Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:33Naghahanda na ang Ross District sa Quezon City ngayon pa lang.
00:36Isa ang lugar na ito sa palagi ang binaba tuwing may bagyo o malakas na mga pagulan.
00:41Yung mga nasa tabing ilog, yung mga flood prone area po talaga ay aming inaabisuhan na kapag napakalakas po ng bagyo na po dito sa aming lugar ay pinuforce evacuation na po namin sila.
00:56Kahapon lang, binisita ng Independent Commission for Infrastructure ang flood control project sa lugar na ito.
01:02Sinanay Felicidad, tanawang flood control project mula sa kanyang bahay na katabi ng ilog.
01:07Bagamat may mga bahagin na ron natapos, hindi rin niya ramdam ang pakinabang nito.
01:11Nakakasakit talaga ng loob. Ibi sa mapakinabang. Pera ng tao yun. Lalong bumaha. Lalong tumaas. Wala nang dinadaluyan kasi yung ilog.
01:23Sa ngayon, paghahanda na lang daw para lumikas ang kanyang tangi magagawa.
01:27Dahil tiyak, aabutin mo rin ang ba ang kanyang bahay. Bagay na ilang dekada na niyang nararanasan.
01:32Sa 36 years ko rito eh. Sanaya na lang.
01:37Ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, naka blue alert status na bilang paghahanda sa posibleng epekto ng masamang panahon.
01:44Inaabisuhan nila ang publiko na manatiling handa at alerto, lalo na sa mga lugar na malapit sa dagat at ilog dahil sa posibleng pagbaha.
01:52Ang pag-asa, matindi ng paalala kahit malayo pa ang bagyong nando.
01:56Asahan na raw ang malakas na mga pagulan lalo na sa Extreme Northern Luzon tulad ng Cagayan,
02:01kung saan inaasahang daraan ang bagyo na inaasahang magiging super typhoon.
02:05From Monday up until Tuesday, kanyang possible na maramdaman na hangin ng ating mga kababayan dito po sa may Extreme Northern Luzon.
02:13Ang ulang dala ng bagyong sinando, pwede raw may halintulad sa bagyong marse na nanalasa at nagpabaha sa Northern Luzon nobyembre noong nakarang taon.
02:21Kaya hindi lang yung mga nakatira sa flood prone areas ang binibigang babala ng pag-asa.
02:25At kahit malayo pa ang bagyo, dapat daw maghanda na ang lahat.
02:29Ang Magat Dam ngayon ay nag-i-spill na, maapektuhan talaga siya.
02:33So magdadagdag po ng tubig ulan doon sa Magat at malamang sa malamang mag-i-spill din ng medyo malaking tubig yung Magat Dam na makaka-apekto dito sa Cagayan River Basin.
02:46At kahit walang inaasahang epektong bagyo sa Metro Manila, maghahanda pa rin daw dahil posibleng itong paigtingin ang habagat.
02:52Kaya dapat umanong maghanda ang mga balak dumalo sa mga malawakang rally contra corruption sa linggo.
02:57Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima ang inyo. Saksi!
03:03Maagang nag-ani ang mga magsasaka sa Cagayan bilang paghahanda po sa posibleng pananalasa ng Bagyong Nando sa mga susunod na araw.
03:11At ang mga lukal na pamahalaan sa iba't ibang lugar, nakaantabay na rin para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
03:19Saksi! Siniko Wahe!
03:20Nag-ahanda na ang mga taga Cagayan sa posibleng pananalasa ng Bagyong Nando.
03:28Ang ilang bahay malapit sa dagat sa Santa Ana, nilagyan na ng pabigat ang mga bubong.
03:32Kasi lingagyan ko ng buhay niya kasi lipat-lipat na nun.
03:36Nag-ahanda na kami sir yung mga kit namin, yung mga damit namin, yung mga flashlight ganoon, sinacharge na namin.
03:45Ang ilang mangingisda susubukan pong pumalao't bukas bago ipagbawal ang paglalayag sa linggo base sa abiso ng Coast Guard.
03:52Baka sakali may swerte, di pa ipangulam.
03:54Pangulam sa?
03:55Sa Bagyong, sir, nahirap naman walang adult mga bata, walang maulam.
04:01Sa ngayon, nakadaong pa mga bangka ng mga mangingisda dito sa Pampang sa Santa Ana, Cagayan.
04:06Pero ayon sa kanila, simula bukas ng hapon, isa-isa na nilang itatali at iaangat sa mas mataas na lugar ang kanilang mga bangka para hindi masira.
04:14Lalo't ayon sa MDRRMO, kapag signal number 3 hanggang signal number 5, ang alon dito sa Santa Ana, pumaabot ng limang metro.
04:25Nakalabas na mga rubber boat ng Santa Ana MDRRMO, pati mga gamit kung sakaling kailangan ng clearing operation.
04:31Ang mga relief goods, nakaabang na rin.
04:33Handa na rin ang mobile energy system sakaling mawala ng supply ng kuryente.
04:37Maski dalawang araw, tatlong araw yan na mawalang kuryente, kaya niyang i-operate itong EOC natin.
04:44Kaya continuous pa rin yung operation, maski run out.
04:47Posible rin magpatupad ng preemptive evacuation sa linggo.
04:50Malaking tulong din a nila ang mga bagong gawang seawall para hindi umapawang tubig sa mga kabahayan.
04:57Nagmamadali namang mag-anin ng mga palay ang mga magsasaka sa bayan ng Gonzaga.
05:02Ang palay, direkta na rin nilang ibinibenta sa mga buyer.
05:04Parang hindi masayang ito. Masasayang namang pagod namin kung hindi na maaani agad.
05:10Sabi ng Kagayang Provincial DRRMO, halos hindi naman nagamit ang mga inihandang supply para sa bagyong Mirasol.
05:16Kaya ito na rin ang nakastandby para sa bagyong Nando.
05:19Yung mga prepositioned stockpile ng mga local governments pati barangay, in place pa rin lahat yan.
05:25The same yung mga deployment ng mga personnels ng mga rescue units ng MDRMO,
05:30maging yung mga quick response team ng province, ay in place pa rin.
05:37So, walang magbabago doon sa preparation natin.
05:41Habang wala pang ulan, nagtabas naman ang mga puno ng mga tauhan ng City Hall at parangay 17 Tabog sa Batak, Ilocos Norte.
05:49Delikado. Kaya inaalis namin yung punong sa malapit sa kalsada mo.
05:57Maganda talaga ito. Kahit malakas ang ulan, walang mababagsak na kaho.
06:01Nakaantabay naman ang mga rescue equipment at emergency vehicle para sa bawat probinsya sa buong nilocos region.
06:07Naka-red alert status na rin ang lahat ng kapitolyo roon.
06:11Pusible rin magpatapad ang pre-emptive evacuation sa mga susunod na araw sa mga nakatira sa mababang lugar at mga baybayin o tabing ilog.
06:17Especially sa mga areas na susceptible ng flooding, yung rain-induced landslide.
06:23Yung mga malalapit sa mga river systems din ay maaring mag-swell. Kaya unahan na natin.
06:29Sa Cordillera, pagkaman di paramdam ang epekto ng bagyong nando,
06:32nag-abiso na ang Mines and Geosciences Bureau na itigil muna ang mga operasyon ng mga small-scale mining operators sa rehyon.
06:39Para raw ito sa kaligtasan ng mga minero.
06:41Lalo't posible ang mga pagbuho dahil sa pagulang dala ng bagyo.
06:44Ang Office of Civil Defense nakikipag-ugnayan na rin sa mga LGU para kausapin ng mining operators.
06:49Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, ang inyong saksi.
06:54Bago po sa saksi, lumakas pa bilang severe tropical storm ang bagyong nando.
06:58Huli itong namataan sa layang 850 kilometers silangan ng Central Luzon.
07:03At base sa forecast track ng pag-asa, posibleng dumaan ang bagyong nando
07:09o kaya mag-landfall.
07:15Sa Babuyan Islands, mula po lunes ng hapon hanggang martes ng madaling araw.
07:20Pero dahil po sa tinatawag na cone of probability, pinag-iingat din ang Batanes o Kagayan dahil posibleng doon mag-landfall ang bagyo sakaling tumaas o bumaba ang track nito.
07:31At habang lumalapit, lalakas pa ang bagyo at posibleng nasa typhoon category bukas at super typhoon sa lunes bago pa marating ang Babuyan Islands.
07:39Palalakas din ang bagyong nando ang habagat na magpapaulan sa iba pang bahagi ng bansa.
07:44Sa datos po ng Metro Weather, may mga pagulan sa halos buong Luzon, Sabado ng hapon.
07:48At kalat-kalat naman ang ulan sa Visayas at Mindanao.
07:51Sa linggo, asahan ang malawakang pagulan sa malaking bahagi ng Luzon, Western at Eastern Visayas,
07:56Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Soxargen.
07:59Mataas din ang tsansa ng ulan sa Metro Manila ngayong Sabado at linggo lalo na pagdating ng hapon at gabi.
08:09Labing dalawang milyong pisong halaga ng mamahaling sasakyan na isinukon ni dating DPWH Engineer Bryce Hernandez
08:18sa Independent Commission on Infrastructure na nag-iimbisiga sa mga flood control project.
08:25Alpo sa komisyon, may mga impormasyong sinabi si Hernandez sa kanila na hindi pa niya nabanggit sa ibang mga pagdinig.
08:32Saksi si Joseph Moro.
08:34Ilalagay sa kustodiyan ng Independent Commission for Infrastructure ang luxury car na ito na isinuko
08:43ni dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez kanina.
08:53ang tumanggap ng susi ng sasakyan na nagkakahalaga ng 12 million pesos.
08:57Hindi malinaw kung saan ito galing.
09:00Sir, bakit niyo sino?
09:02Lay yung sasakyan.
09:03Sir.
09:04Ang pagsusoli rao nitong si dating District Engineer Bryce Hernandez ng luxury vehicle na ito sa ICI sa ikalawang araw ng kanilang trabaho.
09:14Ayon kay Baguio Mayor at Special Advisor Benjamin Magalong ay pagpapakita rao ng kooperasyon nitong si Hernandez sa ginagawang investigasyon ng ICI.
09:23At, ayon kay Mayor Magalong, may dalawa pa na susunod na luxury vehicle na isusoli itong si Hernandez.
09:29He would like to cooperate.
09:31Ita-turn over yung Ferrari na worth 58 million.
09:35Tapos Lamborghini, which is worth about between 30 to 40 million.
09:41May mga motorcycles pa siya.
09:44Ipasusubasta ang mga sasakyang isusuko ni Hernandez.
09:47Dati ng naongkat sa mga pagdinig ng Senado ang mga luxury car na iniuugnay sa kanya.
09:52Pagbayad ang taxes, ang Lamborghini Urus is 30 million.
09:56Ang Toyota Supra is about 10.8 million.
10:01Ang Dodge na sa mga 9.2 million.
10:05So kung may sweldo kang 70,000 a month, paano ka nakabili ng 30 million na sasakyan?
10:10Yung pong Lamborghini Urus is, may share po doon, nag-share lang po yung asawa ko tsaka ako para gawin pong konting hanap buhay.
10:19Diri Rice, totoo ba na meron akong mga Ferrari?
10:22Wala po your honor.
10:24At yung sinasabi pong Ferrari, actually nakita ko rin po yun sa opisina.
10:28Sobrang ganda nga po, pinikturan ko po yun eh.
10:31Ayon kay Magalong, may informasyon si Hernandez na sinabi sa komisyon na hindi pa raw niya nababanggit sa ibang pagdinig.
10:38Very relevant yung kanyang mga revelations niya.
10:42And to cut it short, talagang tell all siya.
10:47And he continued to cooperate with us para talagang ma-identify palalo yung iba pang mga sangkot.
10:54Magandang lead ito para sa ma-imbestigador.
10:57Sa isang pahayag, sinabi ng ICI chairman na voluntary yung sinagot ni Hernandez ang lahat ng kanilang mga tanong,
11:04nang walang pasubali at walang pag-iwas at nagpakita ng buong kooperasyon.
11:09Explain namin mabuti kung ano yung mga choices niya.
11:14And then finally he realized na better to cooperate with us sa ICI.
11:19Bukod kay Hernandez, sumarap din sa ICI si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
11:42Nao na nang sinibak sa servisyo sa DPWH na Hernandez,
11:46kanyang dating boss si Henry Alcantara at mga dating kasama sa Bulacan 1st District Engineering Office
11:52na sina JP at Juanito Mendoza.
11:55Kasama sila sa mga sinampahan ng reklamo sa ombudsman
11:58kaugnay sa anumalyo-umano sa flood control project sa Bulacan.
12:03Pinatawa na ng 6 na buwang preventive suspension
12:05ng 16 na kasamahan nila dati sa DPWH Bulacan.
12:09Ang mag-asawang Pasifiko at Sara Descaya naman dumating sa DOJ sa Maynila
12:13para sa evaluation kung pasok sila sa witness protection program.
12:18Confidential ang proceedings ng witness protection.
12:22I think that they're really looking for a solution to their problems.
12:25I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
12:31Gusto lang natin dumumasang totoo sa bagay na ito
12:35para naman maparusahan yung dapat maparusahan.
12:37Bukod sa mga diskaya, may dalawa hanggang tatlo pa raw na konektado
12:41sa manumalyang flood control projects ang nais sa mailalim sa WPP Evaluation.
12:47Isa sa kanila kasama sa labing limang kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos.
12:52Pero kung si Remulia raw ang tatanungin,
12:54meron daw siyang taga DPWH na gusto makuha para sa WPP Evaluation.
12:59Kinakausap na raw niya ang Senado tungkol dito.
13:02May mga vital link yan. Ano ba naman tayo?
13:04We have to create the links and connect the dots.
13:08And sometimes they are the most important pieces of the puzzle.
13:11Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
13:16Mga kapuso, maging una sa saksi.
13:19Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment