Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:31Inalagay sa kustodiyan ng Independent Commission for Infrastructure ang luxury car na ito na isinuko ni dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez kanina.
00:42Si ICI Chairman, retired Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr., ang tumanggap ng susi ng sasakyan na nagkakahalaga ng 12 million pesos.
00:51Hindi malinaw kung saan ito galing.
00:53Ang pagsusoli rao nitong si dating District Engineer Bryce Hernandez ng luxury vehicle na ito sa ICI sa ikalawang araw ng kanilang trabaho.
01:08Ayon kay Baguio Mayor at Special Advisor Benjamin Magalong ay pagpapakita rao ng kooperasyon nitong si Hernandez sa ginagawang investigasyon ng ICI.
01:17At ayon kay Mayor Magalong, may dalawa pa na susunod na luxury vehicle na isusoli itong si Hernandez.
01:22He would like to cooperate, te-turn over yung Ferrari na worth 58 million, tapos Lamborghini which is worth about between 30 to 40 million. May mga motorcycles pa siya.
01:37Ipasusubasta ang mga sasakyang isusuko ni Hernandez.
01:40Dati ng naongkat sa mga pagdinig ng Senado ang mga luxury car na iniuugnay sa kanya.
01:45Pagbayad ang taxes, ang Lamborghini Urus is 30 million.
01:50Ang Toyota Supra is about 10.8 million.
01:54Ang Dodge na sa mga 9.2 million.
01:58So kung may sweldo kang 70,000 a month, paano ka nakabili ng 30 million na sasakyan?
02:03Yung pong Lamborghini Urus is nag-share po doon, nag-share lang po yung asawa ko at saka ako para gawin pong konting hanap buhay.
02:13Diri Rice, totoo ba na meron akong mga Ferrari?
02:16Wala po your honor.
02:18At yung sinasabi pong Ferrari, actually nakita ko rin po yun sa opisina.
02:22Sobrang ganda nga po, pinikturan ko po yun eh.
02:24Ayon kay Magalong, may informasyon si Hernandez na sinabi sa komisyon na hindi pa raw niya nababanggit sa ibang pagdinig.
02:31Very relevant yung kanyang mga revelations niya.
02:36And to cut it short, talagang tell all siya.
02:40And he continued to cooperate with us para talagang ma-identify palalo yung iba pang mga sangkot.
02:47Magandang lead ito para sa ma-imbestigador.
02:51Sa isang pahayag, sinabi ng ICI chairman na voluntaryong sinagot ni Hernandez ang lahat ng kanilang mga tanong
02:57nang walang pasubali at walang pag-iwas at nagpakita ng buong kooperasyon.
03:03Explain namin mabuti kung ano yung mga choices niya.
03:07And then finally he realized na better to cooperate with us sa ICI.
03:13Are we evaluating him for the possibility?
03:15Ay, hindi namin iniisip yan.
03:17Sa ngayon, hindi namin iniisip.
03:19Bukod kay Hernandez, sumarap din sa ICI si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
03:24For the meantime, siguro hintay na lang natin si chairman kung ano yung magandang, ano to, kung ano yung mga na-reveal niya.
03:36Naano nang sinibak sa servisyo sa DPWH na Hernandez, kanyang dating boss na si Henry Alcantara
03:42at mga dating kasama sa Balacan First District Engineering Office na sina JP at Juanito Mendoza.
03:48Kasama sila sa mga sinampahan ng reklamo sa ombudsman, kaugnay sa anumalyo-umano sa flood control projects sa Bulacan.
03:56Pinatawa na ng 6 na buwang preventive suspension ng 16 na kasamahan nila dati sa DPWH Bulacan.
04:03Ang mag-asawang Pasifiko at Saradiskaya naman dumating sa DOJ sa Maynila para sa evaluation kung pasok sila sa witness protection program.
04:11Confidential ang proceedings ng witness protection. I think that they're really looking for a solution to their problems.
04:19I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
04:25Gusto lang natin dumumasang totoo sa bagay na ito para naman maparusahan yung dapat maparusahan.
04:31Bukod sa mga diskaya, may dalawa hanggang tatlo pa raw na konektado sa manumalyang flood control projects
04:37sa nais sa mailalim sa WPP Evaluation.
04:40Isa sa kanila kasama sa labing limang kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:46Pero kung si Remulya raw ang tatanungin, meron daw siyang taga DPWH na gusto makuha para sa WPP Evaluation.
04:53Kinakausap na raw niya ang Senado tungkol dito.
04:55May mga vital link yan. Ano ko naman tayo? We have to create the links and connect the dots.
05:01And sometimes they are the most important pieces of the possible.
05:04Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
05:10Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended