00:00Tagumpay para sa ilang labor groups ang pagsasapatas ng Freedom of Association Guidelines sa Pilipinas.
00:06Kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:10Yan ang ulat ni Bien Manalo.
00:14I was given the permission and privilege by the Executive Secretary
00:17to announce that the Freedom of Association Guidelines has been elevated from Executive Order.
00:30Ganap ng isang batas ang Freedom of Association Guidelines sa Pilipinas
00:34na inaprubahan ng Interagency Committee na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan.
00:41Isusulong nito ang karapatan ng mga manggagawa na makiisa at bumuo ng union
00:45na siyang magiging tulay sa pagitan ng mga empleyado at employers.
00:49Tutugunan nito ang umanoy mga paglabag sa trade union rights,
00:53paigtingin ang pagpapatupad ng labor laws sa mga lugar paggawa at maging ang paglaban sa child labor.
01:00Positive building measure ito.
01:02Binibigyan ng kaalaman, hindi lamang ang manggagawa,
01:06lahat ng stakeholders doon sa may kinalaman sa usapin,
01:10ng mga bagay-bagay na ikangay bumabalot o nagbibigay ng buhay
01:15sa ating karapatan na magkaroon ng organisasyon.
01:18Tagumpay namang maituturing para sa National Trade Union Center
01:23ang pagsasabatas ng Freedom of Association Guidelines na matagal na rin nilang ipinaglaban.
01:28Pagpapakitaan nila ito ng pagprotekta ng gobyerno sa karapatan ng bawat manggagawa
01:33at pagpapahalaga sa boses ng mga union at asosasyon.
01:36Yan ang inaasam-asam namin.
01:39Coming from the Department of Labor, magiging omnibus guidelines for FOA.
01:45So magiging pagpakita natin sa mga membro na even the government is really advocating for unionism.
01:54Dapat nga isipin nila that is a positive thing
01:57because there is an engagement between the workers and the management
02:03or even the workers and the government.
02:08Samantala, para mapalakas pa ang Freedom of Association sa bansa,
02:12inilunsad ng Department of Labor and Employment at International Labor Organization
02:16ang Freedom of Association training programa.
02:19Layo nito, naimulat ang kamalayan ng mga manggagawa
02:22para maiwasan ang anumang gender-related issues,
02:25pang-aabuso at paglabag sa kanilang mga karapatan.
02:28May limang modules ang training na tatalakay
02:30sa iba't ibang usapin na may kinalaman sa Freedom of Association
02:34kabilang na ang pag-resolba sa labor rights violations.
02:38May mga trainer na sinanay mula sa ilang ahensya ng gobyerno,
02:41workers and employers organizations at iba pang sektor
02:44na magtuturo sa naturang training programa
02:47sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
02:49Ang naturang proyekto ay pinunduhan ng gobyerno ng Canada at European Union
02:53na nagkakahalaga ng 2 million Canadian Dollars
02:56o katumbas ng maygit 82 million pesos.
03:00BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.