Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, September 19, 2025


-Mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya, nasa DOJ para sa evaluation ng hiling nilang witness protection


-16 na taga-DPWH Bulacan 1st District, pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman kaugnay sa maanomalya umanong flood control projects sa Bulacan


-Valencia CDRRMO: 4 nasawi dahil sa baha sa Bukidnon; 6 nawawala


-PAGASA: Bagyong Nando, posibleng maging Super Typhoon; nagbabadyang humagupit sa extreme northern Luzon


-Sen. Jinggoy Estrada, kinompronta si Engr. Brice Hernandez kaugnay sa alegasyong may kickback ang senador sa flood control projects


-Mga panibagong ebidensiya kaugnay sa mga ghost flood control project sa Bulacan, isinumite ng DPWH at COA sa Ombudsman


-38-anyos na motorcycle rider na bumangga sa jeep at nagulungan ng dump truck, patay


-Oil price increase, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


-Sen. Joel Villanueva, ipinakita kung gaano aniya kadali mameke ng usapan sa cellphone


-6 na pamilya, apektado ng sunog sa isang paupahang bahay sa Brgy. Calzada-Tipas; 6 na aso, nasawi


-Mahigit 90 Chinese nationals na sangkot umano sa POGO at illegal mining, ipina-deport pabalik sa Shanghai, China


-INTERVIEW: SEN. PING LACSON, CHAIRMAN, SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE


-DOTr: North Avenue, isasara mula Sept. 24 hanggang Nov. 30 para sa paggawa ng MRT-7 QMC Station Pedestrian tunnel


-Mag-asawang street sweeper, na-hit-and-run ng pickup; lalaki, patay/Driver na nang-hit-and-run, isinuko ng kanyang ina; walang pahayag


-Barbie Forteza, tampok sa first part ng special anniversary episode ng "Wish Ko Lang" bukas sa GMA, 4pm


-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA


-Batas para payagan ang gobyerno na magdeklara ng State of Imminent Disaster para makapaghanda sa oras ng kalamidad, pirmado na ni PBBM


-Gretchen Barretto, dumalo sa preliminary investigation ng DOJ: naghain ng counter-affidavit


-VPSD kay PBBM: Hindi dapat hinahayaan ang mga congressman na umalis sa bansa o mag-resign para makaiwas sa mga pananagutan


-Dance reunion concert ng SexBomb Girls sa December, inaabangan ng fans


-Enchanted Christmas Displays, Sang'gre cosplayers, at masasarap na pagkain, tampok sa isang pasyalan


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Welcome back to the show.
00:30Mainit na balita, nasa Department of Justice ngayon
00:36ang mag-asawang kontratistang sinapasifiko Curly at Sara Descaya.
00:40Para po yan sa hinihiling nilang witness protection
00:43dahil sa mga banta o mano sa kanilang buhay.
00:46Mayulat on the spot si Salima Refran.
00:49Sam!
00:53Rafi Kony, nandito na nga sa Department of Justice
00:55at sumasa ilalim na sa initial evaluation
00:58para maging protected witness ng DOJ
01:01ang mag-asawang kontraktor na Pasifiko Curly at Sara Descaya.
01:08Pasado las 9 ng umaga ng ibaba ng Senate Sergeant at Arms
01:11si Curly Descaya sa main building ng Department of Justice.
01:14Naka bulletproof vest at bantay sarado ng mga polis
01:17at ng Senate Sergeant at Arms si Descaya.
01:20Wala siyang binigay na pahayag sa mga nagtanong na media.
01:25Kasama ni Descaya ang kanyang abogado.
01:27Bandang alas 10.30 naman dumating si Sara Descaya.
01:31Nakakap at naka-face mask si Ginang Descaya
01:33nang nakayuko at nagmamadaling pumasok sa DOJ.
01:37Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulio
01:39ang nangunguna sa evaluation ngayon sa mga Descaya
01:42bilang Chief Implementer ng Witness Protection Program o WPP.
01:47Isinumitin na ng mag-asawang kanilang mga affidavit
01:50na magiging bahagi ng pagsusuri.
01:52Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano
01:56pangunahing aalamin ang katotohanan at kabuuan ng kanilang mga salaysay
02:00sa kasusuriin ang risk at security threat laban sa kanila.
02:05Pero isa raw sa tiyak na itatanong ni Secretary Remulio
02:08ay ang kahandaan ng mga Descaya na magbalik ng mga nakuhang pera mula sa bayan.
02:14At ipaniluanag rin ni Clavano na ang evaluation na ito ay para pa lamang malaman
02:19kung may papasok sila sa WPP bilang protected witness.
02:23Iba pa ito sa pagiging state witness na malalaman lamang
02:26oras na may kaso na sa korte at hingin ito ng prosekusyon.
02:30Narito ang pahayag ni Justice Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano.
02:34First of all, we will check if the affidavits are truthful, genuine, authentic, complete.
02:43So pag pumasok po doon sa kriteria na yun,
02:47then we can now determine the risk that they are facing,
02:52whether or not they are being threatened, intimidated.
02:56Protection is a privilege.
02:57Kaya at any given time, if the truthfulness is attacked
03:02or we find out that there are statements meant to derail or distract the investigation,
03:09that privilege can be taken away as well.
03:16Raffi, sa mga oras nga na ito ay nagpapatuloy pa rin yung evaluation sa mag-asawang Descaya.
03:22Sabi ni Assistant Secretary Clavano,
03:24bukas ang DOJ sa iba pang gusto magpa-evaluate para mapailalim dito sa WPP.
03:30Pero, babala niya, dapat maging totoo at katotohanan lamang ang sasabihin
03:35kung hindi ay maaari rin silang paharapin sa batas dahil sa kasinungalingan.
03:40At yan muna ang latest, wala nga dito sa Department of Justice sa Maynila.
03:44Raffi.
03:45Maraming salamat sa Lima Refran.
03:47Isa pang mainit na balita,
03:50pinatawa ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman
03:53ang labing-anim na tauha ng Department of Public Works and Highways sa Bulacan 1st District.
03:58Kawag na iyan sa flood control project sa kanilang distrito na natuklas ang ghost o substandard.
04:03Ayon sa Office of the Ombudsman,
04:05pinagbasihan nila ang mga reklamang kriminal na isinampa ni DPWH Secretary Vince Dizon,
04:10pati ang mga fraud audit report na isinubitin ng Commission on Audit.
04:14Halos 390 million pesos ang halaga ng mga naturang maanumalya-umanong proyekto.
04:19Hindi ininabas ng Office of the Ombudsman ang pangalan ng mga DPWH personnel na sinuspindi.
04:31Apat ang nasawi dahil sa bahang dulot ng malakas na ulan sa ilang lugar sa Valencia, Mucidnon,
04:37ay sa City Disaster Risk Reduction Management Office.
04:41Ang mga nasawi ay kabilang sa mahigit tatlong daang pamilyang naapektuhan ng matinding ragasan ng tubig.
04:47Sa barangay poblasyon, natagpuan ang bangkay ng isang bata na natabunan ng putik.
04:52Anim ang hinahanap pa.
04:54Ilang kalsada ang hindi nadaanan ng mga residente dahil sa matinding ragasan ng tubig.
05:00Stranded naman ang mga estudyante matapos pasukin ang lampastuhod na baha
05:04ang Central Mindanao University sa Maramag.
05:07Umabot ang tubig sa loob ng ilang silid aralan, pati sa boarding houses ng mga estudyante.
05:13Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa Bucidnon ay dulot ng local thunderstorms.
05:19Nagsagawa na po ng clearing operation sa mga otoridad sa mga pinsanang iniwan ng baha.
05:24Sa Vintar, Ilocos Norte, gumuho ang lupa at bato sa Palyas Valley dahil sa malakas na ulan.
05:32Humambalang ang mga debris sa kalsada.
05:35Wala namang napingsala o nasaktan.
05:37Pinag-iingat ang mga motoristang dumaraan roon.
05:40Sa Barangay Mabini naman sa Santiago Isabela,
05:43tatlumput siyam na pamilya ang inilikas dahil sa baha.
05:48Pansamantasalang nanunuluyan sa evacuation center.
05:51Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa Ilocos Norte ay dulot ng hanging habagat,
05:57habang localized thunderstorm naman sa Isabela.
06:02Mga kapuso, may chance ang maging super typhoon ng bagyong Nando ayon po sa pag-asa
06:07at nagbabadyayang humagupit sa extreme northern Luzon.
06:11Posible yung magbago ang direksyong tinatahat ng bagyong Nando ngayong weekend.
06:14Posible yung maglandfall o dumaan ito malapit sa Babuyan Islands sa lunes.
06:18Sa ngayon, wala pang epekto sa bansa ang nasabing bagyo.
06:22Huling na mata ng Tropical Storm Nando, 970 kilometers silangan ng Central Luzon.
06:28May tagla itong lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour.
06:33Tumutok po dito sa Balitanghali para sa 11 AM Weather Bulletin.
06:38Samantala, haging habagat ang magpapaulan ngayong biyernes dito po sa Metro Manila,
06:42Ilocos Region, Cordillera, Central at Southern Luzon, maging ilang pandig ng Visayas at Mindanao.
06:48Posible rin muli ang mga local thunderstorms na lalabing bahagi ng bansa.
06:52Muling nagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Gingoy Estrada
07:02at si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
07:07na nagsabing tumanggap ng kickback sa flood control projects ang Senador.
07:11Nasa hiling din ang isang taga-WJ Construction, ang kumpanyang iniugnay ni Hernandez kay Estrada.
07:18Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
07:20Sinabi mo sa testimony mo sa house na binigay mo ang pera kay D.E. Henry Alcantara
07:30at siya ang nagsabi sa'yo na bibigyan daw niya ako. Is this correct?
07:34Wala pong specific na sinabing ganon, Your Honor.
07:38Pagkatapos mo ko dinurug sa house ngayon, wala kang specific na sinabi.
07:42Kinumpronta ni Sen. Gingoy Estrada si dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
07:50Kaugnay ng aligasyon nitong tumanggap ang Senador ng kickback mula sa flood control projects.
07:56Sabi ni Hernandez sa camera, isang staff daw ni Estrada na naggangalang Beng Ramos
08:02ang nagdala ng obligasyon o lagay mula sa WJ Construction matapos makakuha ng proyekto sa Bulacan.
08:10Itin ang gini Estrada na may staff siyang Beng Ramos.
08:14Paano niya malala ng staff ko si Beng Ramos? How will he know?
08:20Hindi ko rin po alam. Yan lang po ang sinabi sa akin ni Boss Henry.
08:23Kaya po nagkaroon po kami ng connect ni Mang Beng Ramos at si Mambina.
08:27Alam mo Mr. Bryce, masyado ka na nagsisinungaling eh.
08:30Ang pakilala kay Mambina and Mambeng is staff po ni Sen. Gingoy.
08:37Pero hindi po specifically naka-sinabi ko na yung proponent is para po kay Sen. Gingoy.
08:43Hindi po. Ibang projects po yung sinasabi ko na nakatagpo kay Sen. Gingoy.
08:47Hindi po yung specifically noong 2022.
08:49Ang tinutukoy na Boss ni Hernandez ay si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer,
08:55Henry Alcantara.
08:57Pero itinanggi rin niyang nakatanggap siya ng pera para ibigay sa politiko.
09:01I respectfully deny po yung sinasabi niya na biligay niya po sa akin na may mga ganun pong issue.
09:08So tama si Sen. Laxon, the burden of proof lies with you, Mr. Hernandez.
09:14Kasi tahasan mong sinabi sa House of Representatives at kinundinan naman ako ng taong bayan.
09:20Hindi inimbita sa pagdinig si Ramos for humanitarian reasons dahil may stage 4 cancer siya.
09:27Dumalo naman sa pagdinig si Mina Jose ng WJ Construction.
09:30Paglilinaw niya, siya ang ka-message ni Hernandez at hindi si Ramos.
09:35Kaibigan daw niya si Ramos na nag-refer daw sa kanya kay Hernandez para sa isang joint venture na hindi natuloy.
09:43Sa ipinakitang text message ni Hernandez, may i-deliver o mano si Jose.
09:48Sa message mo noong December 11, which was a Sunday, may sinasabi ng isang delivery.
09:53Tama po ba?
09:54Yes po.
09:55Ano ito? Para saan at para kanino?
09:57I meant by delivery po are the documents na hinihingi niya po for the processing po ng joint venture.
10:04I have never given nor received any money from any public official or government employee, including this Mr. Bryce Hernandez.
10:14Thus, I strongly deny his accusations.
10:18Pero Giita Hernandez nagbigay ng obligasyon si Jose.
10:22Ano yung obligation na yun?
10:24Pera?
10:25Para kanino?
10:27Lagay?
10:27Ano yung context ng obligation?
10:30Pera po siya para sa proponent.
10:32Ano yung siya min?
10:33Lagay para sa proponent?
10:34Yung advance po.
10:35Opo.
10:36Advance para sa proponent?
10:37Parang bayad po para dahil nakuha niya yung project na yun.
10:41Mr. Jose.
10:42Your Honor, I don't know what he was talking about.
10:45Nitong August 19, nakuna ng CCTV si Jose na dumating sa Senado para magtungo sa opisina ni Sen. Erwin Tulfo.
10:53Pero bago niyan, ay dumaan muna siya sa opisina ng Blue Ribbon Committee kung saan staff si Ramos.
11:00Meron po kasing problem yung terrace ni Sen. Erwin na binabaha po siya, lalo po pag umuulan.
11:06So, ako po yung na-refer na contractor nung staff niya na kung pwede po tingnan namin gawa ng solusyon and mag-suggest po kami sa kanya.
11:17Upon learning, her name was mentioned by Engineer Bryce.
11:23We immediately requested to cancel all contracts with WJ.
11:29Parang nagamit po yung opisina ko para dumaan po siya sa broom kung ano man yung kanyang business doon, Mr. Chair.
11:36Sabi ni Jose, hindi siya pumunta sa Senado para magbigay ng pera.
11:40So, hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
11:46Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
11:50Okay. So, talagang safe ka na.
11:56Please, continue.
11:59Sabi naman ni Hernandez, hindi niya alam kung sino ang proponent o mambabatas na nagpasok ng flood control projects.
12:23Ang boss daw niya, dati na si Alcantara, ang nakakaalam dito.
12:27Ay, respectful din na, Your Honor. Hindi ko nga po kilala ito si, ang pangalan ito, Mina.
12:33At yung Beng Ramos po, alam ko po, nung nagtatanong nga po ako, sila po magkakilala.
12:39Nagpakita ng bagong text messages si Hernandez mula December 10, 2022,
12:44na magpapatunay umanong nagdala ng pera sa opisina nila ang WJ Construction.
12:49Meron po akong follow-up na text message po, na nag-confirm na nagdala po si, it's either ma'am Beng or ma'am Mina sa office.
13:00Dinala po dun sa administrative officer namin noong time na yun.
13:04Meron po akong text message na yun.
13:06Galing po sa chief of staff ni boss Henry Alcantara.
13:09Kinonfirm po na nakapagdala na ng obligasyon.
13:11Base sa screenshots, sinabi ng chief of staff umano ni Alcantara na nakuha na sa administrative officers nila yung pinadala nila Beng Ramos.
13:21Nag-text ito ulit matapos ang ilang araw, kung ipasasabay na raw ba yung kay Beng Ramos?
13:27Sabi raw niya, sige, ipasabay na.
13:29Anong context yan?
13:30Yung pera po na dinala nila ng Beng Ramos.
13:33Anong project yan?
13:35Your Honor, nakalimutan ko na yung specific, anong project to, yung 2022.
13:38Pinutol muna ni Sen. Ping Lakso ng usaping ito habang wala raw kompletong detalya si Hernandez.
13:45Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:51Nag-high ng mga panibagong ebidensya sa Office of the Ombudsman,
13:54ang Commission on Audit at Department of Public Works and Highways,
13:57kaugnay sa mga questionabling flood control projects sa Bulacan.
14:00Patay sa report ng COA, umaabot sa halos 400 million pesos ang apat na proyekto sa Bulacan na Ghost Umano.
14:07Kasama riyan ang tatlong proyekto ng top-notch catalyst builder sa Bukawi River at Bayan ng Pandi,
14:12pati ang proyekto ng Wawaw Builder sa Anggat River.
14:15Ang nabanggit na dalawang kumpanya ay kabilang sa 15 top contractors na binanggit noon ni Pangulong Bongbong Marcos.
14:22Susubukan namin silang kuna ng pahayag.
14:24Sabi ng DPWH at COA sa kanilang press con kahapon sa aming mga taga-medya,
14:29napansin nilang ilang pattern sa ghost projects.
14:32Wala raw itong koordinasyon sa LGU at tila sa dyang nililigaw ang mga auditor kapag iniinspeksyon ng proyekto.
14:38Kuli na raw itong batch na ipapasa nilang ebidensya sa Ombudsman
14:41dahil ididiretsya na nila sa Independent Commission for Infrastructure ang mga makakalap pa nila.
14:46Ito ang GMA Regional TV News
14:52Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
14:58Patay ang isang motorcycle rider ng magulungan ng dump truck sa Kalasyao, Pangasinan.
15:04Chris, anong nangyari?
15:08Connie, natumba kasi ang rider ng bumanggasa sa likuran ng jeep sa National Highway sa Barangay Bued.
15:13Sa kuha ng CCTV, makikita ang motorsiklo na mag-o-overtake dapat sa sinusunda nitong jeep.
15:19Nasa kabilang lay naman ang dump truck.
15:21Bumanga ang motor sa jeep kaya ito natumba hanggang magulungan ang truck ang rider.
15:27Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang truck driver.
15:31Ayon sa kanyang pahinante, hindi naman nila ginusto ang nangyari.
15:34Tumagi namang magbigay na pahayag ang asawa ng rider.
15:37Kinukuha rin namin ang panig ng jeepney driver.
15:40Patuli naman ang investigasyon.
15:43Bip, bip, bip!
15:48Panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.
15:53Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, batay sa 4-day trading,
15:58may nakikitang humigit kumulang 70 centavos na dagdag sa kada litro ng gasolina.
16:0335 centavos naman sa diesel.
16:05Habang ang kerosene, humigit kumulang 65 centavos ang inaasahang taas presyo.
16:09Ayon sa DOE, isa sa mga nakaka-apekto riyan ang patuloy na banta ng pagpataw ng sanctions laban sa Russia.
16:16Pumiling ng Legislative Immunity sa Senado-Sinadating DPWH Mulacan 1st District Assistant Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza.
16:33Para po yan, hindi magamit laban sa kanila ang mga isisiwalat nila sa pagdinig kaugnay sa embisigasyon sa mga questionabling flood control project.
16:42Balitang hati at ni Sandra Aguinaldo.
16:47Isa pa sa idinawit ni Hernandez na tumanggap umano ng kickback si Sen. Joel Villanueva na nanindigang wala siyang kinalaman dito.
16:56Binalikan ni Villanueva ang umunay litrato ng disappearing messages na umunay usapan ng Senador at ni Alcantara noong October 2023.
17:05That time po, ang sabi po ni Boss Henry, nagre-request daw po si Sen. Joel ng pondo po.
17:13Nang almost parang ang pagkakabanggit ni Boss Henry is 1.5 billion.
17:20So balit dun sa parang na pumasok sa conversation po na napikturan, isang kayang iyalat lang po sa kanya ni Secretary Bonoan is 600 million.
17:30Totoo naman po.
18:00Nilabi si Sen. Villanueva for any contractor, any contractor na in-endorse, pinakitaan ng pabor, or nilabi sa iyo, Mr. Alcantara.
18:17Wala po, Your Honor.
18:18Ipinakita din ni Villanueva kung gaano raw kadali mapeke ang mga umunay usapan sa cellphone.
18:25Bryce and JP, nakita niyo yung pinakita kong video.
18:28Hindi ba ganun kadali, gumawa?
18:29Yes or no lang. Nakakalungkot dahil yung chismes trying to destroy me, my name, our family, our loved ones.
18:46May mga anak din ako.
18:47Hindi po namin alam na pwede palang gawin yan, Your Honor.
18:50Bit-bit din ni Villanueva ang kopya ng General Appropriations Act at sinabing wala raw naman doon ang sinasabi umanong proyekto niya.
18:59Pero ayon kay Hernandez, wala sa GAA ang ilang flood control projects dahil nasa unprogrammed na bahagi ito ng national budget.
19:07Yung pinakita niya po pala na unprogrammed ng General Appropriation Act ng 2023, doon po nakasama yung listahan na project po ni Sen. Joel.
19:17Baka yung ating mga hinahanap na mga ghost project, ghost of initio.
19:24Sa umpisa pa lamang, ghost na sila kasi nasa listahan ng unprogrammed.
19:29Nagiging pork barrel ito ng DBM eh.
19:31Sa totoo lang dahil isasabit sa inyo tapos kayo rin nagde-determine kung anong papasok o anong hindi.
19:39Si Sen. Erwin Tulfo naglabas ng litrato na nagpapakitang na roon si Alcantara sa pagbibilang ng cash sa isang kwarto at inilagay sa mga kahon.
19:49Paano mo mapapaliwanag ang litrato na ito na nandito ka, yun na ka-blue na yan,
19:55na nagpaparte iniimpake na yung limpak-limpak na salapi, nilalagay sa paper bag ito.
20:01That's you, right? Or kakambal mo?
20:04Yes, Your Honor.
20:05Ikaw ang nag-supervise kung paano iimpake, kanino ibibigay. Definitely, mga nakakartoon na yan.
20:13So, alam mo?
20:15Yes, Your Honor.
20:16Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson,
20:19ang mga cash ay isinugal ng tinaguri ang Bulacan Group of Contractors o BJC Boys sa kasino bilang paraan ng money laundering.
20:27Sa pagtingin sa isang litrato, isang dating kongresista ang idinawit ni Hernandez.
20:32Hindi, sabihin mo na lang, para kanino itong mas malapit ito?
20:36Ano po, ang nakalagay po dyan is Mitch po. Kung hindi po ako, kung hindi po naman yung pagkakatanda ko,
20:42ang sabi po dyan ni Boss, para po kay Mitch Kahayon po yata yun.
20:47Dating kongresista si Mitch Kahayon Uy, sa pagdinig,
20:50iginiti Alcantra na Project Engineer at Implementing Section Chief,
20:54ang nakakaalam at unang pumipirma sa proyekto.
20:58Sa amin po kasi, pagpo nakapirma na po kasi yung mga nasa baba po sa akin,
21:05inipirmahan ko na po yun.
21:07Pero git ni Hernandez, magkakasabot sila sa modus si na Alcantra,
21:11Engineer JP Mendoza at Engineer Paul Duya.
21:14Ano po ang naging papel ni JP Mendoza dito?
21:19Siya ba ang arkitekto, isa sa mga arkitekto na modus?
21:21Your Honor, actually, involved nga po si Engineer JP Mendoza,
21:28ako, at saka po si Boss Henry, at saka isa pa po namin project engineer.
21:34Kina yung isa pang engineer?
21:37Si Engineer Paul Duya po.
21:40So yung project na yun, meron po kaming sharing na pagkumita po,
21:45si Boss Henry po merong 40%, ako po may 20%,
21:48si Engineer JP meron po 20%, at si Engineer Paul Duya meron din po 20%.
21:53Sabi ni Hernandez, naisip nilang gumawa ng ghost projects,
21:57pero hindi raw niya alam kung sino ang proponent o mambabatas
22:00na nagpapasok ng proyekto sa budget.
22:03Bakit nyo naisip yung ghost? Ano rason?
