00:00Nakuha ng PTV News ang listahan ng National Expenditure Program ng Marikina City para sa taong 2026.
00:08Ilan sa mga nakasaad dito ay ipinagtaka ng isang kongresista.
00:13Yan ang ulit ni Isaiah Mirafuentes, Exclusive.
00:17Sa tuwing may bagyo, Marikina ang isa sa mga unang binabantayan.
00:23Kapag umapaw kasi ang Marikina River, damay ang mga nakatira malapit dito.
00:28At kung matindi ang pagulan, maraming barangay ang nalulubog sa baha.
00:33Kaya ang kailangan ngayon ng Marikina, Flood Control Project.
00:38Meron namang project at meron pang bago para sa taong 2026.
00:43Pero tila ang ilan dito ay katakataka at tila mapatatanong ka.
00:49Isa ito sa mga listahan ng National Expenditure Program o NEP ng Marikina City para sa taong 2026.
00:57Makikita ang proyektong para sa rehabilitasyon ng drainage outfall, Phase 1, Marikina City.
01:05Pero ang nakapagtataka, wala itong eksaktong adres.
01:09Pero ang budget, 50 million pesos.
01:13Saan ito?
01:15Pati si Marikina Representative Barsi Chudoro, nagtataka sa proyekto.
01:19Walang station number, wala siyang station ID kung tawagin.
01:24Walang coordinates, very general, vaguely identified.
01:29Tapos round of figure.
01:32Red flag na kung tutusin dahil round of figure.
01:37Tapos walang coordinates, hindi malaman kung saan gagawin.
01:41Ang Malala, may Phase 2 pa ang project at 50 million pesos din ang budget.
01:48Basi pa rin sa NEP ng Marikina City, may pondong nakalaan para sa rehabilitasyon ng kalsada sa Malaya Street, Barangay Malanday, Marikina City.
01:59Kung makikita nyo itong kalsadang ito, makilis.
02:03Wala namang baku-baku.
02:05Pero nakapagtataka, sa taong 2026, gusto nila itong sirain at isa ilalim sa rehabilitasyon.
02:12At ang Malala pa, gusto nila itong paglaanan ng pondo na nagkakahalagang 25 million pesos.
02:19Ang tanong, para saan? At anong dahilan?
02:23Hindi naman siray. Bakit sisirain? Ang ganda nga eh, bakit sisirain nila?
02:28Dapat ang sira, dapat ayusin.
02:32Pero pagbuo, dapat hindi naman sinisira.
02:35Pero mismo ang proyektong pinapagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Marikina City,
02:41tinapiasan ng budget.
02:44Ito ang Construction of Drainage Systems sa Marikina City.
02:48Base sa pag-aaral ng lokal na pamahalaan, halos 300 million pesos daw ang budget.
02:53Pero ang nasa NEP ng 2026 ay 112,977,000 lamang.
03:02Kalahati lang sa pondong kailangan nila.
03:05Yun yung nililinaw natin sa DPWH.
03:09Sabi naman kanina ni Secretary Vince, kung may duplication, talagang tatanggalin natin yung duplication.
03:18Para yung pera, mas magamit yun sa project na kailangan para sa flood control.
03:24At kung kailangan may managot, mananagot ang gumawa niya.
03:30Kung sino man yung nag-prepare, nag-identify.
03:32Pero pangako ng DPWH, kanila itong susuriin at sisigurduhin na walang magiging anomalya sa Pinala Pondo ng taong 2026.
03:44Ay Siamira Fuentes para sa Pambansang TV sa Pagong Pilipinas.