00:00Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng 2025 FIVB Volleyball Men's World Championships.
00:08Kumuha tayo ng update kay Bernadette Tinoy. Live, Bernadette.
00:12Ay, matapos sa mahigit isang taong paghahanda ng Philippine National Volleyball Federation,
00:18opisyal na nga nagsimula ang 2025 FIVB Volleyball Men's World Championships.
00:23May tuturing na makasaysayan ang nasabing world meet dahil ito ang kauna-unang pagkakataon na napasakamay ng Pilipinas ang solo hosting ng torneyo.
00:34Nasa 32 nasyon ang nakatakdang maglalaban mula ngayong araw kabilang ng Alas Pilipinas Men's National Team na maglalaro mamayang alas 7 kontra sa bansang Tunisia.
00:46Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang opening ceremony kasama si First Lady Liza Araneta Marcos,
00:54Presidential Sun and Sports Ambassador Vini Marcos, na co-chairperson ng Local Organizing Committee,
01:00at Sen. Alan Peter Cayetano.
01:03Bago ang laban, pumuntang Europa ang pambansang kupunan para sumailalim sa training camp sa bansang Romania, Portugal at Morocco,
01:10kaya naman positibong PNVF na handa ng national team na humampas ng bola ngayong gabi.
01:17Ayos na dito tayo ngayon sa Mall of Asia Arena kung saan dito nga ginaganap ang World Championships
01:23at ilang sandali na lang ay malalaman na natin kung sino bang mananalo sa pagitan ng Alas Pilipinas at Tunisia.
01:29Of course, inaabangan din ng Pinoy fans ang pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
01:33at ng First Family bilang pakikiisa sa once-in-a-lifetime opportunity ng bansa na makapag-host ng World Championships.
01:42At yan ang muna ng latest mula dito sa Mall of Asia. Balik sa'yo, Ayes!
01:46Maraming salamat, Bernadette Tinoy.