00:00Sa ating balita, dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04ang kauna-unahang Manila Strategy Forum ng Center for Strategic and International Studies
00:10na isang kilalang global policy research organization.
00:14Sentro ng forum ang pagtalakay sa hinaharap ng ugnayang Pilipinas at Estados Unidos
00:20kabilang ang mga usaping pampolitika, pang-ekonomiya at pambansang siguridad.
00:25Ayon sa Pangulo, napapanahon ang mga ganitong talakayan dahil naniniwala siya na ang Indo-Pacific
00:32ang nananatiling pinakamahalagang rehyon sa buong mundo at ang Pilipinas Anya ang nasa forefront ito.
00:39Paraan din Anya ito para bigyang diin ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos
00:44sa harap ng mga hamon sa international peace at security.
00:47Muli namang binigyan diin ni Pangulong Marcos Jr. na mananatiling non-negotiable
00:53ang usapin ng respeto sa soberanya at jurisdiksyon ng teritoryo ng Pilipinas
00:58at iginiit na laging handa ang bansa sa pagsusulong ng maayos na kooperasyon sa mga karatig bansa nito.