pa ba?
07:40As of yesterday, kaya pa naman.
07:42Ako tingin ko, kakayanin naman dahil ang Marikina, very resilient yan when it comes to disasters.
07:49Pero syempre, mas maganda kung nagtutulungan tayo, lalo na yung mga government agencies, sa national, and then sa private sector as well.
07:59Kaya maganda nga kung meron niyang gusto mag-donate.
08:03Actually, kagabi, nagpasabi na ang ilang mga private companies na magpibigay sila ng hot meals sa ating mga kababayan sa evacuation centers.
08:13At sa huling report ng GMI Integrated News, bumaba po ang level ng tubig dyan sa Marikina River.
08:20So, second alarm na tayo, Mayor?
08:23No.
08:25Wala na tayo sa third alarm, pero hindi pa tayo pumapalan ng 16.
08:30Okay.
08:30Ang second alarm natin ay 16 meters. Right now, 17.7 meters tayo as of 5.23.
08:37Opo.
08:37Mas maganda na mga improvement ito dahil kagabi talaga, walang pagbaba ang ating ilog kahit na huminto sa glitang ulan.
08:47Opo.
08:47Dahil na rin siguro sa sobrang dami ng rainfall sa bundok.
08:52Opo.
08:53So, third alarm pa rin? Maintained?
08:55Third alarm pa rin tayo.
08:56Okay.
08:57Mayor, maraming salamat sa oras.
08:59Mas ingat po kayo, Marikina Mayor Maan Chodoro.
09:01Salamat po.
09:04Hulikam, ang pagligtas sa isang batang tinangay ng Rumaragasang Baha sa Batasan Hills, Quezon City.
09:10Thank you, Mr. Rengen.
09:13Thank you, Mr. Rengen.
09:13Nakita po ninyo sa video na kuha ni Yuscooper Gayalak, Jamik Axel Rose.
09:24Kitang tumatakbo ang bata papunta sa kanyang ama nang bigla siyang tangayin ng baha.
09:29Agad siyang sinundaan ng ama pero lumusot ang bata sa malaking butas ng ginagawang kalsada.
09:35Mabuti at naharang ang bata sa isang bahagi ng ginagawang drainage at naiangat siya.
09:41Apektado ang kabuhayan ng mga manging isda at bangkero sa Pangasinan dahil sa mataas na alon at malalakas na agos ng ilog.
09:53Live mula sa Dagupan, Pangasinan, may unang balita si CJ Torida ng GMA Regional TV.
10:00CJ?
10:00Igan, nandito tayo ngayon sa daungan ng mga bangka sa Barangay Pantala, Dagupan City.
10:08At ayon sa ilang manging isda rito, mayigit isang linggo na ron siya lang hindi nakakapalaot dahil siya nararanasang sama ng panahon.
10:15Mayigpit na nakamonitor sa mga manging isda at lagay ng panahon ang PDRRMO sa Pangasinan.
10:27Bawal pumalahot dahil malalakas at matataas ang mga alon sa dagat.
10:34Delikado ito sa mga maliliit na bangka.
10:36Ang mga manging isdang ito sa Barangay Pantala, Dagupan City, sinaman talang mag-ayos ng kunay o yung ginagamit nalang pantaboy sa mga isda papunta sa lambat.
10:46Inaayos din daw ang makina ng kanyalang bangka para walang magiging aberya pagbalik nila sa laot.
10:51Medyo malon-alon pa sa dagat, kaya kalanganin pa kayong makalabas.
10:56Apektado rin ang gabuhayan ng mga bangkero sa malakas na agos ng ilog. Nakatenga rin lang sa gilid ang kanyalang mga bangka.
11:03Ang ilan, sinamantala rin ayusin ang kanyalang sirang bangka. Habang ang ilan, inenjoy muna ang panging isda sa gilid.
11:25Igan, bukod sa PDRRMO, nakatutok din ang Philippine Coast Guard, ang PNP Maritime, syempre ang lokal na pamalaan.
11:33At mga opisyal ng barangay sa sitwasyon ng mga manging isda.
11:37Samantala, sa mga oras na ito, Igan, nakararanas tayo ng panaganakang abon dito sa lungsod ng Dagupan.
11:43Igan?
11:44Si Jay, sa ibang lugar sa Pangasinan, may mga baha pa ba ngayon?
11:48Igan, bukod sa Dagupan City, nakararanas din ang pagbahas sa ilang bahagi ng Linggayen, Mga Tarem, Kalasyao, Santa Barbara,
12:03dyan sa Urbis Tondo, Aguilar at sa bahay ng Bugalyon, Pangasinan.
12:07Balik sa iyo, Igan.
12:08Maraming salamat, si Jay Turida ng GMA Regional TV.
12:15Malakas pa rin ang buhos ng ulan na nararanasan natin ngayon dito sa bahagi ng Valenzuela National High School.
12:20At dito nga po sa Valenzuela National High School, ito yung pinakamalaking evacuation center ng Valenzuela.
12:27At sa ngayon ay nasa halos 800 individual ang lumikas dito.
12:31Karamihan sila po ay nakatira sa may mga gilid ng Tulyahan River at punsod ng pagtaas at tubig,
12:36kayo nilang nilang magsilikas. Ito yung isa sa mga kwarto po dito,
12:39wala akong kuryente ngayon dito, muti, maliwa-liwanag na.
12:42Andito po yung isang kwarto na kung saan lumikas,
12:46yung ilan natin mga kababayan dito sa Barangay Marula.
12:48Si Sir, siya pangalan niyo po?
12:50Mel.
12:51Mel.
12:52Ilan mo kayong nandito ngayon?
12:54Siyem na pamilya.
12:55Siyem, ano? Magkakamag-anak po kayo?
12:57Mag-anak.
12:57Bakit po kayo lumikas dito?
12:59Mataas na yung baka hapon eh. Mga second floor na yun, hapon yung second floor namin.
13:02Second floor, sarahin niyo. Kanyo ba yung nakatila doon sa nagkailid ng tuya?
13:07Oo.
13:08So, bali ilang individual po ito?
13:12Nine families.
13:13Nine families kayo.
13:14So, may nakarating na ba sa inyo mga relief?
13:17Meron naman po.
13:18Meron naman po.
13:18Ano aros kayo pumunta dito hapon?
13:20Mga 12-1 ganyan.
13:22Hapon.
13:23Hapon.
13:24Ah, mga pamataas na tubig.
13:25Mataas na.
13:26So, doon sa sitwasyon ngayon, ito, malakas pa buhos ng ulan.
13:28Sa tingin niyo, mga kailang kayo makakabalik sa bahay niyo?
13:31So, siguro mga mamayang hapon.
13:33Ditingnan niyo lang.
13:34Oo.
13:34Lilinis.
13:35Oo, pwede na.
13:36Sa hutulo.
13:37Wala pa nga eh.
13:38Wala pa.
13:39Oo.
13:39Wala pa tulong.
13:40So, yan o, limang pamilya ho sila.
13:42O, siyam.
13:43Siyam.
13:43Napamilya ho sila sa isang classroom na ito dito sa Valenzuela National High School.
13:47Ito yung ibang mga alagang hayop po ng mga kababayan natin.
13:51Eh, daladala ho nila.
13:52Mas mabuti naman yan.
13:53Ano na, kung kaya nyo dalhin yung mga alagang hayop, dalhin nyo nyo kung kayo ay lilikas.
13:58O kaya naman eh, sabi nga ho na iba, huwag nyo lang itale para alam nila kung paano sila gagawa ng paraan para maging ligtas sila.
14:05Huwag lamang itatale.
14:06So, mamaya ho ay mamimigay ho tayo ng religion sa mga kababayan natin dito.
14:12Nandito na ho at naghahanda na ang GMA Kapuso Foundation para ipamahagi sa mga kababayan natin na nagsilikas nga dito sa Valenzuela National High School.
14:21So, siyempre, tinitingnan pa ho nila yung sitwasyon kung makakabalik na ba sila sa kanilang mga tahanan within the day.
14:29No, bagamat sinasabi ho ng pag-asa na ang mga pag-ulan na ito ay mararanasan pa natin hanggang sa darating na weekend.
14:35So, malalaman ho natin ang sitwasyon pero yun nga ho kahit pa paano ay maayos-ayos naman yung lagay ng ating mga kababayan dito.
14:41Wala lamang silang supply ng kuryente pero dumarating naman ho yung supply ng mga relief goods para sa kanilang mga pangangailangan.
14:47So, mamaya, doon ho tayo pumunta sa area kung saan nihanda natin yung para sa mga relief goods na ipamahagi ng GMA Kapuso Foundation.
14:56Bala po rito sa Valenzuela National High School. Back to studio po muna tayo.
15:00Maladagat ng basura ang eksena ng pagbaha sa ilang pangunang kalsada sa Quezon City.
15:07Sandamakmak na basura ang plastic at kahoy ang lumutan sa kabaan ng Giannaneta Southbound.
15:13Ganyan din ang tumambad hanggang sa Ibonifacio Avenue.
15:16Pati sa bahagi ng Quezon Avenue papuntang E. Rodriguez.
15:19Pahirapan tuloy ang pagtawid ng ilang residente.
15:21May ilang namang maagang gumising para mga lakal na pwede pang mapakinabangan sa mga basura.
15:32Kahit na sa official visit sa Amerika, tiniyak ni Pangulong Bombong Marcos na nakahanda ang ating gobyerno para tulungan ang mga kababayan nating apektado ng masamang panahon.
15:42Sa pakikipagpulong naman ng Pangulo sa U.S. Defense Department, pinagtibay muli ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
15:49Live mula sa Washington D.C. sa Amerika, may unang balita si Sandra Aguinaldo.
15:54Sandra!
15:58Yes, Marie, sa gitna nga ng pagbaha sa ilang mga lugar dyan, ay nagpalabas naman ng statement si Pangulong Bongbong Marcos dito sa Washington D.C.
16:09At bukod dyan, Marie, ay nag-iabala siya sa pulong sa ilang matataas na opisyal ng Amerika.
16:14Sa gitna ng kanyang mga pulong dito sa Washington D.C., naglabas ng isang recorded video si Pangulong Marcos Kaugnay sa nararanasang matinding pagbaha sa Metro Manila at ilang karating na lugar.
16:30Anya, parating na ang tulong para sa mga nasalanta.
16:33Ang mga relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
16:40Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
16:45At tinitiyak natin na merong transportasyon.
16:49At syempre, tinitiyak natin na may sapat na supply ng tubig, sapat na supply ng kuryente.
16:55At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima nitong pagbaha at malakas na ulan.
17:06May panawagan din siya sa publiko.
17:09Pakiusap ko lang po sa inyo ay pakinggan niyo po ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU, ng national government,
17:18at pakisundan lang po para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
17:23Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng servisyo na kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
17:32Dito sa Amerika, nagtungo si Marco sa Pentagon, headquarters ng U.S. Defense Department.
17:37Sinalubong siya ni Defense Secretary Pete Hegseth.
17:41Ginawaran siya ng Enhanced Honor Cordon,
17:44seremonya na ibinibigay ng Defense Department sa mga senior officials na bisita nila,
17:49tanda ng pagpapakita ng malaking respeto.
17:52Sa meeting ni Naheg Seth at Marcos,
17:55ilan sa nakasama ng Pangulo si na Defense Secretary Gibo Teodoro
17:58at National Security Advisor Eduardo Año.
18:02Dito muling nagpahayag ng suporta ang Amerika sa modernisasyon ng militar ng Pilipinas.
18:07Tiniyak din niya ang commitment ng Amerika sa Mutual Defense Treaty
18:11na may probisyon kaugnay sa pag-atake sa puwersa at teritoryo ng dalawang bansa.
18:16The United States is committed to achieving peace through strength
18:21and willing to work with all nations who share this desire in the region.
18:25We do not seek confrontation, but we are and will be ready and resolute.
18:32We're proud to support our mutual economic vitality,
18:35including your efforts to modernize your armed forces and collective defense.
18:40Nagpasalamat naman si Marcos sa tulong ng Amerika,
18:43pati na sa balikatan at iba pang training.
18:46Malaking tulong daw sa puwersa ng Pilipinas sa gitna ng mga banta na kinakaharap nito.
18:51I believe that our alliance, the United States and the Philippines,
18:56have formed a great part in terms of preserving the peace,
19:00in terms of preserving the stability of the South China Sea,
19:06but I would even go as far as to say in the entire Indo-Pacific region.
19:10Maris, bukod dyan ay nagkaharap na rin si Pangulong Marcos
19:19at si Secretary of State Marco Rubio.
19:22At pagkatapos po dyan ay inaasahang makakaharap naman ni Pangulong Marcos
19:28itong mga business leaders dito sa Amerika.
19:31Maris?
19:32Maraming salamat.
19:33Ingat kayo dyan, Sandra Aguinaldo,
19:35live na naguulat mula sa Washington D.C. sa Amerika.
19:40Nararatili sa mga evacuation center
19:42ang daandang pamilyang apektado ng pagbaha
19:44sa ilang lugar sa Iloilo City.
19:46Update tayo sa unang balita,
19:48live ni Kim Salinas ng GMA Regional TV.
19:52Kim?
19:56Igan, humupa na ang tubigbaha sa maraming lugar
19:59sa lungsod at probinsya ng Iloilo
20:01pero maraming residente pa rin
20:03ang nananatiling alerto dahil sa panakanakang ulan.
20:10Napilitang lumusong sa baha
20:13ang ilang residente malapit sa pangpang ng Dungon Creek
20:16sa Kalubihan Haro, Iloilo City
20:18dahil sa taas ng baha.
20:20Gapanilag kami kung magtaas ng gidman
20:22i-evacuate kami eh
20:23pero gina-sure naman mga gamit
20:25araw sa babaw.
20:27May ilan namang pamilya
20:28na isinailalim sa pre-emptive evacuation.
20:30Ang amon niya nga balay
20:32na kalaotod amon niya haligi
20:35kagang mga bris na blaser
20:37na nakalaano
20:39siyang bangod siyang impact
20:41siyang balod.
20:42Dalawamputwalong pamilya
20:44o mahigit isang daang individual
20:46ang apektado sa bahasa molo.
20:48Pansamantala silang nananatili
20:49sa Balwarte Elementary School.
20:51Halos tanan sila
20:52aragad sa coastal area.
20:54Ang balay nila
20:55bisan nag-sailok kita sa gym,
20:57supposedly ang gym.
20:59Labo at Gapon,
21:01isang balod.
21:02Sa datos ng
21:03Ilo-Ilo City Disaster Risk Reduction
21:05and Management Office,
21:06dalawamputwalong barangay
21:08ang apektado ng baha.
21:10516 na mga pamilya
21:12o 1,352 na individual
21:14ang nananatili
21:15sa labing tatlong evacuation centers.
21:18Labing walong kabahayan naman
21:19ang nasira dahil sa malakas na hangin.
21:21Sa katotal,
21:2317 ka par siya.
21:24Continuos ang aturo na
21:25pag-manage evacuation centers
21:27ng pag-tupay
21:28sa mga pinag-tupay.
21:30Pero wiso naman
21:31para sa mga motorista
21:32ang mataas na baha
21:33sa Takmakaro.
21:35Ang tubig,
21:36umapaw mula sa sapa.
21:37Kadugay na mag-subside
21:39ang tubig
21:40kung nagbaha man.
21:42Kaya tungkol sa
21:43kuwan lalanit,
21:44wala galing ng tubig.
21:45Sa bayan ng Leganes,
21:47Iloilo,
21:48nagresulta ng mabigat
21:49na daloy na trapiko
21:50ang baha sa kalsada.
21:51Ang Leganes Central Elementary School
21:53pinasok rin
21:54ng baha.
21:57Igan, a lot of residents who have been evacuated to their own homes.
22:11Inunsyo rin ng Iloilo City LGU at ilang LGU sa Provinsya ng Iloilo
22:16ang pagbabalik ng face-to-face classes,
22:19maliban na lang Igan sa Bayan ng Oton,
22:21kung saan suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas.
22:25Igan?
22:25Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
22:55Mag-tip at matungaw ang mga lumikas.
22:59Dahil naman sa abot-libdib na baha,
23:01nagbangka ng ilang residente sa barangay may sulaw sa kalumpit.
23:05Patuloy ang abiso ng lokal ng pamahalaan sa mga residente na lumikas.
23:10Pero wisyo rin sa mga motorista hanggang binting baha
23:13sa barangay Wawa sa Balagtas, Bulacan.
23:16Dagdag pa riyan ang lubak sa kalsada
23:18na iniiwasan ng mga motorista kaya bumabagal ang daloy ng trapiko.
23:23Sa giginto naman, gumagamit na rin ng makeshift na balsa
23:27para sa mabilis na pagpasok at paglabas sa ilang lugar.
23:32Pahirapan kasi ang pagdaan doon ng mga motorista
23:34dahil sa abot-hitang baha.
23:38Inabot nga po ng ating gabi,
23:39ang maraming motorista ang stranded dito sa North Luzon Expressway
23:42dahil sa baha.
23:44At sa ngayon po, possible na maraming daan doon
23:47base sa abiso ng Enlex Corporation.
23:49May unang balita si Jomar Apresto.
23:56Ganito karaming sasakyan ang tumirik sa southbound
23:58na bahagi ng Enlex malapit sa Paso de Blastol Plaza
24:01ng Valenzuela City.
24:03Yan ay kasunod ng pagbahan na naranasan sa lugar kagabi.
24:06Ayon sa SUV driver na si Bong,
24:08tulad ko rin, nagaling Bulacan at patungong Quezon City,
24:11pasado alas 8 raw kagabi nang mapansin niya
24:13na mataas ng tubig sa Enlex patungong Paso de Blastol Plaza.
24:16Kasi hanggang dito, sir.
24:19Agad lumika si Bong kasama ang kanyang mga pasahero
24:27at iniwan ang kanilang nabahang sasakyan.
24:30Sabi ni Bong, natagalan na pagresponde ng taga Enlex
24:32sa mga katulad niyang inabutan ng pagtaas ng tubig sa expressway.
24:36Kaya napakataga, siguro mga isang oras, dapat na gawang kami paraan
24:41kung pwede sila magpa-exit doon at para makaatas kami lahat.
24:46Wala, wala ni isa ni mga Enlex.
24:48Hahatake naman daw ng Enlex sa mga sasakyan tulad ng sa kanila patungo sa pinakamalapit na exit.
24:54Marami rin sasakyan ang naipit sa bahagi ng Enlex sa Maykawayan, Tall Plaza.
24:58Yan ay matapos isara sa mga motorista, mga tall booth,
25:00dulot ng pagbaha sa Paso de Blast, mag-aalas 7 kagabi.
25:04Sabi ng truck driver na si Ramil, alas 9 ng gabi nang isara ang Tall Plaza.
25:08Wala sinasabi. Basta galing ako sa highway, pinapasok ako rito, wala naman ako madahanan.
25:15Bumayag na lang ako rin ako rito. Magdaantay na lang ako magbukas yan.
25:17Inabutan din ang mahabang pila si Arman na magsusundu sana sa kanyang kapatid sa airport.
25:22Gala nga namin.
25:23Epitraffic na dyan sa MacArthur. Ngayon nag-search yung pamangking ko.
25:28Sobra na raw ang lalim ng tubig.
25:30Kaya karamihan sa mga motorista kanina, pinili na lang patayin ang kanilang makina habang naghihintay.
25:3512.54 a.m. na nang buksan sa mga sasakyan ang May Kawayantol Plaza
25:40nang humupa na ang tubig baha sa Paso de Blast area ng Enlex.
25:44Pero dahil sa imbudo na ang mga na-traffic at tumirik na sasakyan,
25:47inabot pa na mahigit tatlong oras bago tayo nakarating sa Quezon City.
25:52Ito ang unang balita. Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
25:57Dumami pa mga residenteng lumikas. Kasunod ang pagbaha sa Marikina na dulot ng pangulat.
26:02Kaya dagdag pa sa mga problema ngayon ang unu na raw na mga evacuation center.
26:08Update tayo sa unang balita live ni EJ Gomez.
26:11EJ?
26:17Igan, umabot na sa mahigit 23,000 ang kabuang bilang ng evacuees dito sa Marikina City
26:23base sa latest na tala ng Marikina LGU.
26:27Nagpalipas sila ng gabino sa 36 evacuation centers dito sa Lungsod.
26:36Siksikan, balisa, maginaw, at matigas ang higaan.
26:42Ganyan ilarawan ng mga residenteng binaha sa Marikina
26:45ang kanilang sitwasyon sa mga evacuation center.
