Isa sa mga napiling readers sa book launch ng dalawang bagong libro ni Ricky Lee si Michael V.
Ini-launch nitong September 12, 2025, Biyernes, sa SMX Convention Center ang mga bagong libro ni National Artist Ricky Lee na "Agaw-Tingin" at "Pinilakang Tabing."
Bago ang pag-akyat ni Michael V. sa entablado para magbasa, nakausap muna nina PEP Troika Noel Ferrer at Jerry Olea ang "Bubble Gang" star. Naikuwento niyang matagal na niyang gustong maging book reader o kaya ay maging lector sa simbahan, pero nag-aalinlangan siya.
Pangarap niya rin daw na makatrabaho si Ricky Lee.
Siyempre pa, naitanong sa aktor-komedyante ang tungkol sa viral spoof niyang si Ciala Dismaya, na halatang hango sa kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya.
Be the first to comment