22:06Tumaas ba tara? O tumakas ang cost?
22:09Bakit hindi nyo ginawa yung mga proyekto?
22:14Isa na rin pong kasagutan nyo na tumakas po ang tara.
22:19Ano po yung tarang yun? Kanino na pupunta?
22:23Sa proponent daw po, sabi ni Boss.
22:26Wala po akong direktang pakikipag-usap sa proponent.
22:30Sino po yung proponent na sinasabi ni Bryce?
22:33Hindi ko po alam sa kanya, Your Honor.
22:35Every time po na may tatanong sa kanya, puro po ang turo ay sa akin.
22:39Maliwalag mo naman po rito na sinasabi ng mga kontraktor na sila po ang kausap dyan.
22:44Nanindigan naman si Alcantara na wala silang alam sa budget insertions.
22:48Nagsumiti lang daw kasi sila ng wish list sa regional office ng DPWH.
22:53Pero hindi ito umubra sa mga senador kaya kinontep siya.
22:56Humorap din sa pagdinig si Sally Santos na may-ari ng Sims Construction Trading
23:01na humingi ng proteksyon sa Senado dahil nangangambaraw siya sa kaligtasan niya.
23:07Ayon kay Santos, pinahiram niya ang lisensya niya dahil hindi niya akalain gagamitin ito sa anomalya
23:12ng mga taga DPWH mismo.
23:15Hindi ko po alam na gagawin po nila Engineer Bryce at JP Mendoza po yun.
23:20Kasi po siyempre po, sila po itauhan po ng DPWH.
23:25Naniniwala po ako na hindi po nila gagawin yun dahil
23:28yun po kasing lisensya ko po.
23:32Ano po eh, sapilitan na po nilang iniram po sa akin.
23:37Humiling naman ang legislative immunity sila Hernandez at Mendoza.
23:41Ibig sabihin nito, hindi magagamit laban sa kanila ang mga isisiwalat nila sa pagdinig.
23:46Handa rin daw si Hernandez na pumirman ang waiver para buksan ang kanyang bank accounts
23:51at isauli ang lahat ng kailangan niyang isauli.
23:54Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:00Sa isang pahayag, ginundina ni dating kalookan representative Mitch Kahayon Uy
24:04ang pagdawid sa kanya ni Engineer Bryce Hernandez sa mga kwestyonableng flood control project.
24:10Ayon sa dating kongresista, walang basihan ang paninira sa kanyang pangalan.
24:14Kinatawan daw siya ng kalookan at hindi ng Bulacan.
24:18Wala raw siyang anumang kaugnayan kay Hernandez na siya na rin anyang nagsabing
24:22hindi sila magkakilala ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
24:28Nasa public records daw ang mga ipinatupad niyang proyekto noong siya ay congresswoman mula 2022.
24:34Ipakita raw dapat ang ebidensya at kung wala ay tigilan na ang pagdungi sa serbisyo publiko.
24:41Ito na ang mabibilis na balita.
24:47Nasunog ang isang paupahang bahay sa barangay Calzada Tipas sa tagig kagabi.
24:52Itinaas sa unang alarma ang sunog na narespondihan ng mahigit 20 firetrap.
24:57Alas 9 ng gabi nang edeklarang fire out.
24:596 na pamilya ang apektado.
25:014 na alagang aso ang nasawi sa sunog.
25:04Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhinang apoy at ang kabuoang halaga ng pinsala.
25:09Ipinadeport na pabalik sa Shanghai, China ang mahigit 70 Chinese nationals na sangkot umano sa Pogo at illegal mining sa bansa.
25:18Balitang hatid ni Bam Alegre.
25:22Pasado na stress ng umaga, inihanda na ang mga Chinese na nakatakdang ipadeport sa pasilidad ng PAOK o Presidential Anti-Organized Crime Commission sa Pasay.
25:31Lahat sila nasangkot umano sa mga iligal na aktividad sa bansa, particular na sa illegal offshore gaming, fraud at illegal mining.
25:38So matutal, 103 sila ng mga Chinese na ibabalik sa kanilang bansa, 8 babae at 95 na mga lalaki.
25:46Sangkot sila sa iba't ibang mga scam hub dito sa ating bansa mula Metro Manila, Pampanga, Laguna, Cebu at Tarlac.
25:53Sa grupong ito, pinakamarami ang nagmula sa dalawang Pogo hub sa Pasay na na-raid noong February 2024.
25:5949 na mga Chinese ang nakuha roon.
26:0117 naman sa Paranaques noong February 2024 at 17 din mula sa Bamban, Tarlac noong March 2024.
26:08May dalawang Chinese naman na nasangkot sa illegal mining sa Camarines Norte noong October 2024.
26:13Ayon sa PAOK, sasakay sila ng direct flight patungo sa Shanghai, China.
26:17Hindi nakapanayam ng media ang mga Chinese dahil sa language barrier.
26:20This operation is in line with the President's pronouncement, ang ating mahal na Pangulong, Bambong Marcos, na ipagbawal ang lahat ng Pogo dito sa Pilipinas.
26:34Ang iba dito may mga kinakaharap na kaso, so kailangan nilang ayusin muna, harapin at hanggang sa maklear sila.
26:43Pag na-clear sila sa kanilang criminal case, doon lang sila ma-re-deport.
26:47Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:52Mula 103 Chinese nationals, 91 lang ang napa-deport kanina pong umaga.
26:58Ayon sa PAOK, hindi kasi pinayagang bumiyahe ang labing dalawang detainees dahil hindi pa sila nabigyan ng Implementation Order ng Bureau of Immigration.
27:06Sa punto pong ito, makakausap natin sa Senate President, Pro Temporary at Senate Blue Ribbon Committee Chairman, Panfilo Ping Lakson.
27:21Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
27:25Ya, Raffi, magandang umaga.
27:28Apo, kamusta po yung unang beses na pag-upo nyo bilang Senate Blue Ribbon Committee Chairman, lalo ta tatlong resource person na God yung na-cite in contempt?
27:35Yes, kasi talagang ang pinuporso natin dito yung katotohanan eh.
27:41Hanggang hindi natin nakikita yung bottom ng katotohanan dito, yung kailaliman, eh dapat lang talaga gawin natin lahat yung paraan.
27:50At dahil naman very basic naman talaga sila sa mga pagtatanong ng mga senador, kaya nagkaroon ng motion at ito inaprobaan ng komite.
27:57Kitang-kita naman po na nagtuturoan na, paano po babalansihin ng inyong komite? Kung sino talaga yung nagsasabi ng katotohanan?
28:06Well, dapat suportahan ng dokumento.
28:10Tulad alimbawa si Bryce Hernandez, nagpapaalam siya kahapon kung pwedeng payagan siya na lumabas ng Senate premises para maghanap ng katibayan.
28:20So, kanina umaga, napag-isip-sip ko, baka may Sen. President Soto, gumagawa na ako ng letter request sa kanya at pumaig siya, papayagan, under escort at hindi pwede mag-overnight
28:34para maghanap siya kung anuman yung pwede niyang hanapin, ledger o kung anuman, nasa ganun na meron siya may presenta sa susunod na pagdinig.
28:43Kung may makita siya. Partikular na, doon sa P355M at P600M ni na Sen. Jingo Estrada at ni Sen. Joel Villanueva.
28:56Bago po ito, kasi kahapon nabanggit nyo na nagpaalam siya pero hindi nyo pinayagan. Sabi nyo mag-utos na lang siya ng iba.
29:02Pero ngayon, nag-desisyon kayo na siya na mismo, ang papayagang umalis, lumabas para maghanap nitong sinasabi niyang ebidensya.
29:07Yes, kasi initially, ang naging instinct ko, naisip ko, baka paraan niya para tubakas o kaya makapaglinis.
29:18Kasi di ba, prosy na yung mga accounts niya, di ba?
29:21Pero I slept over it and naisip ko, ang pinuporso natin, yung truth.
29:27So, yun, pwede nga isugal yun under escort at saka may strict na instruction.
29:34Huwag siyang iiwala yan abang natalabas niya.
29:36Mm-hmm. Hanggang kailan po mananatili sa Senado itong mga na-sight nyo in contempt?
29:41At ano pong nagko-cooperate na ho ba sila ngayon o nagpapahaging na sila sa inyo na sila'y magsasabi na ng katotohanan at magbibigay din ng ebidensya?
29:50At the very least, si Bryce, kahapon, nagpahayag siya ng konting remorse.
29:55Pero sabi niya nga, hindi naman siya makapagturo nang wala siyang ebidensya.
29:59So, kaya ngayon, papayagan namin siyang lumabas kung hindi bukas sa linggo para maghanap ng sinasabi niyang katibayan.
30:06Kasi alam mo, rapi yung elemento ng allegasyon ni Bryce na merong $355 million na nakahalokito sa kanyang area si Sen. Jingoy at $600 million si Sen. Joel.
30:22Ano na yun? Validated na yun kasi gaana yun ang sasabi na totoo yung sinasabi niya.
30:26Yung isang elemento pa na nawawala, nakulang, yung allegasyon niya na nagbigay siya ng 30% na komisyon, yun ang kailangang patunayan niya na talagang doon sa $600 saka $355, e nagbigay siya ng 30% doon sa dalawa.
30:45Kung wala siyang mapapakitang katibayan, mananatiling allegasyon yun.
30:49Pero kung may mapapakita siya sa amin, pagbalik niya, sa lunes o kung kailanman, sa pagdinig, na meron siyang pinangawakan ledger man o resibo man,
30:59o kung maski anong prueba na talagang nagbibigay siya ng, o nagkapagbigay siya ng 30% na komisyon,
31:05e pwede namin i-recommendan sa ICI o even sa Ombudsman na pailan ng kaso yung aming dalawang colleagues.
31:13E pagbibigyan po ba yung hiling ng legislative immunity sa Senado,
31:17si na dating Bulacan First District Assistant Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza?
31:23Continuing evaluation kasi yung legislative immunity, actually nagranta na sila.
31:28Pero ang kondisyon siya doon, dapat talagang pawang katotohanan lamang,
31:32hindi pwedeng haluan ng hindi totoo.
31:34Kung hindi, mawi-withdraw yun, mawawala sa kanila yun.
31:38Maliwanag naman yung explanation at naintindihan naman nila.
31:41Hindi na ho bago sa inyo itong mga ganitong investigasyon at yung ganitong mga personalidad,
31:45yung pakikitungo sa inyo, yung pagsasalita nila in public.
31:49Sa mga ganito ho ba, palagay nyo may pinoprotektahan sila?
31:52Kaya maingat at nagtuturuan lang sila dito sa inyong pagdinig?
31:57Sa punto ni Henry Alcantara, obvious yun na may pinagtatakpan.
32:02Kasi hindi kami makatawid sa kanya, napuputol kami kay Bryce Hernandez.
32:06Dahil si Bryce Hernandez, at least, nagsasabi siya ng totoo.
32:11Nagsasabi naman siya kung sino yung dapat papanugutin pa bukod sa kanila.
32:17Si Henry Alcantara, obviously, nagdi-dig in.
32:20So yun ang dapat naming ma-explore pa kung papano siya magsabi ng totoo.
32:27Posible pa po bang madagdagan yung mga pangalan ng DPWH officials, contractors,
32:31at maging politiko na dawit dito sa flood control projects?
32:34Ang ombuds po naglabas na ng preventive suspension sa labing anim ng mga opisyal at empleyado ng DPWH.
32:41O, posible.
32:44Basta kami, kung saan kami dadala na ebidensya, hindi kami mangingimi, hindi kami mag-e-state.
32:51While ebidensya yung titignan natin, of course, naintindi natin yung galit ng mga netizens,
32:57pero hindi naman kami madadala doon sa kung saan nila kami gustong dalhin.
33:03Ang importante rito, ang bottom line, is ebidensya kung saan kami dadalhin.
33:08Yun ang susundin namin, hindi yung galit ng sinatabi nating mga netizens.
33:14Ihingi na rin po namin yung reaction nyo sa pagbibitiyo ni late-year representative Martin Romualdez bilang House Speaker
33:18at posible na ron nahihintunan ng kamera yung kanilang investigasyon sa flood control anomalies.
33:23Oo, nabanggit na rin yan nila kay Sen. Soto, pati si Congressman Rido, nagpahihwating na.
33:31Dapat po nga mag-meet kami noong araw na yun, kaya lang nagpalit sila ng liderato, hindi natuloy.
33:37So, independent, kung gusto nila nila, nasa kanila yan.
33:41Pero sa amin, ang usap ka namin ni Sen. President, hanggang hindi namin nape-ferret out yung buong katotohanan
33:47na kung nabaring meron pang iba na matataas, lalo na mga legislators.
33:53Kasi na ang pag-iisip ko rito, Rafi, saan ba nag-ugat lahat ito?
33:59Di ba doon sa pag-insert? Kasi kung walang nag-insert, walang nakialam doon sa budget
34:04na ito'y nasa poder ng mga congressmen naman, eh hindi mangyayari lahat ito.
34:08So, kung halimbawa sa pagtatayin mo ng puno o kaya maski anong halaman,
34:13nagsisimula tayo sa SID, di ba?
34:15Eh, ang nakikita natin dito, ang tinagmulan natin ito, insertion, eh,
34:20na mga mababatas, eh. Kung walang nag-insert at walang nag-influensya doon sa mga district engineer
34:26sa iba't ibang distrito, malayang mangyayari ito.
34:31So, yun nga, nagsimula ito sa kongreso, eh, both houses.
34:35Mm-hmm. Mabilis na reaksyon lamang po ninyo dito sa mga mangyayaring pagkilos o protesta sa linggo.
34:42At paano po ito makaka-efecto sa inyong ginagawang investigasyon?
34:46Ah, hindi ako madi-distract. Basta sabi ko nga, ebidensya lang titignan ko.
34:50Hindi yung where the mob or the angry mob wants to take us.
34:56Doon kami kung saan ng ebidensya, where the evidence will bring us. Doon kami.
35:00Okay. Well, abangan po natin itong pagpapatuloy ng inyong investigasyon.
35:03Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
35:06Maraming salamat. Maraming salamat, Papi.
35:08Yan po sa Senate Blue Ribbon Committee Chairman, Ping Lakson.
35:11Abiso po mula sa Department of Transportation, pansamantalang isasara ang North Avenue simula sa Mierkules, September 24.
35:21Para ito sa excavation ng pedestrian tunnel ng Quezon Memorial Circle Station ng MRT Line 7.
35:27Buong araw isasara ang kalsada na papuntang Quezon Memorial Circle hanggang November 30.
35:32Nag-abiso ang DOTR na dumaan muna ang mga motorista sa mga alternatibong ruta.
35:37Ito ang GMA Regional TV News.
35:45Mainit na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
35:50Nadisgrasya ang mag-asawang street sweeper sa gitna ng trabaho sa Mandawi, Cebu.
35:54Cecil, ano nangyere?
35:55Raffi na hit and run ng isang pickup truck ang mag-asawa habang nagwawalis.
36:03Nangyari ang aksidente sa barangay Tipolo kung saan nakita pa ang pagdaan ng nakabanggang pickup na galing dito sa Cebu City.
36:11Nerespondihan ng mga barangay tanod ang mga biktima at dinala sa ospital.
36:16Dead on arrival ang lalaki habang sugatan ang kanyang misis.
36:20Makalipas ng ilang oras, isinupo sa Traffic Enforcement Unit ng sarili niyang ina ang driver ng pickup.
36:27Walang pahayag ang sospek.
36:29Sasangpan siya ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.
36:43Tampok si Kapuso Primetime Princess Barbie Portesa sa first part ng special anniversary episode ng Wish Ko Lang.
36:50Gagampan na ni Barbie ang karakter na may albinism at may butas ang puso.
37:02Makakasama ni Barbie sa episode sina Sam Concepcion, Love Di Rivero at Ines Pineracion.
37:08Bukas na yan 4pm sa GMA.
37:11Kaya ko pang tiisin itong sakit ko kesa sa pagtrato mo sa amin.
37:17Isa pang kwentong dapat abangan ngayong Sabado.
37:20Ang anak kong porn star episode ng magpakailanman na pagbibidahan naman ng beauty queen at sparkle star na si Rabia Mateo.
37:27Iikot ang storya sa karakter ni Rabia na mapipilitang gumawa ng adult videos para matulungan ang ina na may sakit.
37:35Tampok din sa episode sinaami Austria, Carlo Gonzalez at Pancho Magno.
37:418.15pm yan bukas sa GMA.
37:44Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
37:50Update po tayo sa Bagyong Nando.
37:52Kausapin natin si Pag-asa Weather Specialist, Benison Estareja.
37:56Magandang tanghali po.
37:58Magandang tanghali po, Magponi.
38:00Pakipaliwanag nga lang po itong sinasabi na chance ang maging super typhoon ng Bagyong Nando.
38:07Yes po, base po sa pinakuling track ng pag-asa, possible po na lalakas pa itong si Tropical Storm Nando sa mga susunod na araw.
38:14By tomorrow po, posibing typhoon na po ito o nasa minimum of 120 km per hour na yung lakas niya.
38:19And then pagsapit po ng Monday or Tuesday kung saan pinakamalapit ito dito sa my northern zone is maaari siyang maging super typhoon.
38:27So minimum of maximum winds po na 185 km per hour.
38:31So napakalakas na hangin po ito.
38:33Nakikita na ho ba natin more or less saan po mga probinsya, mga maapektuhan?
38:40Yes, yung mga lugar po at probinsya dito sa my northern zone, lalo na ang Batanes and Cagayan provinces.
38:45Possible siyang magtaas po na hanggang signal number 5.
38:48And then other areas pa po ng Cagayan Valley, Cordillera region and Ilocos region, signals number 2 to number 4.
38:54And then some areas pa ng central zone, hindi rin natin inaalis ang chance na mag-signal numbers 1 and 2.
39:00I see. At may inaasahan pang malaking pagtitipon po sa Luneta at Edsa sa Linggo.
39:05Ano po ang magiging nagay ng panahon natin by weekend?
39:10Yes po, sa darating po na weekend, especially sa Sunday,
39:12we're expecting na papalapit na talaga dito sa my extreme northern zone,
39:15ang bagyong Nando. So merong epekto yung outer part ng bagyo dito sa my eastern side ng Luzon
39:21from Cagayan Valley down to Bicol region.
39:24And then sa kaliwang banda naman po sa my western side,
39:26asahan yung epekto ng southwest monsoon or hanging habagat.
39:30So kabilang dyan ang Metro Manila at yung mga nearby areas natin sa Calabar Zone and central Luzon
39:34na magkakaroon ng mga occasional light to moderate rain spot.
39:37Minsan namalakas po ito lalo na po sa dakong hapon.
39:39So recommended po na magdala ng payurong or pananggalang sa alamang ulan o bahapo.
39:45Marami pong salamat sa inyong update sa amin.
39:49Salamat din po.
39:49Yan po naman si pag-asa weather specialist, Benison Estareja.
39:55Hilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas kaugnay sa paghahanda tuwing masama ang panahon.
40:00Sa ilalim ng Republic Act No. 12287,
40:03pinapayagan ng gobyerno na magdeklara ng state of imminent disaster.
40:07Layon itong bigyan ng sapat na oras ang gobyerno na mapaghandaan ang mismong pagtama ng kalamidad.
40:12Kabilang dyan ang pag-alerto sa mga komunidad at pagsusulong ng emergency preparations.
40:18Nakabatay ang deklarasyon sa rekomendasyon ng National, Regional o Local Disaster Risk Reduction and Management Councils.
40:25Dapat din ay magsagawa ang mga naturang ahensya ng free assessment kaugnay sa paparating na kalamidad bago magrekomenda.
40:31Ang NDRRMC ang hinatasang maglabas ng guidelines para sa pagpapatupad ng batas sa loob ng 60 araw matapos itong aprubahan ng Pangulo.
40:40Ilang personalidad ang dumalo sa unang araw ng preliminary investigation kaugnay po sa mga nawawalang sabongero.
40:54Kabilang dyan ang aktres at isa sa mga respondent na si Gretchen Barreto.
40:59Balitang hatid ni Salima Refran.
41:01Sa unang araw ng preliminary investigation sa mga reklamo kaugnay na mga nawawalang sabongero sa Department of Justice,
41:12humarap ang isa sa mga respondent, ang aktres na si Gretchen Barreto.
41:17Sa lahat ng respondent, siya lang ang bukod-tanging naghain ng kontra sa Laysay.
41:21Accusations against Ms. Barreto stands on nothing.
41:25And if you look at the complaint activated, it is actually recognized.
41:29The accusations against her are actually recognized as allegations, unsubstantiated, unproven.
41:37We believe that if justice is to be followed, the complaints against Ms. Barreto should be dismissed.
41:43Matipid naman sumagot si Barreto.
41:45Do you think this investigation will be fair?
41:48I trust.
41:49Personal ring humarap si dating NCRPO Chief, Retired Police Lieutenant General, Jonel Estomo,
41:56sa panel of prosecutors, pero hindi pa nagsumite ng kontra sa Laysay.
42:00What do you want to say about this po? Ano pong gagawin niyo po ngayon dito, sir?
42:04No comment, ma'am.
42:05Wala ang negosyanteng si Atong Ang, pero kinatawan siya ng kanyang mga abugado.
42:10Hindi pa raw sila makakapagsumite ng kontra sa Laysay,
42:13dahil kulang-kulang raw ang mga ebidensya at dokumentong pinadala sa kanila.
42:17Yung pinadala sa aming pitong folder, may dapat may nakasama na pitong USB.
42:25Pitong USB na may mga lamang data na may relevance dun sa inaakusa sa mga respondent.
42:34Lumalabas ko kanina na hindi na isama yung pitong USB na yun.
42:42Aming inutusan ang PNP na isubmit yung mga sinasabing USB kasi hindi kumpleto ang naunang naibigay.
42:52So ngayon, nangako ang PNP sa 29, magsasubmit sila ng mga USB na hinihingi ng mga respondent sa kasong ito.
43:01Nakaharap si Naang, Pareto at 60 iba pa sa patong-patong na mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention at iba pa para sa pitong insidente ng pagkawala na mahigit 30 sabongero mula 2021.
43:17Dumalo rin sa pagdinig ang mga whistleblower na si Julie Dondon Patidongan at kapatid na si Ella Kim.
43:23Pinanumpaan nila sa harap ng mga piskal ang kanilang mga salaysay.
43:27Nagsumite naman ang notaryadong affidavit ng isa pa nilang kapatid na si Jose na nasa pangangalaga ng Bureau of Corrections.
43:34Nanumpari ng kanilang salaysay ang mga kaanak na mga nawawala.
43:38Samantala, itinanggi ng kampo ni Ang na may kinalaman sila sa mga naarestong nagtanggang magpatras sa mga kaanak na mga nawawala.
43:46Paano ibibintang kay Mr. Ang isang bagay na hindi naman siyang akusado dun sa kaso na inaareglo?
43:52Kung sino man ay may motibo na mag-areglo ng kasong yun, yun dapat ay yung mga akusado.
43:59Walang iba yun kung hindi si Julie Patidongan.
44:01Ang tinutukoy nila ang gumugulong ng kaso ng kidnapping with serious illegal detention sa Manila RTC kung saan akusado si Patidongan.
44:10Nagatrasan na ang mga pamilya na mga nawawala sa naturang kaso.
44:14That is very impossible na yung kliyente ko yung magbabribe ng kaso na yun.
44:19Alam naman natin na hindi talaga siya yung mastermind doon.
44:24In fact, inabogaduan siya sa kaso ngayon ng lawyers coming from Mr. Charlie Atong Ang.
44:31Ginawa na nga nila na gusto na nilang ubosin yung pera nila, diba?
44:35Una doon sa pag-entrapment doon, yung ginawa naming entrapment doon na si Mr. Atong Ang mismo.
44:43At yung si Jaja, sa totoo lang yung tatay ni Inunog, yung Inunog, si Butinunog, walang konsensya.
44:55Biruin mo, anak niya na mismo, mahirap magsalita.
45:00Talagang pera po ang pinapalakad nila para maabsuelto yung mga nagawa nilang krimen.
45:04Pinapatunayan lang po nun na meron talagang kasalanan yung mga tao, mga finail na kasuhan namin.
45:13Kasi bakit sila mag-aareklo ng ganun kung mga ano talaga sila, inusente sila.
45:18Kasunod ang pagkakaaresto ng ilang nagtangkang patrasi ng isa sa kanila.
45:22Buo ang loob ng mga kaanak na mga nawawalang sa bongero na hindi nila iaatras ang mga reklamo.
45:29Sana yung mga naareklo na, huwag na kaming pigilan, huwag na kaming pigilan na kumanap kami ng hostisya.
45:42Dahil ito na ang pagkakataon natin na magkaroon ng hostisya at malaman kung sino talaga ang tunay na mastermind.
45:56Yung kalooban namin ang susundin namin, niminsan hindi po kami magpapabayan.
46:02Sanima Nefra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
46:06May puna uli si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos tungkol naman sa mga kongresistang isinasangkot sa anomalya.
46:19Ang India dapat hinahayaan yung mga kongresman na basta na lang umalis ng bansa o basta na lang mag-resign to evade accountability
46:33doon sa mga nakita natin na pag-chop-chop ng budget natin at pagkuhan ng pera ng bayan
46:43para bumili sila ng mga properties, bumili sila ng mga jets, bumili sila ng properties abroad.
46:53Sinabi yan ng Vice sa gitna ng isyo sa dating House Appropriations Committee Chairman Representative Zaldi Ko.
46:58Si Ko ang sinasabing may pakanaumano ng bilyong-bilyong pisong insertions sa 2025 national budget na napunta sa mga maanumalya umanong kroyekto.
47:08Sabi ng kamera, nasa Amerika si Ko dahil nagpapagumot daw.
47:12Naon na nang itinanggini ko na sangkot siya sa anomalya.
47:15Sagot ng Malacanang sa mga pahayag ni VP Duterte, House Speaker ang nag-aapruba sa biyahe ng mga kongresista at hindi ang Pangulo.
47:22Wala rin naman daw whole departure order na nagbabawal sa mga kongresista na umalis ng bansa.
47:26Dapat din daw alalahanin ng vice na nakailang biyahe rin siya abroad sa gitna ng mga isyo tungkol sa impeachment.
47:33Ano ba ang pagkakaiba ng biyahe ni Ko sa mga biyahe ng vice presidente?
47:38Sinisikap ang kunin ng reaksyon dito ni Vice President Duterte.
47:40Duterte
47:41Hindi na talagang mapigilan ang muling pag-get-get-out ng 2000s girl group na Sex Bomb Girls.
48:00Magsasama-sama muli ang icons sa kanilang 25th anniversary at dance reunion concert sa December 4.
48:08Kasama riyan si ng Rochelle Pangilinan, Jopay Pagya, Bueng Ibarra at Monique Iqban.
48:15With Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, Michael Bautista at Aifa Medina.
48:20Sana yung legacy na iniwan ang Sex Bomb noong 2000, nakasabay namin ang mga millennials, maipasa sa Gen Z hanggang Gen Alpha.
48:32Spotted ang sparkle artists na si Benjamin Alves at Terrence Malvar sa isang meeting de avances sa Pasay.
48:43Bahagi yan ang meet and greet event para sa pagbibidahang historic film na Quezon.
48:49Gaganap na yang Quezon si Benj habang si Nadia Hernando ang karakter ni Terrence.
48:54Sika ni Benj, mahalaga na mapanood ang pelikula dahil very timely ito lalo sa sitwasyon ngayon ng Pilipinas.
49:03Hinihikayat din ni Terrence na mapanood ito ng kabataan na magsisilbing boses sa pagbabago ng lipunan.
49:10Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
49:14Mga kapuso, 97 days na lang, Pasko na.
49:19Gusto niyo bang makapasok sa isang enchanted world of Christmas?
49:23May Kenny o Halika.
49:25Bisit tayo natin ng mga kabalit.
49:28Fantasy came to life ang offer ng isang holiday pasyalan sa San Fernando, Pampanga.
49:35Christmas Village Tunnel of Lights, Artificial Snow at iba pa, name it, they have it.
49:40Dagdag atraksyon ang mga nakabihis na movie at TV characters na naglilibot sa park.
49:47Ang latest addition sa cosplayers nila, ang new generation of sangres.
49:52Makawala na rin yata ang lahat sa syudad pero hindi ang ipinagmamalaki nilang parol.
49:58Samahan mo pa ng masarap na pagkain.
50:00Classic Pampanga Escapade na yan.
50:05At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
50:09Ako po si Connie Sison.
50:10Graffiti mo po.
50:11Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
50:13Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended