00:00At sa ating ulat showbiz, inilunsad na ng Metro Manila Film Festival ang commemorative coffee table book kasabay ng 50 taong legasiya ng pelikulang Filipino.
00:12Samantala, nag-uwi na ng Emmy Awards o animang Netflix series na adolescence. Narito ang ulat.
00:19Sa pamamagitan ng isang commemorative coffee table book, ipinagdiwang ng Metro Manila Film Festival o MMFF ang kanilang ikalimampung taong legasiya ng pelikulang Filipino.
00:32Matapos ang walong taong in the making, inilunsad ang libro nitong biyernes.
00:36Kasama ang mga Hall of Fame Awardees na sina Ricky Lee, Film Development Council of the Philippines FDCP Chair and CEO Joey Reyes, Roy Iglesias, Joel Lamangan, Lee Briones Miley, Manet Dairit at Lot Lot De Leon na nag-represent kay late national artist Nora Honor.
00:53Sila ay patuloy na nagbibigay inspirasyon at buhay sa pelikulang Pilipino.
00:58Awardees din sina Judian Santos, Erickson Navarro dahil sa pagtanggap ng tatlo o higit pang mga parangal katulad ng Best Actress at Best Production Design.
01:08Featured sa mga pahina, mga behind the scenes na mga successful na pelikula ng festival at mga award-winning na mga artist tulad ni na Nora Honor, Dolphy, Hilda Coronel, Vic Sotov, Fernando Poo Jr., Vice Ganda, Cesar Montano, Maria Rivera at Dindondantes at marami pang iba pa.
01:25Kinilala ng MND at MMFF concurrent chairman attorney Don Altez ang patuloy na suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng mga industry partners.
01:35Nagpapatibay ito anila sa patuloy na pagkilala sa pelikulang Pilipino sa international stage.
01:41Maraming salamat sa lahat ng katuwang at sumusuporta sa MMFF, lalong-lalo na po sa ating Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
01:50at unang ginang, Lisa Araneta Marcos.
01:55Dahil sa inyo, patuloy natin na ipapakita sa mundo ang galing ng pelikulang Pilipino.
02:02Muli, maraming salamat.
02:04Mabuhay ang MMFF.
02:06Mabuhay ang pelikulang Pilipino.
02:10Isasagawa naman ang pinaka-aabangang parade of stars sa December 19 sa Macali City at Gabi ng Parangal sa December 27.
02:20That's the least!
02:23Nag-uwi ng anim na Emmy Awards ang Netflix series na Adolescence.
02:28Owen Cooper, I love you.
02:30Ang 15-year-old na actor ng drama series na si Owen Cooper, ang pinakabatang lalaki na nakatanggap ng Emmy bin.
02:37Napuha nito ang Best Supporting Actor.
02:40Nakasentro ang kwento ng adolescence sa isang 13-year-old na batang lalaki na inakasahan ng murder sa isang kamag-aral.
02:47Nakatanggap ang drama series ng mga papuri para sa pagdibigay liwanag sa epekto ng mga smartphone at social media sa mga teenager.
02:54Ang mini-series na dinirect ni Philip Baratini at isinulat ni Jack Thorne at Stephen Graham
03:00ay mapapanood sa apat na episodes na kinunan sa isang take lamang.
03:05Kaya naman nakuha rin ito ang Best Limited Series at Parangal sa Best Directing at Writing.
03:11Kabilang rin sa mga natanggap na parangal ang Outstanding Lead Actor para kay Stephen Graham at Supporting Actress para kay Erin Doherty.
03:19Ilang TV series din na nakaraming natanggap sa Emmy Awards 2025 ay ang The Pit ng HBO at ang Apple TV series na The Studio.