Skip to playerSkip to main content
Sibak sa puwesto ang mga pulis-Maynila na nagdeklara ng pag-aresto sa ilang umano’y suspek nitong Miyerkoles. Pero ang lumalabas sa imbestigasyon, sinaktan at ninakawan umano ng mga pulis ang mga dinampot nilang lalaki.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si Baxa Puesto, ang mga polis Maynila na nagdeklara ng pag-aresto sa ilang umunoy sospek nitong Merkulis.
00:08Pero ang lumalabas sa investigasyon, sinaktan at ninakawan umano ng mga polis ang mga dinampot nilang lalaki.
00:16Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Naguusap sa gilid ng kalsada nitong Martes ang nakaputing si Chester Dumaran at nakaitim na si Nicole Owensuliesa
00:28nang paligiran sila ng walong lalaki at sakap pinusasan.
00:31Pagkatapos ay isinakay si Dumaran sa itim na SUV habang si Suliesa ay isinakay sa pulang sedan.
00:37Nangyari ito bandang alas 3.30 ng hapon.
00:41Pagsapit ng hating gabi, muling makikita ang black na SUV na nakaparada sa tapat ng isang kainan.
00:47Mula sa SUV, makikita ng tumatakbo palayo si Dumaran.
00:50Pagkatapos ng ilang minuto, may mga humahabol ng mga lalaki.
00:54Nasa loob na ng parehong sasakyan si Suliesa.
00:57Ang National Police Commission nababahala sa mga nakuhanan ng CCTV hating gabi ng September 10.
01:04Taliwas kasi yan sa sinabi ng Manila Police District Drug Enforcement Unit na inaresto nila si Suliesa
01:09sa drug enforcement operation na ikinasa sa parehong oras.
01:14Sa affidavit of operation, ang itim na SUV ito ang inilistang ginamit na sasakyan sa operasyon.
01:20Nakakulong ngayon si Suliesa sa Manila Police District dahil sa kasong possession and distribution of illegal drugs.
01:26Inilistang at large si Dumaran.
01:29Ang nakasulat po na nangyari po na inaresto sila ay September 10 na po, 2025 at around 12.50am
01:38in front of a *** sizzling restaurant.
01:42Ang totoong nangyari ayon kay Dumaran, isinakay sila sa sasakyan,
01:46inikot sa ilang bayan sa Rizal, pinagnakawan at sinaktan.
01:50Pagkatapos ay sakalang nagpakilalang polis ang mga dumukot sa kanila.
01:54Pagkukuha po ng cellphone ko, meron po akong G-cash account doon.
01:57Pinabuksan po sa akin, kinuha po nila yung laman ng 9,000.
02:01Sampungban ka pong inipon yun ma'am para po sa isang taon ng hanap ko.
02:04Kasama rin umano sa sasakyan noon,
02:06ang hepe ng Manila Police District Drug Enforcement Unit.
02:10Iniimbestigahan ng Napolcom ang mga polis na nasa sasakyan.
02:13Ang hepe na isang polis major, dalawang master sergeant, dalawang staff sergeant, isang corporal at isang patrolman.
02:21Sinunto po namin si hepe nila sa headquarters.
02:24Then gumawa po sila ng plano sa gilid lang po ng sasakyan,
02:28habang nasa loob po kami ng sasakyan.
02:30At saka po na po kami umalis patungo po ng Rizal.
02:32Humihingi ngayon ng proteksyon ng mga biktima, lalo na para kay Soliesa,
02:36na nakadetine ngayon sa Manila Police District.
02:38Pag malaman po ng mga polis na lumalaman po kami para sa asawa ko kasi maninis po yung konsenyo ng asawa ko.
02:49May gawin po silang masama sa asawa ko kasi nandun po sila.
02:52Nando po sa loob yung asawa ko.
02:55Ayon lang po yung kinakatakot.
02:57Sinusubukan namin hinga ng pahayagang MPD,
03:00pero pinareleave na sa pwesto ni Manila Mayor Isco Moreno ang mga sangkot na polis.
03:05Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended