Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging
00:07Sakli!
00:30Sinabi mo sa testimony mo sa house na binigay mo ang pera kay D.E. Henry Alcantara at siya ang nagsabi sa iyo na bibigyan daw niya ako. Is this correct?
00:49Wala pong specific na sinabing ganon, Your Honor.
00:52Pagkatapos mo ko dinurug sa house ngayon, wala kang specific na sinabi.
00:57Kinumpronta ni Sen. Jingoy Estrada si dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
01:05Kaugnay ng aligasyon nitong tumanggap ang senador ng kickback mula sa flood control projects.
01:11Sabi ni Hernandez sa camera, isang staff daw ni Estrada na naggangalang Beng Ramos ang nagdala ng obligasyon o lagay mula sa WJ Construction matapos makakuha ng proyekto sa Bulacan.
01:25At itin ang gini Estrada na may staff siyang Beng Ramos.
01:29Paano niya malala ng staff ko si Beng Ramos? How will he no?
01:33Hindi ko rin po alam. Yan lang po ang sinabi sa akin ni Boss Henry. Kaya po nagkaroon po kami ng connect ni Mambeng Ramos at si Mambina.
01:42Alam mo Mr. Bryce, masyado ka na nagsisunungaling eh.
01:45Ang pakilala kay Mambina o Mambeng is staff po ni Sen. Jingoy. Pero hindi po specifically nakasinabi ko na yung proponent is para po kay Sen. Jingoy.
01:58Hindi po. Ibang projects po yung sinasabi ko na nakatagpo kay Sen. Jingoy. Hindi po yung specifically noong 2022.
02:04Ang tinutukoy na boss ni Hernandez ay si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara. Pero itinanggi rin niyang nakatanggap siya ng pera para ibigay sa politiko.
02:16I-respectfully deny po yung sinasabi niya na biligay niya po sa akin na may mga ganun pong issue.
02:22So tama si Sen. Laxon, the burden of proof lies with you, Mr. Hernandez. Kasi tahasan mo sinabi sa House of Representatives at kinundinan naman ako ng taong bayan.
02:35Hindi inimbita sa pagdinig si Ramos for humanitarian reasons dahil may stage 4 cancer siya. Dumalo naman sa pagdinig si Mina Jose ng WJ Construction.
02:45Paglilinaw niya, siya ang ka-message ni Hernandez at hindi si Ramos. Kaibigan daw niya si Ramos na nag-refer daw sa kanya kay Hernandez para sa isang joint venture na hindi natuloy.
02:58Sa ipinakitang text message ni Hernandez, may i-deliver o mano si Jose.
03:02Sa message mo noong December 11, which was a Sunday, may sinasabi ng isang delivery. Tama po ba?
03:09Yes po.
03:09Ano ito? Para saan at para kanina?
03:12I meant by delivery po are the documents na hinihingi niya po for the processing po ng joint venture.
03:18I have never given nor received any money from any public official or government employee, including this Mr. Bryce Hernandez.
03:30Thus, I strongly deny his accusations.
03:33Pero G.T. Hernandez nagbigay ng obligasyon si Jose.
03:37Ano yung obligation na yun? Pera? Para kanino? Lagay? Ano yung context ng obligation?
03:45Pera po siya para sa proponent.
03:46Ano yung sabihin? Lagay para sa proponent?
03:49Yung advance po.
03:50Opo.
03:51Advance para sa proponent?
03:52Yung parang bayad po para dahil nakuha niya yung project na yun.
03:56Mr. Jose.
03:57Your Honor, I don't know what he was talking about.
03:59Nitong August 19, nakuna ng CCTV si Jose na dumating sa Senado para magtungo sa opisina ni Sen. Erwin Tulfo.
04:08Pero bago niyan, ay dumaan muna siya sa opisina ng Blue Ribbon Committee kung saan staff si Ramos.
04:15Meron po kasing problem yung peres ni Sen. Erwin na binabaha po siya, lalo po pag umuulan.
04:20So, ako po yung na-refer na contractor ng staff niya na kung pwede po tingnan namin gawa ng solusyon and mag-suggest po kami sa kanya.
04:32Upon learning, her name was mentioned by Engineer Bryce.
04:37We immediately requested to cancel all contracts with WJ.
04:44Parang nagamit po yung opisina ko para dumaan po siya sa broom kung ano man yung kanyang business doon, Mr. Chair.
04:51Sabi ni Jose, hindi siya pumunta sa Senado para magbigay ng pera.
04:55So, hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
05:01Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
05:05Okay. So, talagang safe ka na.
05:11Please, continue.
05:14Sabi naman ni Hernandez, hindi niya alam kung sino ang proponent o mambabatas na nagpasok ng flood control projects.
05:38Ang boss daw niya dati na si Alcantara ang nakakaalam dito.
05:41Ay, respectful din na, Your Honor. Hindi ko nga po kilala ito si, yung pangalan ito, Mina.
05:48At yung Beng Ramos po, alam ko po, nagtatanong nga po ako, sila po magkakilala.
05:53Nagpakita ng bagong text messages si Hernandez mula December 10, 2022,
05:59na pagpapatunay umanong nagdala ng pera sa opisina nila ang WJ Construction.
06:03Meron po akong follow up na text message po na nagconfirm na nagdala po si, it's either mambeng or mambina sa office.
06:14Dinala po dun sa administrative officer namin noong time na yun.
06:19Meron po akong text message na yun.
06:20Galing po sa chief of staff ni boss Henry Alcantara.
06:24Kinonfirm po na nakapagdala na ng obligasyon.
06:26Base sa screenshots, sinabi ng chief of staff umano ni Alcantara na nakuha na sa administrative officers nila yung pinadala nila Beng Ramos.
06:36Nag-text ito ulit matapos ang ilang araw kung ipasasabay na raw ba yung kay Beng Ramos?
06:41Sabi raw niya, sige, ipasabay na.
06:44Anong context yan?
06:45Yung pera po na dinala nila ng Beng Ramos.
06:47Anong project yan?
06:49Your Honor, nakalimutan ko na yung specific anong project to, yung 2022.
06:53Pinutol muna ni Sen. Ping Lakso ng usaping ito habang wala raw kompletong detalye si Hernandez.
06:59Isa pa sa idinawit ni Hernandez na tumanggap umano ng kickback si Sen. Joel Villanueva na nanindigang wala siyang kinalaman dito.
07:08Binalikan ni Villanueva ang umunay litrato ng disappearing messages na umunay usapan ng Senador at ni Alcantara noong October 2023.
07:17That time po, ang sabi po ni Boss Henry, nagre-request na po si Sen. Joel ng pondo po.
07:24Nang almost parang ang pagkakabanggit ni Boss Henry is 1.5 billion.
07:32Subalit dun sa parang na pumasok sa conversation po na napikturan, isang kayang ialat ng pusa kanya ni Sekretary Bonoan is 600 million.
07:42Totoo naman po.
08:12Ipinakita din ni Villanueva kung gaano raw kadali mapeke ang mga umunay usapan sa cellphone.
08:37Bryce and JP, nakita niyo kanina yung pinakita kong video.
08:41Hindi ba ganun kadali, gumawa?
08:46Yes or no lang?
08:47Nakakalungkot dahil yung chismes trying to destroy me.
08:54My name.
08:56Our family.
08:57Our loved ones.
08:59May mga anak din ako.
09:01Hindi po namin alam na pwede palang gawin yan, Your Honor.
09:04Bit-bit din ni Villanueva ang kopya ng General Appropriations Act at sinabing wala raw naman doon ang sinasabi umanong proyekto niya.
09:12Pero ayon kay Hernandez, wala sa GAA ang ilang flood control projects dahil nasa unprogrammed na bahagi ito ng national budget.
09:20Yung pinakita niya po pala kanina na unprogrammed ng General Appropriation Act ng 2023, doon po nakasama yung listahan na project po ni Sen. Joel.
09:30Baka yung ating mga hinahanap na mga ghost project, ghost of initio.
09:38Sa umpisa pa lamang, ghost na sila kasi nasa listahan ng unprogrammed.
09:43Nagiging pork barrel ito ng DBM eh.
09:46Sa totoo lang dahil isasabit sa inyo, tapos kayo rin nagdedetermine kung anong papasok o anong hindi.
09:52Si Sen. Erwin Tulfo naglabas ng litrato na nagpapakitang naroon si Alcantara sa pagbibilang ng cash sa isang kwarto at inilagay sa mga kahon.
10:03Paano mo mapapaliwanag ang litrato na ito na nandito ka, yun nakablo na yan, na nagpaparte iniimpake na yung limpak-limpak na salapi.
10:13Nilalagay sa paper bag ito o. That's you right? Or kakambal mo?
10:17Yes, sir.
10:18Ikaw ang nag-supervise kung paano iimpake, kanino ibibigay. Definitely, mga nakakarton na yan. O. So, alam mo.
10:29Yes, sir.
10:30Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson, ang mga cash ay isinugal ng tinaguri ang Bulacan Group of Contractors o BJC Boys sa kasino bilang paraan ng money laundering.
10:41Sa pagtingin sa isang litrato, isang dating kongresista ang idinawit ni Hernandez.
10:46Hindi, sabihin mo na lang, para kanino itong mas palapit?
10:50Ano po, ang nakalagay po dyan is Mitch po. Kung hindi po naman yung pagkakatanda ko, ang sabi po dyan ni Boss, para po kay Mitch Kahayon po yata yun.
11:00Dating kongresista si Mitch Kahayon po'y na kinukuha pa namin ang panig.
11:06Sa pagdinig, iginiti Alcantra na Project Engineer at Implementing Section Chief ang nakakaalam at unang pumipirma sa proyekto.
11:14Sa amin po kasi, pag po nakapirma na po kasi yung mga nasa baba po sa akin, pinipirmaan ko na po yun.
11:23Pero git ni Hernandez, magkakasabot sila sa modus si na Alcantra, Engineer JP Mendoza at Engineer Paul Duya.
11:30Ano po ang naging papel ni JP Mendoza dito? Siya ba ang arkitekto, isa sa mga arkitekto na modus?
11:38Your Honor, actually. Involved nga po si Engineer JP Mendoza, ako, at saka po si Boss Henry, at saka isa pa po namin project engineer.
11:50Hindi na yung isa pang engineer?
11:54Si Engineer Paul Duya po. Yung project niyan, meron po kaming sharing na pagkumita po.
12:01Si Boss Henry po meron 40%, ako po may 20%, si Engineer JP meron po 20%, at si Engineer Paul Duya meron din po 20%.
12:10Sabi ni Hernandez, naisip nilang gumawa ng ghost projects pero hindi raw niya alam kung sino ang proponent o mambabatas na nagpapasok ng proyekto sa budget.
12:19Bakit nyo naisip yung ghost? Ano rason? Tumakas ba tara? O tumakas ang cost? Bakit hindi nyo ginawa yung mga proyekto?
12:30Isa na rin pong kasagutan nyo, tumakas po ang tara.
12:36Ano po yung tara nyo? Kanina na pupunta?
12:38Sa proponent daw po, sabi ni Boss. Ano rinist, wala po akong direktang pakikipag-usap sa proponent.
12:47Sino po yung proponent na sinasabi ni Bryce?
12:49Hindi ko po alam sa kanya, Your Honor. Every time po na may tatanong sa kanya, puro po ang turo ay sa akin.
12:56Maliwalag mo naman po rito na sinasabi ng mga kontraktor na sila po ang kausap dyan.
13:00Nanindigan naman si Alcantara na wala silang alam sa budget insertions.
13:04Nag-sumite lang daw kasi sila ng wishlist sa regional office ng DPWH.
13:10Pero hindi ito umubra sa mga senador kaya kinontep siya.
13:14Humarap din sa pagdinig si Sally Santos na may-ari ng Sims Construction Trading na humingi ng proteksyon sa Senado dahil nangangambaraw siya sa kaligtasan niya.
13:23Ayon kay Santos, pinahiram niya ang lisensya niya dahil hindi niya akalain gagamitin ito sa anomalya ng mga taga DPWH mismo.
13:31Hindi ko po alam na gagawin po nila Engineer Bryce at JP Mendoza po yun.
13:36Kasi po siyempre po, sila po yung tauhan po ng DPWH.
13:41Naniniwala po ako na hindi po nila gagawin yun dahil yun po kasi lisensya ko po.
13:48Ano po eh, sapinitan na po nilang inaroon po sa akin.
13:54Humiling naman ang legislative immunity sila Hernandez at Mendoza.
13:57Ibig sabihin nito, hindi magagamit laban sa kanila ang mga isisiwalat nila sa pagdinig.
14:03Handa rin daw si Hernandez na pumirman ang waiver para buksan ang kanyang bank accounts at isauli ang lahat ng kailangan niyang isauli.
14:10Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
14:15Kinoon din na ni dating Kalooka and Representative Mitch Kahayon Uy ang pagdawid sa kanya ni Bryce Hernandez sa isyo ng maanumalya umalong flood control projects.
14:26At ayon sa dating kongresista, walang basihang paninira.
14:29Ang sinabi ni Hernandez na nakatanggap siya ng 16.5 million pesos mula sa mga flood control projects mula 2022 hanggang 2023.
14:38Naging kinatawanan niya siya ng Kalooka at hindi ng Bulacan.
14:42Itinanggirin niyang may kaugnayan siya kay Hernandez, gayon din kay Alcantara.
14:47Hamon pa niya, ipakita ang hawak na ebidensya.
14:50Sighted in contempt sa Senado, ang kontratistang si Pasifiko Curly Descaya II.
15:06Ikinainis ng mga senador ang anilay pagsisinungaling ni Descaya tungkol sa kung bakit wala sa pagdinig ang asawon nitong si Sarah Descaya.
15:15Saksi, si Mav Gonzalez.
15:20Mr. Descaya, you are cited in contempt of this committee.
15:25Nakadetining ngayon sa Senado si Pasifiko Curly Descaya II.
15:28Sighted in contempt si Descaya matapos uminit ang ulo ng mga senador
15:32ng tanungin kung bakit wala sa pagdinig ang asawon nitong si Sarah Descaya.
15:37May heart condition din po siya at saka po, ano po, bali, nagpadala po siya ng letter po dito.
15:45Hindi ko lang po nabasa kung ano yung iba pang content.
15:47Pero hindi heart condition ang idinahilan ni Mrs. Descaya sa kanyang excuse letter sa Blue Ribbon Committee,
15:53kundi ang nakaschedule ng meeting niya sa kanilang mga empleyado.
15:57Mr. Chairman, with that letter, nagsisinungaling itong si Mr. Descaya.
16:00Iba yung sinasabi, miss mo na missis mo eh. Di ba kayo nag-usap?
16:04You lied. You lied.
16:06Paano pa kami maniniwala sa mga pinagsasabi mo?
16:10Humihingi po ako ng pasensya po sa inyo.
16:12Wala po akong intention talaga magsinungaling.
16:14Pero yung missis ko po kasi talaga ay madalas po siya.
16:17May sakit po talaga siyang diabetes at saka meron po talaga siyang hypertension.
16:22At katunayan nga po, marami po siyang mga maintenance po na gamot na ginagamit.
16:27Inisuhan din ang show cost order si Mrs. Descaya.
16:30Isa sa tinanong kay Mr. Descaya ay kung nagbabayad ba sila ng SOP o kickback
16:35para makakuha ng flood control project sa Quezon City.
16:38By your honor, wala po kami magawa kasi siyempre po natatakot kami
16:41dahil nagkaroon na po kami ng mga karanasan na may mutual terminate po
16:46at na may mutual terminate at saka nagkakaroon po ng right of way problem
16:52ang mga project po namin.
16:53Pero nagbabayad kayo, 10 to 25 percent sa Quezon City.
17:00Your honor, yes for your honor.
17:05Ayon kay Descaya, cash ang ipinambabayad nila at nakalagay umano sa paper bag.
17:10Saan niyo binibigay sa kanila ang pera?
17:12Kinukuha po minsan ng tao nila.
17:14Sino yung nila?
17:16Names please, names.
17:18Ah, yung mga nabanggit ko lang po dito, yung tao po nung nandito po sa apidibit ko.
17:24Tao nino to, mga kongresista, binanggit mo?
17:28Yes po, your honor.
17:30Ah, kongresista, tinatanong ko din yung DPWH officials na binabayarin niyo sa QC.
17:35Tumanggi si Descaya na sabihin kung magkano ang perang katumbas ng 10 to 25 percent dahil wala pa raw siyang witness protection.
17:43Ayaw rin niyang sabihin kung saan bangko siya nagwi-withdraw at kung gaano kalaki ang paper bags na pinaglagyan ng pera.
17:48Paano po nagkasha doon ang malalaking halaga ng pera?
17:53Sabi niyo, malalaking cash.
17:55Paano nagkasha sa maliliit at ordinaryong paper bags?
18:00Ah, your honor, I invoke my right against self-incrimination po muna.
18:04Wala pa po akong witness protection.
18:06Okay, for the record, Mr. Chair, ngayon lang ako nakarinig ng nag-invoke ng right against self-incrimination sa issue ng paper bags.
18:13Hinanap din ang mga senador kay Descaya ang sinasabi niyang ledger na naglalaman ng mga transaksyon umano ng mga humihingi ng kickback.
18:22Pero sabi ni Descaya,
18:24Nagbigay po kami ng sulat dito na hindi po namin po maipoprovide muna kasi wala pa po akong protection po.
18:35So hindi mo ibibigay mo sa amin, kailangan mo muna ng protection.
18:40Yes, your honor, para baka po magamit din po for self-incrimination po.
18:49Payo ni Senate President Tito Soto kay Descaya, pumingi siya ng legislative immunity.
18:54Inherent sa mga committees yung legislative immunity yung tinatawag.
18:59Kung meron kayong gusto ipagtapat, ipagtapat ninyo.
19:03Hindi pwedeng gamitin sa inyo pag sa hearing yung sinabi.
19:06There is no direct law, pero naging practice, implied, ang legislative immunity.
19:12Kailangan mag-tell all kayo kung kayo ibibigyan ng legislative.
19:16Samantala, aminado ang DPWH, posibleng umabot nga sa billion-billion o di kaya trillion ang nawawalang pondo sa gobyerno mula sa iba't ibang ghost flood control project.
19:27Sa loob lang ng dalawang linggo, nasa isang daang ghost at very substandard projects ang isinumbong sa kanila.
19:34Plano yung DPWH na bumuo ng transparency portal kung saan makikita ang mga iniimbestigahan nilang proyekto.
19:41Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
19:45Doble disgrasya ang sinapit ng isang dump truck na naunang bumanga sa isa pang truck sa Taguig.
19:52At nang hahatakin na sanang dump truck, kumalas ito sa tow truck at bumanga sa mga bahay.
19:58Saksi, si Darlene Kai.
20:03Mag-aalas 11 ng gabi nitong Martes, nang bumanga ang dump truck na ito sa isa pang truck sa General Santos Avenue, Taguig.
20:10Maya-maya, dumating ang isang tow truck para hatakin ang tumirik na dump truck.
20:14Kapansin-pansin hindi hamak na mas maliit ang sasakiyang magtotaw sa dump truck na punong-puno ng kargang buhangin.
20:21Nang magsimula na ang hatakan, biglang kumalas ang dump truck at bumulusok sa ML Quezon Avenue.
20:29Sa pool ang ilang bahay na agad nawasak.
20:31Pero huwag niyo, nag-isay na lang ako.
20:34Nandun yung aircon sa ulunan ko.
20:36Masakit pa yung ulo ko ngayon, yung ganito ko ngayon.
20:41Tapos, yung anak ko sigaw ng sigaw, kaya ako nag-ising.
20:44Kasi parang ninimatay ako na hindi ko maintindihan ma'am dun eh.
20:48Sugat sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan ang tinamo ni Carl at ng kanyang asawa na si Cheng.
20:53Nasyak ako dahil pagka ano ng truck, tumama yung truck sa rep namin.
20:59Yung rep naman, tumama sa sopa.
21:02Tapos yung sopa, tumama ho dito sa ano ko, Binte.
21:05Mabuti na lang daw at walang malalang nasugatan o nasawisa nangyari.
21:09Nang maialis ang truck noong umaga, ganito kalaki ang tumambad na pinsala.
21:13Wasak na wasak ang pader ng tatlong bahay.
21:16Nadurog ang mga gamit ng mga residente.
21:19Kahit ang ref na ito, tumalsik at nawasak.
21:22Agad naman daw rumisponde ang mga otoridad.
21:25Ayon sa barangay, nawala ng preno ang truck kaya bumanggasan na sa unahang truck.
21:29Nang subukan ng ito,
21:31Ayon sa isang safety expert, mali ang paraan at ginamit na pangto sa dump truck.
21:46Yung manner po, ang kailangan po tignan natin doon, yung truck po na hinihila plus yung load niya, medyo mas mahirap po yun patigilin or steer or patigilan.
21:59Kasi po, mas malaki po yung force na ma-degenerate doon.
22:02Nakikipag-ugnayan naman daw ang pamunuan ng towing company sa mga apektadong residente.
22:06Pero ayon sa tatlong apektadong pamilya, hindi raw sapat ang alok nilang isandaang libong piso para sa lahat ng apektado.
22:13Tulungan niyo po kami.
22:15Kasi po, agrabyado po kami dito sa pagtowing niyo.
22:19Naverwisyo po kami lahat po na trauma ng pamilya ko, ng anak ko, ng asawa ko, yung binigay niyo po sa amin.
22:28Nananaimig ko po binatutulog dito, yung towing, mali ang paggamit.
22:33Mali yung ginamit na towing nila.
22:36Tulungan niyo po kami.
22:38Hindi naman po papabaya ng kapitan natin.
22:42Lahat po na nga na tinutulungan po sa agot na makakaya ng barangay.
22:47Wala pang pahayag ang towing company sa pakikipag-ugnayan sa kanila ng GMA Integrated News.
22:52Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kayang inyong saksi.
23:02Nag-high ng konta sa Laysay si Gretchen Barreto.
23:04Huwag kagnay ng kinakaharap ng mga reklamo sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
23:08At dumating din ang kampo ni Atong Ang sa preliminary investigation pero walang inihain na konta sa Laysay.
23:14Sa unang araw ng preliminary investigation sa mga reklamo kaugnay ng mga nawawalang sabongero sa Department of Justice,
23:28pumarap ang isa sa mga respondent, ang aktres na si Gretchen Barreto.
23:32Sa lahat ng respondent, siya lang ang bukod-tanging nag-hain ng kontra sa Laysay.
23:37The accusations against Ms. Barreto stands on nothing.
23:41And if you look at the complaint activated, it is actually recognized.
23:45The accusations against her are actually recognized as allegations, unsubstantiated, unproven.
23:53We believe that if justice is to be followed, the complaints against Ms. Barreto should be dismissed.
23:58Matipid naman sumagot si Barreto.
24:00Do you think this investigation will be fair?
24:04I trust.
24:05Personal ring humarap si dating NCRPO Chief, Retired Police Lieutenant General, Jonel Estomo,
24:11sa panel of prosecutors pero hindi pa nagsumite ng kontra sa Laysay.
24:16What do you want to say about this? Ano pong gagawin niyo po ngayon dito, sir?
24:21Wala ang negosyanteng si Atong Ang pero kinatawan siya ng kanyang mga abogado.
24:25Hindi pa raw sila makakapagsumite ng kontra sa Laysay
24:28dahil kulang-kulang raw ang mga ebidensya at dokumentong pinadala sa kanila.
24:33Yung pinadala sa aming pitong folder, may dapat may nakasama na pitong USB.
24:41Pitong USB na may mga lamang data na may relevance dun sa inaakusa sa mga respondent.
24:50Lumalabas ko kanina na hindi na isama yung pitong USB na yun.
24:57Aming inutusan ang PNP na isubmit yung mga sinasabing USB kasi hindi kumpleto ang naunang naibigay.
25:07So ngayon nangako ang PNP sa 29 magsasubmit sila ng mga USB na hinihingi ng mga respondent sa kasong ito.
25:16Nakaharap si Naang, Pareto at anim na pong iba pa sa patong-patong na mga reklamong multiple murder, kidnapping with serious illegal detention at iba pa para sa pitong insidente ng pagkawala na mahigit tatlong pong sabongero mula 2021.
25:33Dumalo rin sa pagdinig ang mga whistleblower na si Julie Dondon Patidongan at kapatid na si Ella Kim.
25:39Pinanumpaan nila sa harap ng mga piskal ang kanila mga salaysay.
25:42Nag-submitin naman ang notaryadong affidavit ng isa pa nilang kapatid na si Jose na nasa pangangalaga ng Bureau of Corrections.
25:50Nanumpari ng kanilang salaysay ang mga kaanak na mga nawawala.
25:54Samantala, itinanggi ng kampo ni Ang na may kinalaman sila sa mga naarestong nagtanggang magpatra sa mga kaanak na mga nawawala.
26:02Paano ibibintang kay Mr. Ang isang bagay na hindi naman siyang akusado dun sa kaso na inaareglo?
26:07Kung sino man ay may motibo na mag-areglo ng kasong yun, yun dapat ay yung mga akusado.
26:14Walang iba yun kung hindi si Julie Patidongan.
26:16Ang tinutukoy nila ang gumugulong ng kaso ng kidnapping with serious illegal detention sa Manila RTC kung saan akusado si Patidongan.
26:26Nag-atrasan na ang mga pamilya na mga nawawala sa naturang kaso.
26:29That is very impossible na yung kliyente ko yung magbabribe ng kaso na yun.
26:35Alam naman natin na hindi talaga siya yung mastermind doon.
26:39In fact, inabogaduan siya sa kaso ngayon ng lawyers coming from Mr. Charlie Atong Ang.
26:46Ginawa na nga nila na gusto na nilang ubosin yung pera nila, diba?
26:51Una, doon sa pag-entrapment doon, yung ginawa naming entrapment doon na si Mr. Atong Ang mismo.
26:58At yung si Jaja, sa totoo lang, yung tatay ni Inunog, yung Inunog, sibut-sinunog, walang konsensya.
27:11Biruin mo, anak niya na mismo, mahirap magsalita.
27:15Talagang pera po ang pinapalakad nila para maabsuelto yung mga nagawa nilang krimen.
27:19Pinapatunayan lang po nun na meron talagang kasalanan yung mga tao, mga finail na kasuhan namin.
27:29Kasi bakit sila mag-aareglo ng ganun kung mga ano talaga sila, inosente sila.
27:34Kasunod ang pagkakaaresto ng ilang nagtangkang patrasi ng isa sa kanila,
27:38buo ang loob ng mga kaanak na mga nawawalang sabungero na hindi nila iaatras ang mga reklamo.
27:44Sana yung mga naareglo na, huwag na kaming pigilan, huwag na kaming pigilan na kumanap kami ng mustisya.
27:58Dahil ito na ang pagkakataon natin na magkaroon ng mustisya at malaman kung sino talaga ang tunay na mastermind.
28:11Yung kalaoban namin ang susundin namin, mininsan hindi po kami magpapabayan.
28:18Para sa GMA Integrated News, salima refra ng inyong seksi.
28:22Apat ang patay sa matinding pagbaha sa Valencia City sa Bukidnon.
28:27Anim na iba pa ang nawawala.
28:30Saksi si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
28:32Malakas ang hampas ng alon at mataas ang baha sa Braque Poblacion sa Valencia City, Bukidnon.
28:47Ang mga residente, napigilan pa ang isang motoristang tatawid sana sa spillway.
28:53Labis naman ang hagulgol ng babaeng yan na balot sa putik, matapos anuri ng baha ang kanyang anak.
29:08Sa lawak ng baha, umapaw ang tulay at strandin ang mga residente.
29:15Abot baywang naman ang baha sa isang unibersidad sa Bayan ng Maramag.
29:19Binaha rin ang ilang boarding house sa lugar.
29:22Sa taas ng baha, halos matabunan na ang motorsiklong yan.
29:27Stranded tuloy sa classroom ang ilang estudyante.
29:34Pagkupa ng baha, tumambad sa mga residente ang bangkay ng isang bata na natabunan na ng putik.
29:42Tanaw rin ang danyos na iniwan ang baha.
29:44Tulong-tulong naman ang mga otoridad sa search and rescue operations sa iba't-ibang lungsod.
29:52Maraming recommendations and then maybe we will declare a state of calamity sa syudad dito sa Valencia.
29:59Kasi nag-motion na yung LDR na mag-state of calamity kami para mag-agapan at saka magkag-produce kami na more goods sa aming mga constituents.
30:11Sa tala ng Valencia City, DRRMO, nasa apat ang nasawi sa pagbaha.
30:17Anim naman ang patuloy na pinagahanap.
30:20Apektado naman ang mahigit tatlong daang pamilya mula sa barangay poblasyon, barobo, lumbo, bagong taas at sugod.
30:29Para sa GMA Integrated News, Cyril Chavez ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
30:37Saksi!
30:39Pinaghahandaan ang iba-ibang bahagi ng Northern Luzon ang pagdating ng bagyong Nando.
30:44Sa Cagayan, kabado ang ilang nakatira sa tabing ilog, lalot nasira ng mga nagdaang bagyo, ang dikes sa kanilang lugar.
30:50Saksi! Siniko Wahe.
30:56Naghahanda na mga residente ng Gonzaga, Cagayan sa pagdating ng bagyong Nando.
31:00Gaya ni Abigail na nakatira sa tabing ilog, na inihanda na mga bibit-biting gamit kung sakaling lumikas.
31:06Ano pa, patuloy po yung buhus ng ulan po nito.
31:11Before pa po nito, wala pa yung mirasol po, uulan na po kasi.
31:16Naghanda-handa na po kami.
31:18Ito na raw ang kanilang ikalawang bahay mula ng wasakin ng dati nilang bahay sa kasagsagan ng bagyong Ofel noong 2024.
31:24Dati-dati may tatlong bahay na nakatirik dito sa bahaging ito ng Riverside, dito sa Barangay Bawa, Gonzaga, Cagayan.
31:32Pero nang dahil sa bagyong Ofel noong nakarantaon at sa bagyong krising nito lang Hulyo,
31:37ang mga bahay tuluyan ang nawala at ang isa sa kanila, eto na lang ang natira.
31:42Labis tuloy ang nararamdamang takot ng mga residente na nakatira sa gilid ng ilog
31:46dahil tuluyan ang gumuho ang diking proteksyon sana sa baha.
31:50Tagabi, sir, lakas ng ulan.
31:52Tapos bandang mga 12 siguro, sir, nung nakita namin, ganyan na.
31:57Alalaglagan na yung mga tinabon dati, sir, nung nakarang buhagan niya tayo, sir.
32:02Nakakatakot po yung tunog ng rumaragasang tubig.
32:05Ilang bagyo na kasi dumaan, eto wala man lang gunaas sa kasod.
32:11Dating may dike sa bahaging ito ng ilog, dito sa may barangay Bawa sa Gonzaga, Cagayan.
32:16Pero nandahil sa bagyong ofel noong nakarantaon at bagyong krising nitong Hulyo,
32:21tuluyang nasira ang dike.
32:22At kagabi lang, mas nagdagan yung takot ng mga residente
32:25dahil itong bahagi naman na ito ay tuluyang gumuho.
32:29Ayon sa barangay, nakipag-uusap sila sa munisipyo para magawa ang dike.
32:32Baka simulan na po nitong 2026 po, yun lang po naman ang sabi sa amin.
32:38So, umaasa kami na sana po matuloy na.
32:46Naghahanda naman ang mga otoridad ng mga solar panels na ilalagay sa mga evacuation center.
32:51Nakahanda na rin ang mga paunang relief goods, hygiene kits at mga lutuan.
32:55Bantay sarado naman ang mga nasa coastal areas at tabig-ilog.
32:58Kumbaga, island barangay na surrounded by water kasi yan sa Babuyan Channel,
33:04saka Bugay Lagoon and Mission River.
33:07Tsaka Buhanginan kasi yan, walang mataas na parte siya.
33:11Pansamantala namang hindi madaanan ang pinakanawan overflow bridge sa Tuguegaraw City matapos bahain,
33:17kaya inabisuan ang mga otoridad na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
33:21Umapaw rin ang tubig kaya binahari ng Anafunan Bridge sa Echagisabela,
33:25gayon din ang Gukab Overflow Bridge.
33:28Nagkaroon naman ang clearing operation sa bayan ng San Agustin ang gumuho ang lupa sa barangay Bautista.
33:34Sa bayan ng Kabatuan, inilika sa barangay Lapaz ang mahigit 70 residente na nananatili ngayon sa evacuation center.
33:42Nasa isang daang bahay naman ang binahamula sa 6 na barangay sa kasiguran Aurora.
33:46Ang ilang kalsada nagnistulang lawa dahil sa taas ng baha.
33:49Nakataas na sa red alert status ang Pangasinan PDRRMO bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Nando.
33:56Nakahanda na rin ang mga gagamitin nilang rescue equipment.
33:59Sa bayan ng Binmali, sinamantala na ng mga residente sa barangay San Isidro Norte ang pangingisda.
34:05Bayan ng PDRRMO sa mga lokal na pamahalaan, magpatupad ng preemptive evacuation kung kinakailangan.
34:10Para sa GMA Integrated News, ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
34:16Igrayat ni Congressman Paulo Duterte na walang ghost project sa Davao City.
34:21Bilang tugon po yan sa patutsada ni Congressman Sandro Marcos na malamang hinaharap ni Duterte ang 51 billion pesos na ginasto sa kanyang distrito kaya hindi ni magpapakita sa mga sesyon ng kamera.
34:32Sabi ni Duterte, nilinaw na ng DPWH Region 11 na may pinaglaanan nga o properly accounted for ang 49.8 billion pesos na halaga ng mga proyekto.
34:46Dagdag ni Duterte, hindi na siya dumadalo sa sesyon, hindi dahil sa kapabayaan, kundi dahil hindi na niya matagalan ang umanoy katiwalian sa kamera.
34:55Sama-sama ulit sa isang proyekto ang mga ex-PBB housemate.
35:04Sa Oktubre, magsisimula ng taping para sa The Secrets of Hotel 88.
35:09Narito ang showbiz saksi ni Aubrey Carampert.
35:15Yes, ba?
35:16Ito nangyayos kami ng Hotel 88!
35:19Muling magsasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Housemates sa isa na namang big collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Studios,
35:32ang The Secrets of Hotel 88.
35:34Tapok dyan si na PBB big winners ang Mika Salamangka at Brent Manalo.
35:39Will Ashley, Ralph DeLeon, Esnir, AZ Martinez, River Joseph, Dustin Yu, Bianca Devera, Josh Ford, Kira Ballinger, at Cyril Manabat.
35:53Dream come true raw ito para sa former housemate.
35:55Lagi namin na pag-uusapan na sana magkaroon kami ng teleseryo na magkakasama together paglabas ng bahay ni Kuya.
36:02Now na nangyayari na siya, ilunook forward ka na talaga na mag-taping kami.
36:05Super blessed po and grateful na kami po yung magtatrabaho po kami once again.
36:13Na-extend po kami, kumbaga reunion yung nangyayari.
36:16At para paghandaan ang bagong proyekto, sumang ilalim din sila sa workshop.
36:20Sobrang grateful kami na nabigyan kami ng chance na mag-workshop and matuto,
36:26i-unlock yung mga skills and mag-explore pa ng mga bagong techniques.
36:31Parang nakikita na po namin yung magiging dynamics namin kahit na parang teaser pa lang po siya sa magiging work namin sa lock-in.
36:38Paano rin itong warm-up for when we shoot the show?
36:42Perfect casting nga raw kung ituring ni Mika ang project.
36:45Lalo't komportable na sila sa isa't isa.
36:48Yung nabuild po namin sa loob ng bahay ni Kuya, pwede po namin siyang i-showcase dito sa bagong palabas na po na to.
36:54Taus-pusong pag-insayo para dito kasi yun nga daming-dami kailangan paramdaman na emosyon,
37:03yun nga family drama, mystery, love, friendship, and a lot more.
37:08Excited na rin ang lahat na magtrabaho.
37:10This time, hindi para ipakita ang kanilang totoong sarili, kundi ang kanilang galing sa pag-arte.
37:16It's gonna be thrilling, lot of love stories, and all about friendship also.
37:23So, a lot of elements yung mangyayari sa show na to.
37:28Working with GMA is always such a pleasure.
37:32So, to be able to be part of such a collaboration,
37:37it's isa siyang malaking privilege bilang isang artista.
37:42This October na magsisimula ang taping para sa collab project.
37:47Once we get the full script na po talaga, that's when we can really dissect the character and the story po.
37:53I think it'll be fun. Yes, it's worked, but we'll still try to enjoy para maganda yung mapakita on screen.
38:00Sa lahat na naghihintay para sa project namin na to, ito na yun.
38:03It's coming soon.
38:05We are going to prepare so hard for this.
38:07Abangan nyo yan. It's gonna be a good one.
38:08Para sa GMA Integrated News, Obre Carampel, ang inyong saksi.
38:16Bago sa saksi, nasunog ang paupang bahay sa Barangay Kalsada at Pipas sa Taguig City na may dalawang palapag.
38:24Mag-alas 80 yan ngayong gabi.
38:27Ay sa City Social Welfare and Development, 6 na pamilya ang apektator.
38:31Sa kasamaang palad, 4 na alagang aso ang namatay.
38:35Alas 9 ng gabi ng maapulang apoy.
38:37At patuloy ang imbesigasyon ng BFP.
38:44Gumaripas ng takbo ang mga polis na yan para arestuhin ang dalawang lalaki sa Navaleta, Cavite.
38:49Inireklamo sila dahil umano sa sapinitang pagpasok sa isang bahay at panununtok ng baril sa magka-live-in partner.
38:56Ayon sa babaeng biktima, dati niyang kinakasama ang isa sa mga suspect.
39:00At sinisingil daw siya nito ng maygit 200,000 piso pero itinanggi ng biktima na may utang siya sa suspect.
39:07Umamin ang dalawang suspects na nagawa at inamin ding nag-droga sila bago pasukin ang bahay.
39:12Palayo na po na Pilipinas ang bagyong Mirasol na lumakas pa bilang tropical storm na may international name na Mitag.
39:21Birabate naman sa lub ng PAR ang bagyong Nando na posibleng umabot sa Super Typhoon.
39:27Uli itong namataan sa layong 1,175 kilometers silangan ng Central Zone.
39:32May lakas ito ng hangin na aabot ng hanggang 65 kilometers per hour at bugso nga aabot ng 80 kilometers per hour.
39:39Mabagal ang kilos nito, pahilagang kanluran.
39:42Sa latest track ng pag-asa, kikilos ang bagyong Nando sa hilagang kanluran o kanluran-hilagang kanluran sa mga susunod na oras.
39:50At pagsapit ng weekend, magiging mas pakanluran pa yung galaw nito at mas lalapit na sa extreme northern Luzon.
39:57Dahil magtatagal sa dagat, lalakas pa ang bagyong Nando na may chance na maging Super Typhoon.
40:02Posible itong mag-landfall o dumikit sa Babuyan Islands lunes ng gabi.
40:06Sa ngayon, posibleng palakasin ang bagyong Nando ang habagat.
40:09At may kaunting epekto pa naman ang buntot ng bagyong Mirasol sa ilang bahagi ng hilagang Luzon.
40:14Muling magsasama-sama ang Sex Bomb Girls sa isang konsert sa Disyembre.
40:25Ito na ang pinakihihintay na reunion ng OG girl group sa bansa.
40:31Napunong ng tawanan at asaran ang kanilang photoshoot.
40:34At lubos ang pasasalamat ng Sex Bomb Girls dahil kahit magigit dalawang dekada na ang nakalipas,
40:42hindi pa rin daw sila nalilimut ang kanilang fans.
40:45Sana yung legacy na iniwan ang Sex Bomb noong 2000,
40:54nakasabay namin ang mga millennials,
40:56e maipasa sa Gen Z hanggang Gen Alpha.
41:04Mga kapuso, salamat po sa inyong pagsaksi.
41:06Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
41:13Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
41:17Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging.
41:21Saksi!
41:36Mga kapuso, maging una sa Saksi.
41:48Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
41:52Mga kapuso, maging una sa Saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended