00:00Mahigit sa 2,000 individual sa lalawigan ng Cordillera, ang apektado ng Super Typhoon Nando.
00:06Ang iba pang detalya sa ulat ni Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera.
00:16Maririnig sa video ang paghingin ng saklolo ng isang residente sa bahagi ng Marcos Highway sa poblasyon, Tuba Benguet.
00:23Nagkaroon kasi ng pagbuho ng lupa mula sa itaas ng kalsada.
00:28Apat na sasakyan ang natabunan at nasira dahil sa mga debris, kabilang ang dalawang SUV, isang van at isang oil tanker.
00:36Pitong driver at sakay ng mga ito ang itinakbo sa pagamutan.
00:41Agad nagsagawa ng clearing operation ang mga otoridad, kaya't one lane possible lang ngayon ang kalsada.
00:47Medyo nataranta ako, tapos hindi ko sir alam kung ano yung unang gagawin ko.
00:52At yung ginawa ko kasi tumawag na ako ng MDRM o sa tuba ko.
00:57Kung nakita nyo, nakakapagpadaan na tayo na open naman na itong daanan, pwede nang bumaba ngayon yung mga galing ng bagyo.
01:05At yung mga paakyat, alternate lang ginagawa.
01:08Sa Marcos Highway pa rin, nagmistulang ilog ang bahaging ito dahil sa lakas ng rumaragas ang tubig.
01:14Sa datos ng Mines and Geosciences Bureau, aabot sa 739 ang barangay sa Region Cordillera na susceptible sa rain-induced landslides at floodings.
01:25Nagbabala ang ahensya na malambot na ang mga lupa dahil sa tuloy-tuloy na pagulan, kaya malaki ang posibilidad ng pagbaha.
01:33Kung meron man silang na-observe na mga cracks or landslide, kaya nga po mag-evacuate additionally po dun sa mga identified na po ng mga past na bagyos.
01:47Sa pinakahuling datos naman ng Department of Social Welfare and Development kaninang alas 12 ng tanghali,
01:53729 families o mahigit 2,000 individuals ang apektado sa iba't ibang lalawigan sa Cordillera.
01:59Bago pa man nanalasa ang bagyong nando, naitala ang tatlong totally damaged at limang partially damaged houses sa Region dahil sa tuloy-tuloy na ulan.
02:09Nakahanda naman ang 79,000 family food packs at 19,000 non-food items ng DSWD na ipapamahagi sa mga maapektuhan ng bagyo sa Region.
02:19Napuno po ang ating mga warehouses mula po sa ating regional warehouse dito sa Pugis,
02:27ang ating mga provincial warehouses, pati na rin po yung ating mga municipal warehouses.
02:34Sa lalawigan ng Benguet, ipinag-utos ni Benguet Governor Melchor de Clas ang temporary suspension ng lahat ng small-scale mining operations,
02:44quarrying activities at iba pang river-related at tourism activities ngayong may bagyo.
02:49Samantala, kasabay ng malakas na pagulan, sinuri ni Independent Commission for Infrastructure Special Advisor at Baguio City Mayor Benjamin Magalong
02:59ang rock-netting project sa bahagi ng Camp 6, Tuba, Benguet.
03:04Tinawag na grossly substandard ang nasabing proyekto dahil depektibo umano ang pagkakakabit ng rock-netting project.
03:11Dahil sa hindi maayos na pagkakagawa ng proyekto, gumuho pa rin ang bahagi ng bundok katulad ngayong may bagyo.
03:19Yung mga stad, may mga gumagalaw, yung wire mesh na ginamit, kinakalawang na dapat hindi.
03:28At kung nakita nyo, mali yung pag-install mismo ng entire wire mesh.
03:34Nakabantay pa rin ang mga otoridad sa magiging epekto ng bagyong nando.
03:39Mahigpit ang paalala sa publiko na sumunod sa mga abiso at mag-ingat sa posibleng banta hanggang hindi pa nakakalabas ang super-typhoon nando.
03:49Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.