00:00Sa ibang balita na halal bilang Pangulo ng ika-78 sesyon ng World Health Assembly sa Geneva, Switzerland,
00:07si Health Secretary Teodoro J. Herbosa.
00:11Ang WHA, ang pinakamataas na decision-making body ng World Health Organization
00:15na tumatalakay sa mga isyong pangkalusugan na kinahaharap ng mundo.
00:21Ito ang unang pagkakataon na naging WHA President ang Pilipinas.
00:25Bilang Pangulo, pamumunuan ni Herbosa ang sesyon na nagsimula noong May 19 at magtatapos sa May 27.
00:32Nito lamang Martes na ipasa sa pagpupulong ang kauna-unahang pandemic agreement
00:39matapos ang tatlong taong negosasyon sa pagitan ng 114 member states ng WHO.
00:46Nakapaloob sa kasunduan ang pantay na akses sa mga gamot at gamit pang pandemia
00:51at mga mekanismo para mapigilan, mapaghandaan at matugunan ang mga susunod pang pandemia.
00:58Samantala, tinanaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang WHA Presidency
01:03bilang pagkilala sa adhikai ng Pilipinas na isulong ang pandaigdigang kalusugan.
01:09Paggunita rin ito sa kontribusyon ng Pinoy healthcare workers sa buong o sa pagbangon ng mundo
01:16matapos ang COVID-19 pandemic.
01:19Dagdag ng Pangulo, pagkakataon din ang WHA Presidency
01:22para maipakita sa mundo ang pagbibigay halaga ng Pilipinas sa kalusugan.