00:00Samantala, magpapatuloy rin ang libreng sakay ng pamahalaan para sa mga apektado ng kilos protesta ng iba't ibang grupo.
00:06Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:10Libreng sakay ang handog ng ating pamahalaan para sa ating mga kababayang commuter
00:15na maiipit sa isinasagaw ang kilos protesta ng ilang grupo ng transport sector
00:22mula ngayong araw na tatagal hanggang September 19.
00:26Ayon kay LTFRB Chairman Chofilo Guadiz III,
00:30nagpapatupad sila ng libreng sakay sa tulong ng mga government vehicle,
00:35military truck, bus at modernized public utility vehicle upang matugunan ang pangangailangan ng publiko.
00:42Tinitiyak naman ang MMDA na may mga nakahanda silang sasakyan na maaaring gamitin kung kakailanganin.
00:49Sabi ng ilang commuter, naunawaan nila ang sentimiento ng mga transport group
00:54pero sana ay hindi ito maging dahilan para magdulot ng kalbaryo sa kanilang mananakay.
01:00Ang ano po, tigilpasada, kaya ang hirap magsumakay po.
01:06Madalas po may mga DIP na nag-aantay din kapag ano, pag wala po naman po transverse, right?
01:11Ayan po medyo mahirap po kasi ang dami po nag-aagawan saan.
01:14Sana lang po may mapanagan na po sila.
01:17Sana naman po magawa naman nila ng aksyon yung mga ganyang corruption
01:22kasi gawawa naman po tayong mga mahihirap, lalong mahirap po para sa mahirap.
01:29Sila po yung nagpapakasasa sa mga ano, sa budget, kaya sila po yung yumayaman lalo.
01:39Pero hindi lahat ng mga tsuper sumama sa kilos protesta.
01:43Ang ilan, hindi maiiwanan ang kanilang hanap buhay para suportahan ang kanilang pamilya.
01:49Kailangan ko ng pera eh, tsaka wala rin kami magagawa dyan.
01:54Sila na lang muna kung sakasakali.
01:57Kasi walang pera, hirap eh.
01:59Ang hirap ngayon, walang pera.
02:00Bukod pa dyan, ilang mga local government agency din ang nagbigay ng libring sakay.
02:05So today po, ang libring sakay po namin started this morning, 7am,
02:11hanggang, ito po, kababalik lang po nila.
02:14From dito po sa amin, sa may Robinsons, Road 3, sa Road 8 area, which is mostly dyan po marami ang tao.
02:22Ayon sa local at national government units,
02:25hindi lang sa mga panahon ng kilos protesta maaasahan ang libring sakay,
02:30kundi pati na rin sa oras ng sakuna tulad ng bagyo at matitinding pagbaha.
02:36Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.