Skip to playerSkip to main content
-Pre-emptive evacuation sa ilang bayan sa Zambales, ipinatupad na bilang paghahanda sa Bagyong Nando

-Ilocos Norte, isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal number 3 at 4 dahil sa Super Typhoon Nando

-Ilang bahagi ng extreme northern Luzon, isinailalim sa wind signals #4 at 5 dahil sa Super Typhoon Nando

-Rap artist, iniimbestigahan kung inimpluwensiyahan ang grupo ng kabataan na manggulo sa protesta sa Maynila

-Defense Sec. Teodoro: Walang instability sa militar sa gitna ng pag-imbestiga sa flood control projects

-House Speaker Faustino "Bojie" Dy III, bukas sa pagsasapubliko ng SALN ng mga mambabatas para maibalik ang tiwala ng publiko

-Iba't ibang paandar sa araw ng kilos-protesta kontra-katiwalian, kinaaliwan

-BREAKING: DOH: Isa, dead on arrival sa JRRMMC matapos masaksak sa kilos-protesta sa Maynila


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghahanda na rin ang mga residente at opisyal sa Zambales sa pananalasa ng Bagyong Nando.
00:06May ulot on the spot si Marisol Abduraman.
00:09Marisol?
00:17Connie, round the clock na nga ang monitoring ng PDRRMO sa mga bayan dito sa Zambales
00:22na ngayon ay nasa ilalim ng signal number one.
00:25Nagpatupad na rin ang preemptive evacuation sa ilang lugar.
00:28Pero Connie, palibasa na sa preemptive evacuation lang, ayaw pang magsilikas sa ilang residente.
00:33Gaya na lamang ng pinuntahan natin kanina Connie na Sitcho Orocan sa Barangay Lipay Dingin,
00:38dito yan sa iba Zambales na kung tutuusin, napakadelikado ng kanilang lugar
00:43dahil napapagitnaan sila Connie ng ilog at dagat.
00:46Pero hanggang kanina, nananatili pa rin sila doon Connie.
00:49Sanay naman na daw sila at hihintayin daw nila kung kailan lumakas na raw.
00:53Kaya naman ang PDRMMO patuloy na nagbabantay sa labing tatlong bayan dito sa probinsya
00:59kabilang nangariyan ng 11 coastal municipalities.
01:02Nakahanda na rin ang kanilang mga gamit kabilang nangariyan,
01:05ang mga heavy equipment kung sakaling kailanganin, kung sakaling magkakaroon ng landslide
01:10na gaya na lamang ng kanilang usual na nararanasan kapag ka may bagyo.
01:14Ang lalawigan po ng Zambales, naka-ready naman po.
01:23Pagdating nga po sa mga ganitong mga insidente, may mga bagyo,
01:26yun nga po, muscle memory na po sa amin.
01:29Naka-preposition na po yung mga assets natin, yung mga personnels natin.
01:33Coordinated na po tayo sa lahat ng uniformed personnel.
01:36At dahil naka-blue alert, Connie, talagang patuloy daw ang kanilang monitoring
01:45at kung sakali na lumakas, although wag naman sana,
01:48ay baka raw mapilitan sila magsagawa na ng forced evacuation,
01:51lalo na doon sa mga coastal area at sa mga tulad ng lugar na binagit nga natin kanina.
01:56Sa ngayon, Connie, wala naman tayong nararanasan pagulan o kahit ambon,
01:59pero gayon paman, nagbabala pa rin ang PDRMMO sa mga residente na patuloy pa rin mag-monitor at makinig.
02:06Nang kanilang mga advisory, Connie.
02:08Maraming salamat, Marisol Abduraman.
02:13Nasa wind signal number 3 at 4 ang Ilocos Norte dahil sa super typhoon Nando.
02:18Kumusahin natin ang lagay ngayon doon ng panahon?
02:20Bayulat on the spot si Cindy Edselbasio ng GMA Regional TV.
02:24Cindy?
02:27Rafi, sa abiso ng otoridad kanina ay tumaas na ang chance ng life-threatening storm surge
02:33anumang oras ngayong araw dito sa probinsya ng Ilocos Norte maging sa mga probinsya ng Cagayana at Batanes.
02:44Kita at dinig ang hampas ng malalakas na alon sa dalampasigan ng sabangan sa barangay 33A Lapas,
02:51Lawag City, Maga Palangkalina.
02:53Ang taas ng alon halos umabot na sa dalawang metro.
02:56Binisita rin ng Coast Guard Substation Lawag City ang lugar upang tiyakin na wala na ang mangingisdang papalaot at taong maliligo sa dagat.
03:04Mahigpit din nilang tinitignan ang posibilidad na umabot na sa mga bahay sa coastal area ang tubig mula sa dagat.
03:10Si Romnik, inaantabayanan ang pagtaas ng tubig sa dagat at hinabol na iangat ang kanyang balsa sa mataas na lugar.
03:17Samantala sa Provincial Engineering Office ng Ilocos Norte, ready to deploy na rin ang mga heavy equipment gaya ng mga dump truck, payloader, backhoe, boom truck at iba pa.
03:28Base raw ito sa request ng Provincial DRRMO bilang bahagi ng kanilang disaster response sa mga kritikal na lugar sa lalawigan.
03:36Samantala nakahanda na rin ang manpower ng Ilocos Norte DRRMO at anumang oras ay handa silang rumisponde.
03:42Sapat din umano ang relief goods at emergency resources ng pitong resiliency clusters ng Ilocos Norte.
03:50Raffi, sa tala ng Ilocos Norte PDRRMO ay nasa 63 families o mahigit 170 na individuals na ang nagsilika sa isinagawang preemptive evacuation sa mga bayan ng Pagudpod, San Nicolás at Bakara.
04:05Sa mga oras naman na ito ay nararanasan na ang malakas na bagsak na ulan na sinasamahan din ng malakas na ihip ng hangin-epekto nga nitong Super Typhoon Nando.
04:16Yan muna ang pinakasariwang balita dito sa Ilocos Norte.
04:20Raffi.
04:21Maraming salamat, Cindy Salvation ng GMA Regional TV.
04:24Ilang bahagi ng extreme northern Luzon ang isinailalim na po sa wind signals number 4 at 5 dahil sa Super Typhoon Nando.
04:38Base po sa 11am bulletin ng pag-asa, signal number 5 na sa Babuyan Islands, signal number 4 sa southern portion ng Batanes,
04:47northern portion ng mainland Cagayan at northern portion ng Ilocos Norte.
04:53Signal number 3 naman sa nalalabing bahagi ng Batanes, central portion ng mainland Cagayan, northern at central portions ng Apayaw at sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte.
05:06Itinaas ang tropical cyclone with signal number 2 sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, buong Isabela, rest of Apayaw, buong Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet,
05:21northeastern portion ng Nueva Vizcaya, buong Ilocos Sur at northern portion ng La Union.
05:29Signal number 1 naman sa Quirino, rest of Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, buong Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga,
05:43Zambales at northern portion ng Quezon Province kasama ang Polilio Islands.
05:53Generally peaceful daw ang kabi-kabilang kilus protesta laban sa korupsyon kahapon.
05:57Iniimbestigahan na rin ng piyanti kung totoong may nagudyok sa mga nanggulo sa gitan ng protesta sa Maynila.
06:02May ulat on the spot si June Veneration.
06:05June?
06:06Rafi, isang rap artist, ang iniimbestigahan ngayon ng PNP, kahapon, na may kinalaman sa mga kilus protesta kontra katiwalian.
06:20Sabi raw ng mga naaresto na tinawag ng PNP na mga hip-hop gangster.
06:25Ang rapper ang nag-influensya sa kanila online.
06:28Kung anong klasing pag-influensya ang ginawa at kung sino ang rapper,
06:31ayaw muna sabihin ng Manila Police District o MPD dahil may sinasagawang investigasyon.
06:37Sa taralan ng PNP, 113 ang mga naaresto nila kahapon.
06:41Pwede naman daw isa ilalim ng PNP sa drag test ang mga naaresto pero kailangan daw ay pumayag ang mga ito.
06:47Sa ngayon ay nire-review na ng MPD ang lahat ng mga CCTV camera na lusod ng Maynila.
06:53Para makilala ang iba pang ng gulo, mananagot daw ang mga ito.
06:57129 ang mga nasaktang polis na pilit daw sinunod ang direktiba ng Maximum Tolerance.
07:04Binisita sila ni acting PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr. at Pinasalamatan.
07:09Kasama rin sa iniimbestigahan ng PNP ang pagbabunyag ni Manila Mayor Esco Moreno
07:14na isang dating politiko na merong financier na Filipino-Chinese
07:18at isang abogado ang nasa likod ng kaguluhan kahapon.
07:21Ito nuturing ng PNP ng mga isolated incident ang kaguluhan
07:25pero sa kabuan ay generally peaceful daw ang September 21 protest rally.
07:32Yan ang latest mula rito sa Camp Krame. Balik sa Raffi.
07:36Maraming salamat, June Veneracion.
07:39Iniyak ng Department of National Defense na walang instability sa militar sa gitna ng imbistigasyon
07:44sa katiwalian sa flood control projects.
07:47There is no concern at all.
07:52We have no worries na there will be instability insofar as the ranks of the DND and the AFP.
08:00Sabi ni Defense Secretary Gilberto Chidoro Jr.,
08:03suportado ng kanilang hanay ang pagpapatawag ni Pangulong Bongbong Marcos
08:06ng imbistigasyon sa flood control projects sa bansa.
08:10Hindi daw dapat mangamba na tatalikod ang militar sa pamahalaan.
08:13Hindi rin daw nababahala ang gobyerno sa mga isinagawang kilus protesta
08:17dahil ang Pangulo mismo ang may gustong imbistigahan ng mga proyekto.
08:26Bukas na o maiinit na balita, bukas daw si bagong House Speaker Faustino Bocidi III
08:33na buksan ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng OSAL and ng mga mambabatas.
08:40Sa tingin ko naman, sa ngayon, kailangan talaga maging makita nila ang ating mga miyembro
08:50at hindi lang dito sa miyembro ng ating mababang kapuluan, dito sa Kongreso,
08:54ay lahat dapat talagang makita at maging bukas ang SAL-N ng bawat isa.
08:59Sabi ni D, kahit daw siya ay handang buksan ang kanyang SAL-N,
09:03Anya, paraan ito para makuha muli ang tiwala ng publiko.
09:07Samantala, wala pa raw tugon si Ako Bicol Partylist Representative Zaldico
09:11kaugnay sa utos ng Kamara na umuwi na siya sa Pilipinas sa gitna ng usapin
09:16sa maanumalyang flood control projects.
09:19Pag-uusapan daw ng liderato ng Kamara kung ano ang mga susunod na hakbang kaugnay rito.
09:26Sa kasagsagan po ng malawakang kilos protesta kontra Katibulian,
09:30spotted ang pokikisa ng ilang fur babies.
09:35Pati mga alagang kambing, mehe, panawagan.
09:40Ang ilang rolista naman ay kanya-kanya rin paandar sa mga karatula.
09:43Ito o, isa na po riyan ang kuha ni U-Scooper Dennis Kilala.
09:49Naka-construction outfit with matching buhaya at limpak-limpak na fake money.
09:55Winner din ang karatula ng lalaking niya na kuha ni Estelle Hurna ng UP Manila.
10:00Ang hirit niya kasi, accountability. Ayaw!
10:04Beware, beware naman dahil si Fur Baby, eh, nangangat-nat na mga korap.
10:12Don't worry, mukhang friendly naman ng Corgi na yan sa mga mabubuti.
10:17Partner, nakibaka rin eh.
10:19Ang grupo ng mga kambing na yan, may sarili rin silang marcha o.
10:23Sa halip na magkanya-kanya o manginain ang kambing na tipon-tipon at sabay-sabay daw na naglakad hoy.
10:33Ay, yun. At ito po ang cute nila, no? Kanya-kanyang pag-cook.
10:39Ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
10:43Ako po si Connie Cesar.
10:44Rafi Tima po.
10:45Kasama nyo rin po ako, Aubrey Carampelle.
10:47Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
10:49Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended