Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:15Dalawang buwan nang nawawala ang mag-asawang negosyante at kanilang kasosyo na huling ng mataan na umalis sila sa isang condominium unit sa Taguig para sa isang transaksyon.
00:24I-duturing ng PAOK o Presidential Anti-Organized Crime Commission na Persons of Interest ang mga nakatransaksyon ng mga biktima.
00:33Saksi si Marisol of Drama.
00:39Tatlong anak po'y naiwan nila eh. Kaya hindi po biro na basta na lang po ganyan silang mawawala.
00:45Ang gusto po namin mabalik po sila at maawalan po para po sa pamilya po.
00:50Nag-mama kaawa ang kaanak na mag-asawang negosyanteng sinay Henry Angelo at Margie Pantoliana at kasosyo nilang si Richard Cadiz na dalawang buwan nang nawawala.
00:59Julay 6 dahil noong umaga, huling nakita ang tatlo.
01:02Nakuhanan sa CCTV ang pag-alis ng mag-asawa sa kanilang condominium unit hanggang pumasok sa kanilang sasakyan kasama ang kasosyo at hanggang makaalis sila.
01:11Around 12pm po, hindi na po sila nakakontakt.
01:15Papunta ron noon sa isang business transaction sa Pasig ang tatlo.
01:18May stem cell din silang dala at may dala rin silang cash. Ibig sabihin may katransaksyon sila roon.
01:24Two months na, wala pang kumukontak, wala pang nagpaparanggam, asking for anything from your family po?
01:32Wala pa po.
01:33Bandang alas 4 daw ng hapon ng araw na yun, may nag-video call pa raw gamit ang telepono ng babaeng biktima sa kanyang bunsong anak.
01:40So nagtanong po kami sa bata kung ano pong nakita niya or narinig niya. Sabi niya po wala.
01:46Inilapit raw nila sa CIDG ang problema makalipas ang dalawang linggo pero wala raw nangyari.
01:52Kaya humingi na sila ng tulong sa Presidential Anti-Organized Grant Commission.
01:57Parang a business deal that gone wrong. Yun ang tinitignan natin dito.
02:04Bukod sa hindi pa matukoy na halaga ng pera, may dala rin daw ang mga biktima na lalong ng kakahalaga ng 20 milyon pesos.
02:12Maybe yung mga katransaksyon dito eh, nag-interest dun sa mga daladala niyang valuables like the watch and maybe the money.
02:22Sa backtracking na ginawa ng PAO, nakita sa Cavite da kung 7.30 ng gabi ng July 6 ang sasakyan ng mga biktima at isang puting ban na tila nakasunod sa kanila.
02:33Ayon sa PAO, ilang araw matapos silang mawala, nagkaroon pa raw ng mga transaksyon sa ATM.
02:39There were a lot of withdrawals made. Actually kung susumahin natin, millions ang nakita natin. But that's for a specific time period lang. Hindi pa natin na-check-check yung bago o yung iba.
02:55Diba may limit na halimbawa 50,000 o 100,000 ang kayang i-withdraw. So that's why everyday nagkakaroon ng withdrawals.
03:02Ayon sa PAO, itinuturing daw na persons of interest ang mga nakatransaksyon ng mga biktima. Nag-alok na ng 300,000 pisong pabuya ang mga kaanak. Sa sino mang makakapagbigay ng impormasyon, tinggil sa mga nawawala.
03:16Bubuo raw ang PAO ng Special Task Group sa tulong ng iba pang Law Enforcement Agency na tututok sa mga nawawalang negosyante. Umaasa naman ang pamilya ng mga biktima na buhay na makakabalik sa kanila ang mga nawawalang kaanak.
03:30Ayon naman sa CIDG, nagsagawa sila ng ambisigasyon ng idulog ito sa kanila. Mag-i-issue daw ng sabpina ang CIDG sa mga resource person para magbigay linaw sa nasabing bagay.
