Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:06Sumalang sa budget hearing sa camera ang revised budget ng Department of Public Works and Highways para sa 2026.
00:13Umalmang ilang kongresista ng tanggalin ang budget para sa flood control projects sa kanilang distrito.
00:19May unang balita si Joseph Moro.
00:20Mula sa orihinal na P881.3 billion, P625.78 billion na lamang ang budget na hinihingi ng Department of Public Works and Highways sa 2026.
00:38Tanggal ang P252.53 billion na halaga ng mga lokal na flood control projects na gobyerno ang nagpupondo.
00:44Ang tiniralamang ay ang P15 billion na halagang sagot ng gobyerno sa mga foreign assisted flood control projects tulad ng Pasig Marikina Rehabilitation Project.
00:56May bahagi kasi ng pondo para dyan na inutang sa ibang bansa at obligadong tapusin bukod pa sa mahigpit na binabantayan ng mga nagpautang.
01:04Tapusin na lang muna natin yan. Ayusin po natin ang mga ginagawa nating ongoing na flood control all over the country.
01:11For 2026, zero muna tayo.
01:16Ito na ang pinakamababang budget ng DPWH na isinumite sa kongreso simula noong taong 2020.
01:23Wala muna ang pondo para sa mga flood control projects hanggat hindi na sosolusyonan ang problema.
01:29Pero paano ang mga pagbaha na nangangailangan ng aktual na solusyon?
01:33Sabi ni Dyson, may mga flood control projects naman na napondohan noon pan-2024 at ngayong taon.
01:39Tanong ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice, paano ang pondo sa dredging sa kanilang lugar na isa sa mga nasagasaan?
01:48Unfair naman po yun.
01:51Yung po eh matagal naging hintay.
01:54Tapos ang magihirap ngayon yung mga kababayan nating babahain sa susunod na taon.
02:05Ayong kikagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez natanggal din ang pondo para sa bypass road sa lugar nila.
02:13I am asking, appealing to the Secretary, can you restore this?
02:18I think it was looked at as multiple packages. We will find a way to restore this.
02:23Umaasa pa rin ang mga kongresista na uubra ang pagbabalik ng pondo kung hindi naman anila para sa flood control.
02:30Wala nang mga pag-singin sir?
02:33Yun ang instructions.
02:35Yun lang kailangan natin bantayan. Kung may babalik man, kung saan man mapunta, kailangan ma-verify na yun talaga yung kailangan.
02:42Ang pagdatapyas ng pondo para sa mga flood control project alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na is zero budget ang mga proyekto kontrabaha sa 2026.
02:53Sa susunod na taon din, target ma ilabas ang flood control master plan para sa Metro Manila.
02:58So magkakaroon din ng master plan for the entire country.
03:02Yun po ang plano natin, Mr. Chairman.
03:05Marami po sa mga nakita natin ngayong mga proyektong may problema dito sa flood control specifically,
03:12e mga proyekto po na wala man lang ni plano.
03:15Kahit anong detailed engineering design, kahit anong feasibility study, wala man lang po.
03:20At ang commitment po at ang gusto pong mangyari ng ating Pangulo ay hindi na po mauulit yan.
03:25Itinuro naman ng ilang kongresista ang umano yung small committee sa Bicameral Conference Committee kung saan umano nadagdag ang 289 billion pesos na budget ng DPWH sa 2025.
03:38Nang unang dumating daw ang 2025 National Expenditure Program ng DPWH,
03:42ito ay nasa 898 billion pesos lamang.
03:47Pero sa kongreso ay bumaba pa ito ng 825 billion pesos.
03:52Nang dumahan daw ito sa Bicam ay tumaas ito bigla sa 1.13 trillion pesos.
03:58Ang malinaw dito, ang insertions o paglobo o pagsingit nangyari sa Bicam.
04:07Hindi sa small committee, dito sa House of Rep.
04:09Bukas ba ang departamento na i-identify kung sino ang sponsor ng bawat amendment dyan?
04:19Pwede ba lahat ng pagbabago dyan i-identify at isa publiko?
04:24Okay ba kayo doon?
04:25Tingin ko po ang magandang ideya po yan.
04:28Dapat.
04:30Isa publiko yan.
04:32Kasi masyado ng maraming tinatamaan na hindi dapat tinatamaan.
04:36Tinanggap naman na ni Dison ang courtesy resignation ni DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
04:43Si Cabral ang sinasabi ni Sen. Panfilo Laxon na nag-uudyok umano kay Sen. Tito Soto
04:48na maglagay ng budget insertion sa 2026 proposed budget.
04:52Ang sabi ni Laxon, itinanggiraw ito ni Cabral kay Secretary Dison ng tanungin.
04:57Sabi ni Cabral, handa siyang saguti nito sa pagdinig.
05:01Ito ang unang balita. Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
05:05Gusto mo bang mauna sa mga balita?
05:08Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment