00:00Magtatayo na ng bagong footbridge sa Kamuning, EDSA.
00:03Ang bagong tulay ay mag-uugnay sa Kamuning busway station patungo sa magkabilang panig ng EDSA,
00:08ang northbound at southbound.
00:09Si Bernard Ferrer sa detalye.
00:14Araw-araw kinakailangan akyatin ni Mirakel ang tinaguri ang Mount Kamuning
00:18upang makarating sa kanyang trabaho sa kabilang bahagi ng EDSA Kamuning sa Quezon City.
00:23Ito kasi ang pinakamalapit na daan para sa kanya,
00:26kaya't kahit matarik ay nagtatayaga siyang dumaan sa footbridge.
00:30Sobrang hassle po, lalo po ngayon na may period po ako.
00:34So sobrang challenging po talaga umakayat sa ganito kataas.
00:37Nakakapagod po, tsaka sobrang init din po.
00:40Ngunit may sabi na hindi para sa lahat ang pag-akyat dito,
00:43lalo na para sa mga kabilang sa vulnerable sector.
00:46Sa taas na siyam na metro, challenge is real ang pag-akyat sa Mount Kamuning.
00:51Kaya naman hindi biro para sa ilan nating kababayan ang pagdaan dito,
00:55lalo na para sa mga matatanda, buntis at may mabibigat na dalang gamit.
01:00Sa wakas, ang matagal ng sudanani ng ilan nating kababayan ay magkakaroon na ng solusyon.
01:06Magtatayo kasi ng bagong footbridge alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
01:11pang masiguro ang mas maginhawa, ligtas at inklusibong daan para sa publiko.
01:16Ang bagong footbridge ay mag-uugnay sa Kamuning Busway Station patungo sa magkabilang panig ng EDSA Northbound at Southbound.
01:24Magkakaroon ito ng dalawang elevator at dalawang manlift o wheelchair lifter
01:29na mahalaga para sa komportabling pag-access ng lahat,
01:32kabilang ang mga persons with disabilities at senior citizens.
01:35Hindi na siya mataring.
01:37At sabi nga nung ating mga designers,
01:40fully compliant siya sa mobility and accessibility standards.
01:43We are very grateful to the DOTR and especially our president na sinasagot nila,
01:49tinutugunan nila yung mga hinahing ng mga mamamayan ng lungsod-Quezon
01:53at iba pang mga lungsod na nanghirapan talaga sa paggamit ng footbridge na ito.
01:57Kasabay nito, sisimulan na rin ang rehabilitasyon ng EDSA Busway Kamuning Station.
02:02Kabilang sa mga gagawing pagbabago,
02:04ang pagpapalawak at pagpapaganda ng station platforms,
02:07pagpapalit ng mga lumang waiting shed at railings,
02:10relokasyon at pagsasayos ng mga kagamitan gaya ng mga orasan,
02:14ganyan din ang pagtatayo ng guard, janitor at traffic officer station post,
02:18paglalagay ng vertical lovers, tack tiles at floor tiles
02:22at pagkakaroon ng malinaw na station name at wayfinder signages,
02:26kabilang ang transit map at fair matrix standee.
02:29Ang dalawang proyekto ay nagkakalaga ng 89 million pesos,
02:33kung saan halos 54 million pesos ang nilaan para sa bagong footbridge
02:37at mahigit 33 million pesos para sa rehabilitasyon ng busway at sa iba pang gastusin.
02:43Inaasahang matatapos ang konstruksyon sa Desyembre ngayong taon.
02:47Tiniyak naman ang DOTR na mananatiling maayos ang operasyon ng busway
02:51habang isinasagawa ang mga proyekto.
02:53Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.