00:00Supportado ng ilang kongresista ang Independent Commission for Infrastructure
00:05at para palakasin pa ang kapangyarihan nito,
00:08isinusulong na rin sa kamera ang pagbuon ng batas para dito
00:11at hindi lamang executive order.
00:14Yan ang ulit ni Mela Lasmoras.
00:18Handang makipagtulungan ang House Infrastructure Committee
00:21sa Binoong Independent Commission for Infrastructure o ICI ng Malacanang.
00:26Ayon kay Infracom Co-Chair Terry Ridon, kahit hindi patapos ang kanilang investigasyon,
00:32maaari na silang magpasa ng inisyal na rekomendasyon sa komisyon.
00:37Tingin ni Ridon kahit may ICI na, pwede pa rin naman nilang ipagpatuloy ang kanilang mga pagdinig.
00:56Sa ngayon, isinusulong na rin ang ilang kongresista sa panguna ni House Deputy Minority Leader Laila Delima
01:07ang House Bill No. 4453 na nagtutulak na palakasin pa ang kapangyarihan ng nasabing Independent Commission
01:14sa pamamagitan ng isang batas at hindi lang basta executive order.
01:19As an executive creation, ICI can only be granted with limited subpoena power.
01:26It has no contempt powers.
01:28House Bill 4453 has strengths which amplify an investigative commission's independence, credibility, and merits.
01:38While we appreciate the intent of Malacanang,
01:40baka sa dulo, puro mapunta lang sa files yung mga magiging findings nila.
01:46Kasi nga kulang yung kapangyarihan. It has to be legislation.
01:50So hindi po po pwedeng cup syrup lang, kinakailangan na mag-antibiotic.
01:54At antibiotic po, ito pong ating panukalang batas.
01:57Dagdag pa ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice,
02:01kung mapalalakas ang ICI, hindi lang pagpapanagot sa mga nagkasala ang maisa sa katuparan,
02:08kundi malilinis din ang pangalan ng mga wala naman talagang kasalanan.
02:12Ang nakitang-kita ko sa social media, ang description sa amin, buhaya eh.
02:18So, kailangan matapos to. Unfair naman sa amin na hindi gumagawa ng ganito.
02:23Una ng sinabi ni House Speaker Martin Romualdez,
02:26nasoportado rin niya ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
02:31na walang sino man ang dapat maging exempted mula sa usapin ng accountability.
02:36Sangayon din siya sa naging babala ng presidente laban sa name-dropping at reckless accusations.
02:42Si House Majority Leader Sandro Marcos naman,
02:45naghain na rin ang House Bill No. 3661
02:47na naglalayo namang ma-disqualify na ang mga kamag-anak ng mga opisyal ng gobyerno
02:52sa pagpasok sa lahat ng kontrata sa pamahalaan.
02:56Mela Las Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.