00:00Mga kapuso, asahan ang malakas na ulan, lalo na sa extreme northern Luzon, dahil sa bagyong Nando, na posibleng maging super typhoon sa mga susunod na araw.
00:12Ayon pa sa pag-asa, posibleng paigtingin ng bagyo ang habagat.
00:16Saksi, si Rafi Tima.
00:20Naghahanda na ang Ross District sa Quezon City ngayon pa lang.
00:23Isa ang lugar na ito sa palagi ang binaba tuwing may bagyo o malakas na mga pagulan.
00:27Yung mga nasa tabing ilog, yung mga flood-prone area po talaga ay aming inaabisuhan na kapag napakalakas po ng bagyo na po dito sa aming lugar ay pinoforts evacuation na po namin sila.
00:43Kahapon lang, binisita ng Independent Commission for Infrastructure ang flood control project sa lugar na ito.
00:48Si Nanay Felicidad, tanawang flood control project mula sa kanyang bahay na katabi ng ilog.
00:53Bagamat may mga bahagi na ron natapos, hindi rin niya ramdam ang pakinabang nito.
00:58Nakakasakit talaga ng loob.
01:00Ibis na mapakinabang.
01:01Pera ng gobyerno, pera ng tao yun.
01:05Lalong bumaha.
01:07Lalong tumaas.
01:08Wala nang dinadaluyan kasi yung ilog.
01:10Sa ngayon, paghahanda na lang daw para lumikas ang kanyang tangi magagawa.
01:13Dahil tiyak, aabutin mo rin ang ba ang kanyang bahay.
01:16Bagay na ilang dekada na niyang nararanasan.
01:18Sa 36 years ko rito eh, sanayan na lang.
01:23Ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, naka blue alert status na bilang paghahanda sa posibling epekto ng masamang panahon.
01:31Inaabisuhan nila ang publiko na manatiling handa at alerto, lalo na sa mga lugar na malapit sa dagat at ilog dahil sa posibling pagbaha.
01:38Ang pag-asa, matindi ng paalala kahit malayo pa ang bagyong nando.
01:43Asahan na raw ang malakas na mga pagulan, lalo na sa Extreme Northern Luzon, tulad ng Cagayan, kung saan inaasahang daraan ang bagyo na inaasahang magiging super typhoon.
01:51From Monday up until Tuesday, kanyang possible na maramdaman na hangin ng ating mga kababayan dito po sa may Extreme Northern Luzon.
01:59Ang ulang dala ng bagyong sinando, pwede raw may halang tulad sa bagyong marse na nananalasa at nagpabaha sa Northern Luzon, Nobyembre noong nakarang taon.
02:08Kaya hindi lang yung mga nakatira sa flood prone areas ang binibigang babala ng pag-asa at kahit malayo pa ang bagyo, dapat daw maghanda na ang lahat.
02:16Ang Magat Dam ngayon ay nag-i-spill na, maapektuhan talaga siya. So magdadagdag po ng tubig ulan doon sa Magat at malamang sa malamang mag-i-spill din ng medyo malaking tubig yung Magat Dam na makaka-apekto dito sa Cagayan River Basin.
02:32At kahit walang inaasang epekto ang bagyo sa Metro Manila, maghanda pa rin daw dahil posibleng itong paigtingin ng habagat.
02:39Kaya dapat tumunong maganda ang mga balak dumalo sa mga malawakang rally kontra korupsyon sa linggo.
02:44Para sa GMA Integrated News, Rafi Timang inyo, Saksi!
Comments