26:48Dito sa Malanday Elementary School, napuno ng evacuees ang mga classroom.
26:53Kaya ang ilan sa mga capsule tents nagpalipas ng gabi.
26:56May ilan nga na gumamit na lang ng payong pang taklob
26:59habang nakahiga sa stage ng paaralan.
27:01Gaya ng 65 anyos na si Tatay Cesar.
27:04Perwisho raw sa mga residente ang ganitong panahon na lumilika sa kanila mga tirahang lubog sa baha
27:22tulad ng 68 anyos na sinanay Vivencia.
27:25Banig at saka pong, yun lang naman. Tapos may kumot, ganun.
27:31Madalas po kami pagkaganitong bagyo, nandito kami sa school.
27:35Nakakaiyak talaga ang kinagdadaanan namin.
27:40Ang hirap-hirap.
27:41Sisikapin pa namin kunan ang reaksyon ng Marikina LGU.
27:45Magdamagan ang rescue operations sa Marikina City.
27:48May nakastandby na rubber boat at rescue truck ng Philippine Army sa mga barangay.
27:52Kabilang sa mga bumubuo ng rescue operations ng Marikina City,
27:56ang Philippine Coast Guard, Philippine Army, PNP, Army Reservist at rescue teams ng mga barangay.
28:02Naging pahirapan daw ang pag-rescue sa ilang residente ang pinasok ng baha ang mga bahay.
28:08Isang sanggol ang tinakluban para di mabasa.
28:11Yung isang naging challenge lang sa amin dito is yung makipot yung daan.
28:16Dahil nga yung mga rubber boats namin hindi naman ganun kaliliit.
28:22Mayroon po tayong na-rescue yung isang matanda at mga bata.
28:25Halos hanggang bewang po yung abot ng tubig.
28:30So karamihan sa mga kabahayan, talagang pinasok ko talaga ng baha.
28:37Kahapon, nagkaroon ng malawakang deklogging operations sa ilang kalsada sa lungsod.
28:42Isa raw kasi sa mga sanhinang pagbaha,
28:44ang mga baradong drainage na natambakan ng mga basura ayon sa Marikina LGU.
28:49Itong kalsada pong ito ng Angel Santos sa Barangay Tumana,
28:52hindi po madaanan ng mga sasakyan.
28:54Nananatili po kasi itong baha ngayong alas 4 ng madaling araw.
28:59Umapaw po kasi itong creek sa aking gilid.
29:02Ayon po sa ilang residente, kapag po diniretso itong kalsadang ito hanggang doon,
29:06sa gitna at sa dulo,
29:07ang tubig baha abot po hanggang dibdeb.
29:12Naglutangan ang sandamakmak na mga basura sa umapaw na creek.
29:18Igan as of now,
29:23ang antas ng tubig dito sa Marikina River ay bumaba na.
29:26Nasa 17 meters na lang yan.
29:28At kita natin,
29:30mula dito sa aking kinatatayuan,
29:32ay nakikita na natin yung gutter ng kalsada na kanina ay lubog sa baha.
29:36Doon naman,
29:37sa bandang likod,
29:38nagsisimula na rin lumitaw yung bakod sa pagitan ng ilog at ng kalsada.
29:44At dito po,
29:44mas malapit-lapit sa akin,
29:46bakas naman po yung putik,
29:48matapos na magsimulang humupa yung baha.
29:52Kung para kanina,
29:52medyo mas lumiwanag na,
29:54pero makulimlim pa rin.
29:55At kitang-kita naman po natin,
29:56na bagamat medyo humina yung ulan.
29:59Kung para kagabi,
30:00tuloy-tuloy pa rin po ang pagulan dito sa Marikina City.
30:04Yan ang unang balita mula po dito sa Marikina.
30:06EJ Gomez,
30:08para sa GMA Integrated News.
30:09Igan, mauna ka sa mga balita.
30:14Panoorin ang unang balita sa unang hirit.
30:16At iba pang award-winning news ka sa youtube.com slash GMA News.
30:20I-click lang ang subscribe button.
30:23At sa mga kapuso abroad,
30:24maaari kaming masubaybayan sa GMA Pinoy TV
30:26at www.gmanews.tv
30:39Panoorin ang unang balita sa GMA Pinoy TV

Recommended