00:00Ang pagiging abogado ay tunay na isang marangal na profesyon.
00:05Kaakibat nito ang malaking responsibilidad na siguraduhin na umiiral ang justisya at napoprotektahan ang mga karapatan.
00:14Kasabay ng pagdiriwang ng National Law Month ngayong Setiembre,
00:18isinagawa ng Integrated Bar of the Philippines Quezon City ang Golden Pillar of Law Awards sa Old Quezon City Hall of Justice.
00:26Pagbibigay-pugay ito sa mga legal luminaries na kinilala hindi lamang dahil sa tagal ng kanilang serbisyo,
00:33kundi pati na rin sa kanilang malaking kontribusyon sa profesyon.
00:56Ang isa sa mga honoree na si former Chief Justice Reynato Puno, ikinagalak ang pagkilalang ito sa kanya.
01:24It's an award that gives recognition to our contribution in strengthening the rule of law in our country.
01:39I'm proud to be a member of the IBP Quezon City chapter.
01:44I note the many relevant and significant activities, programs of the Quezon City chapter,
01:56which address principally the need for justice, especially of the lesser members of our community.
02:08Sa Executive Secretary Lucas Bersamin naman, may payo sa mga abogadong nagsisimula pa lamang sa kanilang profesyon.
02:16When I was starting out, you follow the examples, the good ones, of the senior lawyers because they are the best mentors for success in the profession.
02:27Isang pagsaludo sa dedikasyon at kontribusyon ng mga Golden Pillar of Law honorees.
02:33Ang limampung taong serbisyo sa legal profession ay salamin ng integridad at kahusayan
02:39na patuloy na magbibigay inspirasyon sa mga susunod pang generasyon ng mga abogado sa bansa.