00:00Ipinag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng bidding para sa locally funded projects ng kagawaran.
00:10Ayon sa kalihim, ito'y alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:15sa gitna ng investigasyon sa mga maanumalyang flood control projects sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:22Giit ni Dizon, ayaw na ng Pangulo na masayang ang pera at mga proyekto ng taong bayan.
00:27Kaugnay nito, hiniling na rin ni Dizon sa Department of Justice na mag-issue ng lookout order laban sa mga opisyal ng DPWH at mga kontratista na sangkot sa investigasyon.
00:39Ito'a niya ay hindi lamang para matiyak na hindi makalabas ng bansa ang mga iniimbestigahan, kundi isang malinaw na mensahe na seryoso ang pamahalaan sa pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya.