00:00Natapos kaninang madaling araw ang talakayan ng Bicameral Conference Committee sa 6.793 Trillion Pesos na panukalang budget para sa 2026.
00:10Ang DPWH budget na dahilan ng pagkaantala ng Bicam meetings, lalo pang natapyasan.
00:16Balita hatid ni Bea Pinla.
00:20Halos buong linggong hinimay at tinalakay ng Bicameral Conference Committee
00:24ang panukalang 2026 national budget na makasaysayan dahil unang beses itong binuksan sa publiko.
00:31Mag-aalas dosy medyan ng madaling araw nang tuluyan itong natapos.
00:34On the part of the Senate, this Bicameral Conference Committee meeting is hereby adjourned.
00:39On the part of the House, this Bicameral Conference Committee hearing is hereby adjourned.
00:46Bagamat dumaan sa butas ng karayong, aprobado na ang nasa P529.6 billion budget
00:55ng Department of Public Works and Highways na unang sumalang sa Bicam noong linggo.
01:00Masalimuot ang naging talakayan ng Bicam dito.
01:03Matapos hilingin ng DPWH na ibalik ang P45 billion na tinapyas ng Senado
01:08dahil sa pagkakamali sa computation sa costing ng mga materyales sa mga proyekto.
01:13Base po doon sa submission ng DPWH, sa bagong submission nila,
01:20na dito po sa bagong adjustment factor,
01:23ang resulta ng savings na nakuha po natin ay P20.7 billion.
01:30So confident po ako sabihin na wala nang overpriced na materyales sa loob po nitong budget na ito.
01:38Nagkamali. In fact, they sent us a letter the other day
01:41acknowledging that there was an error in the computation.
01:46Indeed, malaki ang dapat tapyasin.
01:51At nung kinumpute nila, sinama na rin yung hauling,
01:57ibig sabihin yung tracking, logistics,
02:01ng materyales na kasama dapat sa costing.
02:04Ang P20.7 billion na savings mapupunta sa PhilHealth at National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
02:21Ang national government ay hindi ho nagri-remit ho ng tama sa PhilHealth.
02:27May 16.5 billion pesos na kulang.
02:31Yung natipid ho nating P20.7 billion,
02:36dahil po maraming mga lugar ang nasalanta,
02:39marami ho tayong mga lugar na tinamaan po ng bagyo or earthquake,
02:43ilalagay naman po yung 4.2 additional sa N-Dream Fund.
02:48Pero may ilan pang bagay sa DPWH budget na kinilatis ng ilang mambabatas.
02:53Kung ang direksyon ay maglaan ng pondo para sa mga disaster,
02:58bakit tinatanggal natin ang preventive maintenance na siya ang unang-unang kailangan
03:04sa bawat pangyayari ng kalamidad?
03:09Bakit yung preventive maintenance pa sa lahat ng programa ang binawasan ng todo-todo?
03:14Naghalo-halo na po yung problema. Nagkaroon po ng problema dito sa flood control issue.
03:20Ngayon, nagkakaroon po sila ng management reshuffling at management enhancing.
03:27At dahil dito po sa mga ginagawa po nila sa loob ng DPWH,
03:31nade-delay rin po yung kanilang project execution.
03:34Minasabi naman ng DPWH, bawasan lang ng konti dahil meron pa kaming pondo.
03:39Pagbibigyan sila ulit, maiipon ng maiipon lang. Hindi rin nila magagamit.
03:44Nagpadala rin ang liham sa BICAM si DICT Secretary Henry Aguda.
03:48May nasa 22.9 billion pesos daw na matitipid ang gobyerno
03:53base sa bagong computation ng mga ICT projects sa iba-ibang ahensya.
03:57Some of them are volume discounts, some of them are redundant procurement,
04:02some of them are subscription services that can all be haggled at a cheaper rate.
04:12I think there are other projects as well that they found to not be practicable at the moment
04:18or baka outdated na po yung ongoing digitalization initiatives.
04:23Ipinaliwanag naman ng BICAM ang pagbalik nila sa 889 million peso budget ng Office of the Vice President
04:29na nauna nang kinaltasan ang kamera dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ni Vice President Sara Duterte
04:35na depensahan ang pondo ng opisina niya.
04:38First, bumalik naman siya sa NEP level.
04:40So, ibig sabihin, aprobado ito ng DBM at ng executive.
04:45At pangalawa, hindi naman ganung kalakihan yung itinasma.
04:48Pag ganito kasi, titignan mo yung kabuan para less friction at hindi pa tumagal kung maliit lang ang pinag-uusapan.
04:57Tinaasa naman ang pondo ng Office of the President na ngayon ay nasa 28 billion pesos na.
05:03Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, hindi na mahabol bago magpasko
05:06ang ratifikasyon ng BICAM report tungkol sa pambansang budget.
05:10Pero kampante raw ang House at Senate contingent na walang mavivito rito ang Pangulo.
05:15Baka 28 ang permahan and 29 ang ratification.
05:20Kasi we have to reconcile our numbers with theirs.
05:23So, yan process alone will take 4 or 5 days.
05:28Tapos may Pasko pa, magnoche buena.
05:32Target daw nilang mapadala ang pinal na panukalang budget sa Pangulo sa December 29.
05:37Dalawang araw bago matapos ang 2025.
05:40Pero kampante silang sapat na oras ito para marepaso ng Pangulo.
05:44Simultaneous na po yung finalization ng enrolled bill ng GAB at yung review ng DBM.
05:51So, rest assured po that the executive is given enough time to review the GAB before the President signs it.
06:00Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:04So, let's go.
06:11So, let's go.
Comments