00:00Nasa Red Alert na ang pagtugon sa emergency sa buong Ilocos Region dahil sa Bantanang Bagyong Nando.
00:08Ang latest doon tinutukan live ni Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:14Sandy?
00:18Mel, sa mga oras na ito ay on standby na ang lahat ng mga rescue at response team na mga probinsya sa Ilocos Region.
00:30Habang maula pa lang at wala pang ulan, pinagtatabas na ng mga tauhan ng City Hall at Barangay ang mga puno sa Barangay 17 Tabug ng Batak City, Ilocos Norte.
00:41Delikado, kaya inaalis namin yung punong malapit sa kalsada.
00:49Maganda talaga ito ma'am kasi pag may bagyo, kahit malakas ang ulan, walang babagsak na kahoy.
00:55Nakaantabay na rin ang emergency vehicle at rescue equipment para sa bawat probinsya at naka Red Alert status ang lahat ng kapitolyo sa buong Ilocos Region.
01:04Handa na rin maglikas na mga nakatira sa mga mabababang lugar at mga baybayin o tabing ilog bago ang pagdating ng Bagyong Nando.
01:11Especially sa mga areas na susceptible ng flooding, yung rain-induced landslide.
01:17Yung mga malalapit sa mga river systems din ay maaring mag-swell, kaya unahan na natin.
01:23Pati ipapamahaging relief goods na mga babagyuhin ay nakahanda na.
01:31Mel, sa barangay Lapas, Lawag City ay hindi pa tumataas ang Apadzan River, pero umapaw na ang Agno River.
01:38Kaya binabantayan ng Office of Civil Defense ang pag-apaw ng Agno River, lalot makakaapekto sa mahigit 300 barangay mula sa iba't ibang probinsya.
01:48Mel, maraming salamat sa iyo, Sandy Salvasho, ng GMA Regional TV.
Comments