Skip to playerSkip to main content
Tinutulan ng ilang mambabatas ang mungkahing gawing state witness ang mag-asawang Discaya. May rekomendasyon kaugnay niyan sa Senado pero hindi nilagdaan ni Senate President Tito Sotto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00.
00:06.
00:10.
00:14.
00:19.
00:20.
00:24.
00:26.
00:28Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee kahapon, natanong ang contractor na si Pasifiko Curley Diskaya sa motibo niya sa pagdadawid sa ilang mambabatas at iba pang opisyal ng gobyerno sa mga umanoy-manumalyang flood control projects.
00:43Baka mamaya may nag-udyok sa iyo na papuntahin sa ganoon ang iyong affidavit para ikaw ay mainganyo at magkaroon ng rason na i-consider na state witness.
00:57Hindi po your honor. Ang dahilan po ng state witness mo ay dahil po sa natatakot po kami, niluluso po kami araw-araw ng mga iba't ibang grupo po sa aming bahay.
01:10Ayon kay Senate President Tito Soto, si dating Senate Blue Ribbon Committee Chair Rodante Marcoleta, sumulat kay Justice Secretary Jose Crispin Remulia para i-rekomendang gawing state witness ang mag-asawang diskaya.
01:23Pero hindi pinirmahan ni Soto ang rekomendasyon.
01:27Ang unang sinabi ka agad sa akin ni Ping, eh, tell all ba yan?
01:32Mm-mm.
01:33Di ba? Kung tell all yan, pwede, pag-usapan natin.
01:37Pero ano sinabi? Eh, puro congressman ang binanggit eh.
01:40Saka meron pang mga nagkay-question doon sa mga binanggit na mga pangalan na tao.
01:44So, paano mong kaya nga eh papayag ka ka agad?
01:49Di ba? So, hindi ko pinirmahan.
01:51Hindi ko pinirmahan.
01:52Sabi ko, hintayin ko na muna yung susunod mong hearing.
01:54Paiba-iba siya na sinabi eh.
01:56Nung matanggap ko po itong sworn statement na ito ay kaya gada kong nakipag-ugnayan sa ating Department of Justice.
02:03At doon po ay sinabihan ako ng ating kalihim,
02:08Boying Rimulya, na
02:10pakisabi mo ka nila na huwag silang mabahala
02:15at nakahanda naman ang ating kagawaran kung sakasakaling sila ay mapatunayang hindi naman most guilty.
02:24Kasi po ang tuntunin sa ating state witness law or protection program,
02:30kailangan po ay mapatibayan natin na ang mga nag-a-apply ay hindi most guilty.
02:35Kahit mga kongresista, kontra.
02:38Absolutely, no chance.
02:41They are as guilty as the DPWH engineers who are involved in ghost and substandard projects.
02:50They will be as guilty as the politicians that are involved in ghost and substandard projects.
02:56At napakalabo niyan.
02:57Isang requirement nga yan, should not be the most guilty.
03:00How can he claim that hindi siya most guilty when he is the central figure here, a major player?
03:08Tapos malabo pa yung mga kanyang mga sinasabi.
03:11Yung mga opisyal ng DPWH sa Bulacan na si dating District Engineer Henry Alcantara
03:18at mga tauhan niyang sinadating Assistant District Engineer Bryce Hernandez at Engineer JP Mendoza
03:24pwede kaya maging state witness?
03:27Yung po sa mga batang ma-engineers, si Bryce Hernandez at JP Mendoza,
03:31mga tauhan lang naman po sila ni District Engineer Henry Alcantara.
03:35Tingin ko po pwede sila mag-qualify dahil sila po yung pwede maging least guilty.
03:40Kasi mga runners lang naman po ito.
03:42Malabo ho talaga yung D. Alcantara.
03:44Si D. Alcantara ho yung primary suspect dito po sa Bulacan corruption scandal.
03:51Sa ilalim ng Republic Act 6981 o ang Witness Protection, Security and Benefit Act,
03:58maaaring maging state witness ang isang taong kasama sa krimen pero may mga requisitos para rito.
04:04Dapat ang krimen kung saan gagamitin ang kanyang testimonya ay isang grave felony.
04:10Dapat kailangan-kailangan ang kanyang testimonya sa kaso.
04:14Walang ibang direktang ebidensya para sa maayos na pagdinig sa kaso.
04:18Ang kanyang testimonya ay maaaring mapatunayan,
04:22hindi siya ang pinaka-guilty at hindi siya nahatulan sa anumang krimen,
04:26sangkot ang labis na kabuktutan.
04:28That is a discussion that's being held here in the Department of Justice.
04:33On the one hand, pwede po sila maging state witness kung hindi nga sila most guilty.
04:37At yung testimony nila is absolutely necessary for the case to stand in court.
04:42Kaso nga lang po, ang lumalabas po sa mga statements nila ay buhang kakonsyaba na nila from the very start.
04:49Yung mga contractor, pati yung mga ibang politicians at before po yan sa implementation ng project.
04:58Kaya kung sa ganun paraan ay magiging co-conspirator sila and in a co-conspiracy or in a conspiracy,
05:05the guilt of one is the guilt of all.
05:06Para sa GMA Integrated News, Tina Panganibad Perez, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended