Skip to playerSkip to main content
A low-pressure area (LPA) east of extreme Northern Luzon has developed into a tropical depression and was given the local name “Kiko,” the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said on Wednesday, Sept. 3.

READ: https://mb.com.ph/2025/09/03/lpa-develops-into-tropical-depression-kiko


Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00At base naman po sa ating latest satellite imagery, kaninang alas gis ng umaga, itong si Tropical Depression Kiko ay malapit na nga po sa border ng ating Philippine Area of Responsibility at maya-maya nga ay posible na nga po itong makalabas ng ating PAR.
00:17Kaninang alas gis ng umaga, huli po natin namataan si Kiko sa layong 1,170 kilometers east-northeast ng extreme northern Luzon.
00:26Sa ngayon, meron po itong taglay na hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at bugso na aabot sa 70 kilometers per hour.
00:36Sa ngayon po, kumikilos po ito pahilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.
00:42Ngayon si Kiko, dahil nga po ay malayo po ito sa ating kalupaan, wala po itong direktang epekto sa ating bansa o yung ulap po niya ay hindi magdadala ng mga pagulan sa anumang bahagi ng ating bansa.
00:54At wala din po itong indirect effect sa ating country, wala din po itong enhancement o hindi niya pinapalakas ang southwest monsoon o habagat.
01:04At ngayon po, yung habagat lamang po ang nagdadala ng maulap at maulang panahon sa kandurang bahagi ng Luzon at Visayas.
01:13At dito naman po sa ating forecast track and intensity, mamaya nga po or sa susunod na mga oras ay posible na nga po makalabas itong Sikiko sa ating PAR.
01:26At habang nakalabas na nga po ito sa ating PIR, ay posible pa nga po itong mag-intensify bilang isang tropical storm category bago po ito mag-landfall,
01:37posible po sa may southern Japan area bukas po yan ng umaga.
01:41At dahil nga po malayo sa ating bansa itong Sikiko, wala po tayong tropical cyclone wind signal na nakataas sa anumang bahagi ng ating bansa.
01:51Ito naman po ang ating forecast ngayong araw.
01:55Patuloy pa rin pong umiiral ang southwest monsoon sa kanlurang bahagi ng ating bansa.
01:59Partikular na nga po dito sa may Batanes, Babuyan Islands, pati na rin po sa may Ilocos Region,
02:05at dito rin po sa may Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
02:10Asahan ang makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pagulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa habag.
02:16Pero sa nalalabing bahagi naman po ng ating bansa, asahan naman po ang maaliwalas na panahon sa umaga,
02:23ngunit mataas po yung tsyansa na mga biglaang pagulan sa hapon o sa gabi.
02:29Ito naman po ang ating mga agwat ng temperatura.
02:32Para naman po sa Palawan, Kabisayaan at sa Mindanao, asahan naman po natin ang bahagyang maulap hanggang maulap
02:41na papawirin na may tsyansa pa rin po ng mga localized thunderstorms pagdating ng hapon o gabi.
02:47At ito na nga po ay wala na nga po masyadong direktang epekto ang southwest monsoon sa ating Palawan,
02:53at sa southern part ng ating Pilipinas, ngunit yun nga po ay magpapatuloy pa rin po ang mga afternoon rain showers
03:03at posible pa rin po yan sa susunod ng mga araw.
03:07Ito naman po ang ating mga agwat ng temperatura.
03:09Dito naman po sa ating sea conditions, wala naman po tayo nakataas na gale warning sa anumang baybayang dagat ng ating bansa.
03:17Kaya malayang makakapaglayag ang mga mandaragat natin.
03:21At yung mga sea conditions naman po natin, nasa slight to moderate lamang po.
03:26Ngunit mag-ingat pa rin po yung ating mga kababayan dahil posible po yung mga biglaang buhos ng ulan
03:32o yung during thunderstorm events po offshore o dito po sa ating mga karagatan
03:38ay posible pong tumaas yung mga pag-alon natin dahil nga po sa mga biglaang mga thunderstorm occurrences.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended