Skip to playerSkip to main content
  • 11 months ago
Panibagong kilos-protesta, isinagawa ng mga raliyista sa harapan ng St. Gerrard Construction Bldg. sa Pasig City ngayong araw; PNP, tiniyak ang maayos na sitwasyon ng lugar | ulat ni JM Pineda

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Higit isang daang rallyista ang nagsagawa ng panibagong kilos protesta sa harapan ng gusali
00:06ng St. Gerard Construction sa Pasig City para kondenahin ang umano'y koneksyon
00:11ng Pamilya Diskaya sa maanumalyang flood control project sa bansa.
00:16Si J.M. Pineda sa Sentro ng Balita, live, J.M.
00:22Angelique, kung ikukumpara kahapon na may pagbato ng putik at paglagay ng mga spray paint sa kanilang mga gate,
00:29at medyo mas mainahon yung mga rallyista na nagpunta ngayon sa tapat ng St. Gerard Construction
00:34dahil tanging mga drums lamang ang dala nila at malafesta nga itsura kanina
00:39dahil tanging pagsigaw lamang nang magnanakaw ang ginawa ng mga grupo.
00:44Pero isa lang din yung panawagan nila. Yan yung managot ang mga diskaya,
00:49pati na rin yung mga kontraktor na nagdanakaw ng kaban ng bayan.
00:52Bit-bit ang mga placards na may katagang kadiri ang korupsyon at ghost projects sa papel,
01:00sports cars sa garahe.
01:02Walang takot na ipinakita ng iba't ibang grupo ng kabataan,
01:05kasama ang akbayan party list ang kanilang inis at galit
01:08sa Pamilya Diskaya na sangkot umano sa maanumalyang flood control projects.
01:12Gaya ng ibang militanteng grupo, sigaw nila na dapat managot na ang mag-asawang diskaya
01:24at iba pang mga kontraktor na bumulsa sa mga pondo para sa flood control projects.
01:29Hindi rin umano dapat palagpasin ito at singilin ang mga korup na ninakaw ang kinabukasan ng mga kabataan.
01:35Kumakalampag sa mga kagaya ni Diskaya na ang kakapal po ng muka na magnakaw ng kaban ng bayan.
01:47Alam niyo po, hindi lang kaban ng bayan yung ninanakaw nila, buhay, pangaharap at kinabukasan po namin mga kabataan.
01:54Pero kung kahapon nagkaroon ng pagbato ng putik sa gate ng St. Gerard at naging agresibo ang ibang grupo,
02:01mas naging mahinaho naman ang nagprotesta ngayon.
02:03Malalakas na palo sa drums at sigaw lamang ang pinakawala nila.
02:07May mga miyembro rin na nagtalokbo ng kumot na mistulang multo at may muka ni Sara Diskaya.
02:12Para po sa atin, minumulto na tayo ng mga kontraktor sa ito.
02:18Minumulto na tayo ng mga buwis ng taong bayan.
02:22Minumulto ang pera ng taong bayan.
02:25Minumulto ang kaban na kinabukasan naming mga kabataan.
02:28Gusto nilang iparating na hindi dapat masanay ang mga Pilipino sa korupsyon.
02:34Tama naman po talaga na dapat magalit at ipakita natin ang galit nating mga kabataan,
02:39ang otinaryong maamayan, dahil hindi naman po normal ang ginagawa nila.
02:43At kami po sa Youth Against Korakot, sa Akbayan, sa Akbayan Youth,
02:47hanggito kami kasi naninindigan kami na we don't want to normalize korupsyon,
02:53we don't want to normalize the luxurious lifestyle of public officials.
02:58Siniguro naman ang PASIC PNP na magiging maayos ang sitwasyon
03:02at nilinaw ng pag-deploy ng mga kapulisan sa lugar ay para sa kaligtasan ng lahat.
03:07Keep on monitoring kasi we expect the worst.
03:10So kung may mga ganito na sitwasyon sa DPNP will always be ready to protect everyone.
03:16Muli namang iginate ng kampo ng Diskaya na hindi naman nagtatago ang magkasawa.
03:21Katunayan, nandito lang umano sila sa Pilipinas.
03:24Kahapon nga ay kusan nilang isinuko ang natitirapang luxury car sa Bureau of Cost Ops
03:28para isailalim sa inspeksyon.
03:31Sabi ko nga Sir J.M. sa lahat ng interview ko, wala po tinatago ang Diskaya,
03:36disposes Diskaya.
03:37At ang kagandaan nito Sir J.M., lahat, documented lahat po.
03:43Paglilinaw pa ni Samanyego, walang biniling luxury car sa ibang bansa ang mga Diskaya.
03:48Ang mga mamahaling kakasing sasakyan nila,
03:52kung tutusin mo, wala naman locally made yan, Sir J.M.
03:57Naggagaling po yan sa ibang bansa through the authorized car dealers.
04:03So, kaya naman po sinabi ko na locally purchased sila,
04:06kasi dito niya pinarchease talaga.
04:08Hindi niya in-import.
04:11Hindi niya in-import.
04:13Ang nag-import po niyan, yung mga car dealers po.
04:18Angelique, sa ngayon nga, medyo tahimik na at wala nang mga ralista dito sa tapat ng St. Gerard Construction.
04:27At kusa nga rin silang nag-disperse kanina at nang dumating din yung PNP Pasek.
04:32At ayon nga doon kay Police Colonel Hendricks Magaldaan,
04:37may mga permit naman itong grupo na ito para magsagawa ng rally dito sa tapat ng St. Gerard.
04:44At makikita niyo, Angelique, dito, nandito tayo sa likod o tapat ng St. Gerard Construction.
04:49Nandito pa rin yung mga marka na isinulat nung mga kahapon na nag-rally dito sa tapat ng kanilang compound.
04:55Angelique.
04:56Okay, maraming salamat sa iyo, J.M. Pineda.

Recommended