Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lumanala lang siguro tuwing Christmas rush, pero all year round naman talaga ang traffic sa bansa.
00:083.5 billion pesos pa nga ang nalulugi sa ekonomiya ng Pilipinas dahil dyan,
00:13ayon sa Foreign Aid Agency na Japan International Cooperation Agency.
00:18Pinalalala pa ang traffic pag may mga binabahang kalsada.
00:22Sa Metro Manila, isa sa nakatokang mag-ayos sa traffic at sa baha ang Metro Manila Development Authority o MMDA.
00:28May pondong inilaan para dyan, pero hindi lubusang nagamit noong 2024?
00:33Yan ang lumabas sa audit report ng Commission on Audit sa mga gastusin ng MMDA noong 2024.
00:40Natunayan, mahigit 1 bilyong pisong pondo ng MMDA noong nakaraang taon ang hindi nagamit.
00:45Bukod sa mababang budget utilization, sunod-sunod ayon sa COA ang mga naantalang traffic management at flood control projects.
00:52Ayon sa COA report, sa kabuo ang 11.8 billion pesos na budget ng MMDA, 91.30% ang naobliga o'y pinangakong gagamitin sa mga proyekto,
01:02pero 75.25% lamang ang nailabas o nagastos.
01:07Ang sanhiraw nito ayon sa COA ay ang pagkaantala ng mga proyekto at proseso ng procurement,
01:13kabilang na ang bidding, pagkuhan ng contractors at pagbili ng mga kagamitan.
01:17Ang resulta, naantala rin ang serbisyo para sa publiko.
01:21At may banta rin ang pagbalik ng pondo sa National Treasury.
01:25Ibig sabihin ito, oras na maibalik sa National Treasury, hindi na ito magagamit pa ng MMDA sa kanilang mga proyekto.
01:33Sa traffic management projects, hindi nasunod ang target schedule sa annual procurement plan,
01:38kaya kinailangang mag-request na extension para hindi maglaps ang pondo.
01:42Sa flood control projects, labim-pito ang tuloy naman, pero may zero disbursement rate
01:47o hindi pa nagbabayad sa contractor dahil hindi sila nagsusumitin ng billing o kulang sa dokumento.
01:53May inutang ding pondo para sa Metro Manila Flood Management,
01:56pero 40.40% lang ang nagamit para sa Phase 1 hanggang October 2024,
02:01kaya nagbayad pa ang gobyerno ng P37.4M mula 2018 hanggang 2024 bilang multa sa hindi paggamit sa pautang sa oras.
02:11May 29.57M na pondo ang hindi pa rin nagagamit.
02:16Sa 68 proyekto, may 40 dipa tapos noong panahon ng audit,
02:20bukod pa sa limang dipa na ipatutupad dahil sa pumaliang bidding.
02:24May 21BP projects din na delayed dahil sa kahinaan sa interagency coordination,
02:30external disruptions, and permit issues.
02:326 na P700M project naman ang hindi natapos noong 2024.
02:37At may halos P30M na advance payment ang hindi nabawi mula sa mga kontraktor
02:43ng mga proyektong tinerminate o inabandon na na.
02:46Sabi ng MMDA nang hingan namin ang pahayag,
02:48hindi na sila magbibigay ng komento dahil nasa COA report na rin
02:52ang sagot nila sa mga obserbasyon ng COA.
02:55Sabi nila tutugunan nila ang mga kakulangan at patitibayan ng monitoring,
02:59procurement efficiency, at coordination na binuna ng COA.
03:02Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended