Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung hindi maayos ang sistema ng DPWH, isusulong daw ni Senate Committee on Finance Chairman Sen. Wynn Gatchalian na hindi napondohan ang flood control project sa susunod na taon.
00:13Tutol naman dyan ang isang kongresista.
00:15Balitang hatid, D.Mav Gonzalez.
00:20Kung lalagyan mo ng pondo, tapos ganyan pa rin, nandiyan pa rin yung sindikato, nandiyan pa rin yung imparator, parang tuloy ligaya lang yung mga mayares.
00:29Naniniwala si Senate Finance Committee Chairman Sen. Wynn Gatchalian na may sindikato sa flood control projects.
00:36At kung hindi aniya maayos ng DPWH ang sistema, hindi na nila po pondohan ang flood control sa 2026.
00:43Re-review namin proseso. Gagayang nasabi ko, kung ang proseso ay maluwag, aabusuhin at aabusuhin yan ng mga kontraktor at ng sindikato.
00:53Titignan aniya ng Senado kung paano napopondohan ang mga proyektong ito at kung umpisa pa lang ay may usapan na sa kontraktor.
01:00Dapat rin na higpitan yung pagbibigay. Embigidin kasi natin, Igan, mano-mano eh.
01:05Kailangan gumamit na ng bagong teknolohiya, lahat internet na para wala ng human intervention.
01:11Ani Gatchalian, tiyak na may mananagot pagkatapos ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
01:16Tutol naman si Bicol Saro, Partilist Representative Terry Rido na i-zero ang budget sa flood control sa 2026.
01:23Pagka siniro mo yung flood control, for next year, eh di kawawa ko yung mga nasa mga kailugan.
01:30We have to be a bit more reasonable in all of these things.
01:35Kasi nga, again, we have to state it clearly, flood control is something that is fundamental for climate risk communities.
01:46Sabi ni Sen. Ping Lakson, nakilahok na ang publiko sa pagre-report ng substandard at ghost projects.
01:52Ang huling pagsubok, ang kasiguraduhang may mapaparusahan.
01:56Sana raw may malaking tao na makasuhan at makulong para huwag na pamarisan.
02:01Dahil kung wala, mawiwili ang dating gumagawa at mahihikayat ang di-dati gumagawa.
02:06May isiniwalat naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong tungkol sa mga anyay request at reklamo ng mga kongresista
02:13pag nagsimula ang deliberasyon ng national budget sa Kamara noong nasa PNP pa siya.
02:18Tigla kami makakatanggap ng message sa taas, sasabihin ako, puntahan nyo na yung mga kongresman
02:24at tanungin nyo na kung ano yung mga kagustuhan nila, ano yung mga complaint nila.
02:27Yung mga maayos na kongresman, maayos ang mga tanong, maayos ang mga kahidingan.
02:33Kaya rin mga may kalokohan ay puro parokyal concerns yun.
02:40Kaya kung baga paano ito pobots yung kanilang sariling interes pa.
02:45Walang partikular na sinabing request si Magalong.
02:47Dagdag ni Magalong na convener din ng Mayors for Good Governance pag budget hearings.
02:52Hinihingi lang umano ng mga kongresista ang pansariling interes.
02:56Nag-uusap rin kami mga mayors, pati na rin sa League of Cities, pati mga kasamahan namin dyan sa League of Municipalities.
03:04Kadalasan, isa lang ang complaint eh. Walang konsultasyon sa local government.
03:08Gumagawa ng project itong mga tiwaling kongresman. Yun ang nasusunod.
03:13Nag-uusap-usap na raw ang samahan ng mga alkade sa sunod nilang gagawin.
03:17Matapos sabihin ni Sen. Laxon na may mga senador at kongresista ang may kinalaman umano sa mga flood control project.
03:23Handa rin daw si Magalong na humarap sa pagdinig ng kamara ukol sa flood control projects.
03:29Sa susunod na dalawang linggo, inaasahan ang pagdinig ng House Tri-Comity hindi lang sa flood control projects,
03:35kundi sa iba pang palyadong infrastructure projects ng gobyerno, kabilang ang Kabagan Bridge at Benguet Rockshed.
03:41Sana raw kung may whistleblowers ay tumistigo roon at magbigay ng ebidensya.
03:45In the event na mapangalanan po ang kahit sinong senador, kahit sinong kongresista,
03:52sa mga usapin po na ito, bibigyan po sinang karapatang magpaliwanag, sumagot sa komite.
03:57Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended