Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Limpak-limpak na pera ng taong bayan na nagamit umano sa katiwalian ng ilang nasa likod ng maanumalia umano flood control projects sa bansa.
00:09Mula sa National Expenditure Program hanggang sa General Appropriations Act,
00:13bubusisiin kung paano isinisingit ang dagdagpondo sa mga proyekto.
00:18Narito ang special report ni Maki Pulido.
00:25Saan nagsisimula ang korupsyon? Sa mga flood control projects.
00:28Sa NEP pa lang ba, Mayor, may nagpapantay ng contractor?
00:33Oo naman, meron na. Meron ng sabuatan ng mga contractors, pati mga DPWH.
00:43NEP o National Expenditure Program ang panukalang budget na inihahanda ng Department of Budget and Management o DBM.
00:51Lahat ng mga department at ahensya nagsusumite sa DBM na mga gusto nilang proyekto at budget.
00:59Dahil may sabuatan umano ang mga politiko, DPWH at mga kontratista, dito pa lang daw, nakakapagsingit na,
01:07sabi ng ilang civil society groups na nagbabantay ngayon sa budget deliberations.
01:11Yung ibang congressman or contractor na matatalino o mautak, siguro ang gagawin na nila ay para hindi mahalata na through insertion.
01:20Sa NEP pa lang, isasama na nila yung project na.
01:23Ang NEP, isusumite ng DBM sa kamera.
01:26At dito, may naggaganap umano ulit na hokus-pokus.
01:30Sa rules ng kamera, kung pumasa na sa plenario ang isang panukalang batas, tulad ng national budget, hindi na pwedeng amyandahan.
01:36Pero sa kamera, kahit pumasa na sa second at third reading, binigyan ng otoridad ang tinatawag na small committee para galawin ito.
01:44Ito raw ang ikalawang insertion.
01:46Ang small committee noong 2025 budget ay sin Ako Bicol Partylist Representative Zaldico, dating chair ng House Committee on Appropriations,
01:56dating Marikina Representative Stella Kimbo, dating House Majority Leader Manuel Dalipe, at dating House Minority Leader Marcelino Libanan.
02:04Sa 2025 budget, ayon kay Navotas Representative Toby Tshanko, si Zaldico ang proponent ng mahigit 13.8 billion pesos na flood control project sa iba't-ibang distrito.
02:18May tawag si Tshanko sa ilang paraan kung paano nakakapag-singil ng pondo sa budget.
02:23Ang parking at ang sagasa.
02:26Ang parking po, Your Honor, is nakiusap ka dun sa District Congressman, kumayag yung District Congressman.
02:35Yung sagasa po, Your Honor, is wala kang magagawa sa ayaw mo't sa gusto.
02:39Mula sa kamera, ipapadala ang panukalang budget sa Senado para sa panibagong round ng deliberasyon at pag-amienda.
02:46Para mapag-isang House at Senate version ng budget, bubuo ng bicameral conference committee.
02:51Sabi ni Tshanko, hanggang dito, may nagaganap na pangmamadji.
02:56Kaya makikita mo siyang insertion kasi siningin tapos pumunta doon sa ibang distrito na hindi naman re-request ng congressman.
03:07Kung pasado na sa kamera at Senado, lalagdaan na ito ng Pangulo at tatawagin ng General Appropriations Act o GAA.
03:14Sabi mismo ng Congressional Policy and Budget Research Department ng Kamara,
03:19ang ending ng proseso, nagiging higit na mataas ang budget ng DPWH sa GAA kung ikukumpara sa unang hinihingi sa NET.
03:28Ganyan ang nangyari noong 2021 hanggang 2025.
03:32At itong 2025 nga, ang halos 900 billion pesos na hinihinging DPWH budget sa NET naging mahigit isang trilyong piso pagdating sa GAA.
03:45Sa oras na isang line item na, pwede nang simulan ng DPWH ang bidding para sa proyekto.
03:51Na ayon kay Baguio City Mayor Benji Magalong, kadalasan ay moro-moro.
03:56Even before the bidding, alam na kung sinong panalo.
04:00Ang unang qualification ng mananalong bidder is, sino ba ang pinakamalaking magbigay ng porsyento?
04:08Ang next na parameter, sino sa inyo makapagbibigay ng pinakamalaking advance?
04:14Iba't iba ang modus ng bigayan ng kickback.
04:16Pwede raw na ang kontraktor magbibigay sa proponent o politiko,
04:20o kaya taga DPWH ang kukolekta para ibigay sa politiko.
04:24Can you tell us, before this committee, kung gaano nakalaki ang dinalang pera ni Sally Santos sa office mo?
04:33Mula po noong 2022, billion na po.
04:38Pwede rin ang politiko na mismo ang kontraktor, o kaya ang taga DPWH, kontraktor na rin.
04:45Kaya bibigyan na lang niya ng SOP ang politiko at babayaran ang nirentang lisensya ng construction company.
04:51Si Engineer Bryce Erikson po at si JP Mendoza, nagpapairam na po sila ng lisensya sa akin.
04:57So ako naman po, nagtiwala po dito sa dalawa na to, na humana po ng lisensya na gagamitin po sa mga proyekto nila.
05:08E iisipin ko po ba na isa po opisya ng DPWH na nire-respeto ay gagawa po ng ghost project.
05:15May porsyento rin ang congressman na pinaradahan ng inserted project na kung tawagin ay parking fee o pass-through.
05:26Dahil sa hatian sa pera ni Juan, may mga ghost project o kaya substandard na flood control project.
05:32Dahil swerte na kung may matirang 30% para ipatupad ang isang proyekto.
05:37Maraming scheme eh, kasi bulky yung peso.
05:41Kumisan, ang gusto na ng funder is, i-convert mo na into, deliver mo na into dollars, euros, kung anong denomination.
05:52Trivia time! Alam nyo ba kung gano'ng kabigat ang isang bilyong piso?
05:56Ang bawat isang perang papel, tinatayang nasa isang gramo ang bigat.
06:01Kung tig isang libong piso yan, kailangan ng isang libong piraso ng 1,000 peso bills para makabuo ng isang milyong piso.
06:09Kaya ang isang milyong piso, tinatayang nasa isang kilo ang bigat.
06:13At ang 1 billion pesos, nasa humigit kumulang isang tonelada.
06:18Talagang heavy gut.
06:19Ayon sa People's Budget Coalition, insertions ang pinalit ng mga nasa gobyerno nang tanggalin ang pork barrel noong panahon ng Aquino administration.
06:29Nagsimula raw lumobo ang insertions noong 2018.
Be the first to comment