00:00Isa pang mainit na balita,
00:02bumaba sa mahigit 625.78 billion pesos
00:05ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways
00:08para sa 2026.
00:10Batay sa sulat ni Secretary Vince Dizon
00:12sa House Committee on Appropriations,
00:14mahigit 255 billion pesos ang tinapyas
00:16sa bagong proposed DPWH budget.
00:19Katumbas siya ng halos 29% ng orihinal
00:22na panukalang 2026 DPWH budget.
00:25Ayon kay Dizon,
00:26tinanggal lahat ng locally funded flood control projects
00:29alinsunod sa utos ng Pangulo.
00:31Inalis din ang mga proyektong na doble o na kompleto na
00:34pero nilaanan pa rin ang pondo sa 2026.
00:38Inirekomenda ni Dizon na ilaan ang tinapyas na pondo
00:40sa iba pang sektor gaya ng agrikultura,
00:43edukasyon at kalusugan.
00:45Sumasala ngayon ang DPWH sa budget hearing sa Kamara.
Comments