Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, hindi pa man nakakalabas ng PAR ang Bagyong Isang, may isa na namang LPA na binabantayan.
00:09Ang tanong, ma-e-enjoy kaya ng mga Kapuso ang long weekend?
00:14Alamin natin kay Amor La Rosa na GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:21Salamat Emil na kung meron pa rin po chance na mga pagulan sa mga susunod na araw.
00:25At mga Kapuso, tinatawid na po ng Bagyong Isang, yung kalupaan ng Northern Luzon, habang unti-unting pinalalakas yung Southwest Monsoon o Habagat.
00:34Dahil po sa Bagyong Isang, nakataas ang signal number one, dyan po sa May Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayaw, Kalinga, Abra, Mountain Province at pati na rin po sa Ifugawa.
00:44Signal number one din, dito po yan sa Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora at pati na rin po dito sa northern portion ng Nueva Ecija.
00:53Sa mga nabangit na lugar, posibleng po maranasan yung mga pabogso-bogsong hangin dahil po yan dito sa Bagyong Isang.
01:00Magiging maalon din po sa seaboards ng Batanes at Cagayan at posibleng po yan maranasan sa ilang pambaybayin ng Northern Luzon.
01:089.50 a.m. kanina nang mag-landfall po itong Bagyong Isang, dito po yan sa May Kasiguran, Aurora.
01:14At yan po, saka po yan, unti-unting tumawid dito po yan sa kalupaan nga ng Hilagang Luzon.
01:19Huli po itong namataan kaninang hapon ng pag-asa sa vicinity ng Aglipay, dyan po sa May Kirino.
01:24Taglay po ang lakas ng hangin na abot sa 55 km per hour at yung pagbogso po nito nasa 90 km per hour.
01:32Kumikilos po itong Bagyong Isang, yan po ay pa West-Northwest sa bilis lamang na 15 km per hour.
01:38Ayon po sa pag-asa, magtutuloy-tuloy ang pagtawid nitong Bagyong Isang dito po yan sa Northern Luzon.
01:44Ngayong gabi po yan hanggang sa makarating na dito sa May West Philippine Sea sa mga susunod na oras.
01:49At tatawid po yan dito sa landmass hanggang marating po itong dagat.
01:53Bukas ng umaga o hapon ay maaari pong nasa labas na rin po yan ng Philippine Area of Responsibility.
01:59Pero depende pa rin po yan kung magkaroon po ng pagbagal o pagbilis pa lalo sa pagkilos po nito sa mga susunod na oras.
02:06Pusibling lumakas pa po ang bagyo kapag po napunta na ulit dito po yan sa dagat.
02:11Kaya patuloy rin po natin i-monitor.
02:12Pero kahit po lumakas, papalayo naman na po yan dito sa Pilipinas.
02:17Ayon po sa pag-asa, unti-unting pinalalakas itong Bagyong Isang, yung habagat,
02:21na magpapaulan din sa ilang bahagi po ng ating bansa.
02:25Kahit po yung mga lugar na medyo malayo po dito sa bagyo.
02:28Samantala, hindi pa nga po nakakalabas ng Philippine Area of Responsibility itong Bagyong Isang.
02:33May bagong low pressure area po na nabuo dito po yan sa bandang silangan po ng Mindanao.
02:39Ayon po sa pag-asa, mababa pa naman sa ngayon yung chance nito na maging bagyo.
02:44Pero magpapaulan po dito po yan sa may Eastern Visayas at ganoon din sa may Eastern Mindanao,
02:49lalong-lalong na po sa mga susunod na araw o this weekend.
02:53Patuloy po ang tumutok sa updates tungkol po dito sa Bagyong Isang at ganoon din dito
02:56sa low pressure area na bago pong nabuo dito po yan sa bahagi po ng power line dito po yan sa ating mapa.
03:04Base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi, may mga pag-ulan pa rin,
03:07lalong-lalong na po dito sa may Cordillera, ganoon din po dito sa may Ilocos Region,
03:12Central Luzon, meron din po tayo nakakita mga pag-ulan pa rin.
03:15Dito po sa ilang bahagi po ng Metro Manila, Calabarzon,
03:18Mimaropa, Bicol Region, ganoon din po dito sa may Western Visayas
03:22at ilang pang bahagi po ng Mindanao, lalong-lalong na po dito sa may Karaga at Northern Mindanao.
03:28Bukas po ng umaga, medyo mababawasan po yung malawakang pag-ulan.
03:32Dito po sa ating mapa, medyo humiwalay na po.
03:34Ito po mga nagkukulay, ito po yung mga simbolo ng mga pag-ulan.
03:37So humiwalay na po yan dito po sa ating mapa, dito po sa Ladmas.
03:41Maliba na lang, dito po sa ilang bahagi pa rin po ng Western portion ng Luzon,
03:46meron pa rin po mga pag-ulan, Pangasinan, Zambales, Bataan at pati na rin po sa may Mindoro Provinces
03:52at sa ilang pang bahagi po ng Mindanao.
03:55Pagsapit po ng hapon, may mga kalat-kalat na ulan na rin po sa iba pang bahagi ng ating bansa
03:59at meron pa rin po mga malalakas na buhos kapag po meron po tayong nakikita ng mga posibilidad
04:04ng thunderstorms. Dito po yan sa malaking bahagi po ng Luzon, lalo na po sa hapon,
04:09ilang bahagi po ng Visayas at ilang bahagi rin po ng Mindanao.
04:13Sa linggo naman, posible rin po ang ulan, lalong-lalo na po yan pagsapit ng hapon at gabi
04:18kaya dobling ingat pa rin.
04:20Halos ganun din po ang inaasahan natin dito po sa Metro Manila this weekend.
04:24May chance pa rin po ng ulan at posible po yung localized thunderstorms lalo na po sa hapon at gabi
04:30kaya magdala pa rin po ng payong kung may lakad.
04:33At dahil nga po long weekend, pasadahan na rin po natin ang magiging panahon sa lunes.
04:38Inaasahan po natin meron pa rin po mga pagulan sa malaking bahagi po ng ating bansa,
04:42lalong-lalo na po yan pagsapit ng hapon at gabi.
04:45Diyan po kasi nabubuo kadalasan yung thunderstorms na nagdudulot ng mga pagulan.
04:51Yan po ang latest sa lagay ng ating panahon.
04:53Ako po si Amor La Rosa.
04:54Para sa GMA Integrated News Weather Center,
04:57maasahan anuman ang panahon.
04:59Ako po si Amor La Rosa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended

1:18
El HuffPost
7 weeks ago