00:00Samantala, mula sa preson kanina, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang inaugurasyon at pamamahagi ng mga bagong house and lot unit
00:08sa barangay San Bartolome sa San Pablo City, Laguna.
00:12Ang mga bahay ay binahagi sa nasa 1,070 na pamilyang apektado
00:17ng South Long Haul Project Segment 2 hanggang 7 ng Philippine National Railways.
00:22Ayon sa Pangulo, ito ay bahagi pa rin ng pagsisikap ng pamahalaan
00:26na pagbutihin ang pabumuhay ng mga pamilyang Pilipino.
00:30Bawat bahay ay may 40.50 square meter na lupa at may floor area na 27.35 square meters.
00:38Kabilang din sa land development ang mga sidewalk, drainage system, tubig at kuryente.
00:43Kasalukuyan, naring itinayo sa lugar ang paaralan na may labing limang classrooms,
00:48daycare center, multipurpose covered court, talipapa, health center at iba pang pasilidad para sa komunidad.