00:00Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Enhanced Fiscal Regime for Large-Scale Metallic Mining Act.
00:08Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng batas ay mas magiging simple ang pamamalakad at paggamit ng pondo ng pagmimina at matitiyak na may bahagi ang pamahalaan sa kita.
00:20Kasabay nito anya ang pagpapalakas sa proteksyon ng kalikasan at mas makikinabang ang komunidad.
00:26Sa ilalim ng batas, tatanggalin ang tax distinctions na binabase sa mining agreements.
00:33Tinitiyak din o titiyakin din na patas ang makukuha ng gobyerno sa mga minahan sa pamamagitan ng pag-impose ng royalty sa mga minahan na nasa labas ng mineral reservation.
00:45Habang ipatutupad naman ang windfall profit tax para sa large-scale metallic mining upang matiyak na nakikinabang ang bayan sa sobrang kita ng mga kumpanya.
00:57Mula 2026 hanggang 2029, tinatayang aabot sa 25.08 billion pesos ang inaasahang revenue ng pamahalaan mula sa mining fiscal regime.
01:09Maliban sa inaasahang dagdag kita sa kabanang bayan, sinusulong din ng batas ang responsable ang pagbimina at mas matibay na proteksyon para sa kalikasan.