03:42Isa na itong leksyon sa CIDG para pabutihin pa ang kanilang feedback mechanism at komunikasyon sa pamilya ng mga biktima.
03:50Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
03:56Patay sa saksak ang isang lalaking natutulog sa Banketa sa Ermita, Maynila.
04:02At sa Los Baños, Laguna naman, sa tama ng bala na matay, ang isa pang lalaki.
04:08Ating saksihan!
04:09May bit-bit na mga patalim ang grupo ng mga lalaking sumugod sa bahagin ito ng Los Baños, Laguna nitong linggo.
04:27Sa viral video, namamagitan na ang babaeng sumisigaw pero hindi nagpapigil ang mga lalaki.
04:33At may isang nagtuloy-tuloy sa pagsugod.
04:37Hanggang sa...
04:40Umalingaw-ngaw ang putok at bumagsak ang isang lalaki.
04:48Base sa inisyal na imbistigasyon, nagsimula ang gulo ng magsagutan hanggang sa magkainitan ang asawa ng babaeng umaawat sa video
04:55at dalawang lalaking nakainong umano na pumunta sa lugar.
04:59Nauwi raw ito sa bugbugan hanggang sa tumawag ng rest back ang parehong panig.
05:04Yung victim natin, saka yung suspect, is bumibili ng ice cream.
05:10Ngayon, itong si victim natin, dumating ng laseng at parang kung bagay, nakursunodahan itong kabilang party.
05:19Si suspect natin, yung parang napagtulungan o nakuyog.
05:25Pagkatapos ng ma'am, nagkaroon ng rest back.
05:29Itong victim natin, bumalik at naghamon.
05:33Tapos from there, may narinig tayong putok.
05:37Bumagsaksi si victim.
05:41Hindi pa rin na-recover ng mga polis ang ginamit na sumpa o improvised na baril.
05:45Pero nakumpis ka nilang ilang patalim, kabilang ang kitchen knife at karit.
05:50Ayon sa mga kaanak ng biktima, may malay pa siya nang isugod sa ospital.
05:54Agad din siyang inuperahan, pero idineklarang brain dead nitong lunas ng umaga.
05:58Pagsapit ng gabi, binawian siya ng buhay.
06:02Labis ang hinagpis ng ina ng lalaking binaril.
06:04Kamatay lang din po ng biyondan ko isang buwan lang po ngayon.
06:08Tapos may kasusunod na po agad.
06:13May sakit pa si anak ko.
06:16Sinubukan naming kunan ang pahayag ang suspect at kanyang mga kaanak pero walang humarap sa amin.
06:21Sumuko na lang po siya para kung maging maayos na lang po.
06:27Gumugulong na ang imbistigasyon at pag-aayos na isasampang mga reklamo.
06:32Sa bahagi naman ng San Marcelino Street sa Ermita, Maynila,
06:35binawian ng buhay pasado alas 10 kagabi ang 32 taong gulang na si Romnick Abion.
06:41Pinagsasaksak daw ang biktima habang natutulog siya sa bangketa.
06:44Pero nakatayo pa ro si Abion para habulin ang salarin kahit puro saksak na ang kanyang dibdib.
06:49Ginaboy na rin po kasa sabi niya ma hindi ko na kaya.
06:53Tumaob na siya kaya akong tumatakbo sa buta ng kalsada.
06:57Kasi pag lumapit ako sa kanya baka saksaking niya rin ako na.
07:00Nang isagawa ang krimen, katabi raw ng biktima ang minor de edad niyang anak
07:04na siyang nagpasaklolo sa barangay.
07:05Nung umaga daw, kasi naatasan siya magsita ng mga street dweller dyan sa kabilang side ng San Marcelino.
07:13Nasita niya yung grupo, pumalag yung taong sumaksak sa kanya hanggang sa nagsuntukan sila.
07:20Mabilis na huli ng mga rumisponding polis ang 35-anyos na suspect sa bahagi ng Paco Park.
07:26Na-recover ang kutsilyong ginamit sa krimen na ibinaon niya sa isang puno.
07:30Gayun din ang gloves at lalagyan ng patalim.
07:32Ayon sa suspect, nagikot-ikot siya kahapon para ibenta ang kanyang cellphone para maipambili ng pagkain.
07:39Napadpad siya sa San Marcelino para sana magpahinga.
07:42Pero pilit umano siyang pinaalis ng biktima hanggang sa mauwi ito sa suntukan.
07:47Hinatao para siya nito ng tubo sa kanyang ulo at hita.
07:50Kumuha pa umunan ng martilyo ang biktima.
07:52Ito raw ang dahilan kaya niya plinano ang pagpatay.
07:55Kaya sa halip na ipambili ng pagkain,
07:57ibinenta raw niya ang kanyang cellphone para mabili ang kutsilyo at gloves na ginamit niya sa krimen.
08:01Ang intensyon ko po talaga na balikan siya karang mabawasan yung m***** sa kali.
08:07Hindi po ako nagpasisisi kasi agante ko sa kanya, kinoresonada niya po ako.
08:13Wala naman po akong ginagawang masama.
08:16Nahaharap sa reklamong murder ang suspect na nasa kustodya na ng Manila Police District.
08:21Nananawagan naman ang kinakasama ng biktima para ipaalam sa mga kaanak nito sa Bicol ang kanyang sinapit.
08:26Kamag-anak lang daw kasi ang pwedeng kumuha sa bangkay ng biktima sa punerarya.
08:30Sa ano po, sa Milaor. Sa Milaor po, sa tabi lang ng simbahan po, si Romnick Avion.
08:35Patay na po. Pumunta kayo rito. Sana makarating sila para makuha namin yung labi ng asawa.
08:42Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyong saksi.
08:47Gusto po na ilang political party leaders sa Kamara, nalinisin muna ng Budget Department ang 2026 National Expenditure Program.
09:01Kaya anila dapat ibalik muna ang budget proposal sa Ehekutibo.
09:06Saksi, si Von Aquino.
09:07Dahil sa mga nakitang problema at questionabling insertion sa 2026 National Expenditure Program
09:17na isinumite ng Department of Budget and Management,
09:21inirekomenda ngayon ang political party leaders ng Kamara kay House Speaker Martin Romualdez
09:26na ibalik ito sa DBM.
09:27Kabilang dito, si na National Unity Party Leader Chairman Ronaldo Puno,
09:32lakas si MD Member Janet Garin,
09:34at NPC Secretary General Wilfrido Mark Enverga.
09:38Hindi kami nag-ngag ng gugulo dito.
09:40Ang problema namin talaga is ayaw namin tanggapin itong basuran trabaho,
09:46tapos kami na naman ang masisisi.
09:48If we solve it, sasabihin na rinalign namin yung buong budget.
09:53Nais na mga mambabatas na reviewin at linisin ang DBM ang 2026 NEP.
09:58Mas magiging mabilis ang trabaho if we admit that there are lapses
10:02because walang perpekto eh.
10:04Pero kung makita at ituro nila,
10:07ito ang mga executive insertions na hindi nararapat
10:12at hindi sangayon sa kumpas ng Presidente,
10:15then that will be the time that Congress can efficiently exercise our oversight powers.
10:21Yung sitwasyon kasi ngayon ng budget is such that it will require a very big change.
10:27Ang direction ng Presidente, huwag niyong imanggel yung budget.
10:32Kung ginawa namin ito, kami na naman ang masasalaan.
10:36So the most important thing now is,
10:39bago namin galawin, ibalik na sa kanila.
10:42Cleanse it.
10:43Handa naman daw silang i-cancela ang kanilang breaks sa October 10 hanggang November 11
10:47para maipasa sa tamang panahon ng 2026 proposed national budget.
Be the first to comment