00:00Samantala po patuloy ang pagbibigay ng administrasyon ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ng pinaiting na suporta sa healthcare workers ng bansa.
00:10Sa katunayan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang dagdag na pondo para sa kanilang health emergency allowance na umaabot sa 6.7 billion pesos.
00:21Ayon sa Malacanang, alinsunod ang hakbang na ito sa direktiba ng Pangulo na bayaran na ang balanse ng health emergency benefits and allowances claims mula 2021 hanggang 2023.
00:34Sakop ng nasabing pondo ang higit 1,411,000 claims mula sa LGUs, private health facilities, state universities at iba pang institusyon.
00:46Ang pagre-release ng Special Allotment Release Order o SARO para sa Department of Health ay pagpapahalaga umano sa sakripisyo ng mga health at non-healthcare workers, lalo noong panahon ng pandemya.
01:00Noong 2024 ay naglabas na rin ng 121.3 billion pesos ang DBM para sa health emergency allowance.
01:08Nagpasalamat naman ang Department of Health sa DBM para sa maagap na tugon at pagrelease ng karagdagang budget.
01:17Ayon sa pamunuan ng DOH ay tututukan ito ang pagbabayad sa mga pending claims ng kwalifikadong health and care workers.
01:26Noong nakaraang taon, humigit kumulang dalawang buwan lamang matapos lumabas ang release order, ay nabayaran na agad ang mga nag-claim ng health emergency allowance.
01:36Nagpaalala naman ang DOH sa mga LGU private hospitals at clinics na siguraduhing mabilis at maayos ang pagbabayad sa mga dapat makatanggap ng pondo.