00:00Dismayado ang pamilya ng mga biktima ng war on drugs sa pasya ng International Criminal Court
00:05na ipostpone ng confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:09dahil hindi umano-maayos ang kondisyon nito.
00:12Iyan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:16Postponed ang pagdinig, pero hindi pwedeng ipostpone ang paghingi ng ustisya.
00:22Ito ang sigaw ng pamilya ng mga biktima ng madugong war on drugs
00:26matapos ipagpaliban ng International Criminal Court.
00:30Ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:34kaugnay ng Kasong Crimes Against Humanity na itinakda sa September 23.
00:39Sa desisyon kasi ng ICC Pre-Trial Chamber 1,
00:43sinabing ipinagpaliban ang pagdinig upang magkaroon ng sapat na panahon sa pagkapasya
00:48sa hiling ng kampo ni Duterte na indefinite adjournment ng pagdinig
00:53dahil not fit o wala umano sa maayos na kondisyon ng dating Pangulo
00:58para humarap sa paglilitis.
01:01Kaya naman hindi naitago ng pamilya ng mga biktima
01:03ang matinding pagkadismaya.
01:05Halos hindi ako makatulog.
01:08Hindi nga ako nakahaponan sa totoo lang, no?
01:11Kasi na-dismaya.
01:13Na-dismaya talaga ako dahil ready-ready na po kaming lahat.
01:18E paano naman po kami?
01:20Syam na taon na po yung hinihintay namin.
01:22Nawalan po kami ng mahal sa buhay.
01:24Bulok na po yung mga anak namin sa lipingan.
01:28Tinawag din nila itong delaying tactic ni Duterte.
01:31At duda rin silang baka nagpapanggap lamang itong may sakit.
01:34Lalo na't maayos ang pag-aalaga ng ICC sa kanilang mga detainee.
01:39Si Kitty Duterte, minsan, tinanong kung kamusta ang tatay niya.
01:44Araw-araw.
01:44At ang sabi niya, habang nakabisita siya, pumasok ang isang custodian officer at tinatanong yung tatay niya,
01:54anong music ang gusto mo para relax siya sa loob ng kulungan.
02:00Dahil dito, makikipag-ugnayan ang kampo ng mga biktima sa Office of the Public Council for the Victims ng ICC
02:07para isulong ang pag-reset ng confirmation of charges hearing.
02:11Ayon kay Atty. Conti, umaasa silang may tatakda sa Nobyembre o Disyembre ngayong taon
02:17ang bagong petsa ng pagdinig.
02:19Pag-aaralan din nila ang iba pang legal na hakbang na pwedeng gawin.
02:23Pinayuhan din ang kampo ng mga biktima ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:29na huwag na huwag makikipag-negosyasyon sa mapanlin lang na si Duterte.
02:33Ito'y kaugnay ng bagong panawagan ng abogado ni Duterte sa administrasyon
02:37na pauwi na ang dating Pangulo.
02:39Welcome rin sa kampo ng mga biktima ang inaasaang pagtestigo sa ICC laban kay Duterte
02:45ni Retired Police Colonel Royina Garma.
02:49Kasi ang maglilink kay Duterte mula sa mga DDS killings,
02:54yung Davao Death Squad killings mula 1980s, 1990s hanggang 2016 June
03:00at pagtawid dun sa nationwide killings.
03:03Tingin kami na hindi pa naman niya sinasabi lahat eh.
03:07I mean, what she gave as a testimony sa Quadco is not everything.
03:12Hoy ni Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.